CHAPTER 3

26 3 0
                                    

CHLOE

Bago ako pumunta sa klassroom ay sumaglit muna ako sa cr dahil inayos ko muna ang mukha ko para naman mas lalo akong gumanda kahit maganda na naman talaga ako.

Pagpasok ko palang ay nakita kung napatingin lahat sa kagandahan ko. Mabuti naman at wala dito yung manyak na sinungaling  nayon dahil baka masampal ko lang yung lalaking yun. Nakita ko naman yung gwapong lalaking kausap ko kanina sa rooftop, nginitian nya naman ako kaya nginitian ko rin sya pabalik.

Umupo na ako ako sa upoan ko at kinuha ko muna ang cellphone ko dahil wala pa naman ang subject teacher namin.

Ilang sandali pa naramdaman ko na may nakatingin ng masama sakin kaya nilingon ko kung sinong lapastangan ang may lakas ng loob na tingnan ako ng masama. Paglingon ko nakita ang lalaking manyak na singungaling na nakasagotan ko kanikanina lang at may gana talaga syang tingnan ako ng masama e sya ngayong may-atraso sakin, inirapan ko nalang sya at ibinalik ang paningin ko sa harap sakto namang pumasok na ang subject teacher namin kaya inilagay ko na ang cellphone  ko sa bag at umayos ng upo.

"Magandang umaga sa inyong lahat ako ang inyong guro sa filipino, tawaging nyo ako bilang si Ginang Conocido maliwanag" mataray na sabi ni Ginang Conocido. Tsh, palibhasa wala yata syang lovelife.

Ilang sandali pa ay natapos na ang klase na namin kaya lumabas na si Ginang conocido. Kinuha ko nalang ulit ang cellphone ko para naman may pagkaka-abalahan ako habang hinihintay ko ang last teacher namin ngayong araw.

Maya-maya pa may pumasok na lalaking nasa 30+ na may hawak na libro, sya na yata iyong last teacher namin ngayon.

"Hi class, sorry because i'm late. I'm Mr.Laplana your English teacher in this school year." nakangiting sabi nya samin. Gwapo naman si Sir kahit nasa 30+ na sya at mas bumagay sakanya ang ngiti nya.

Nagsimula ng magturo si Mr.Laplana pero hindi maka focus ang magandang ako dahil kanina ko pa talaga nararamdaman na tinitignan parin ako ng masama ng lalaking sinungaling na yon. Hindi ko naman sya pinagbigyan ng pansin at pinagpatuloy ko nalang ang pakikinig kay sir kahit wala naman punapasok sa isip ko.

Ilang sandali pa ay natapos na ang last subject ko kaya naman niligpit ko na ang mga gamit ko at tumayo. Palabas na ako na ng bigla na lang humila sakin papunta sa kung saan. Ng makita ko ang walanghiyang bigla na lang humila sakin agad nag-init ang ulo ko.

"IKAW!" malakas na sigaw ko. Bwesit!

CHLOE

Bwesit na lalaking to sinong nagbigay ng karapatan sa kanya na basta nalang akong hilahin ng ganon. Baka nakakalimotan nyang may kasalanan pa sya sakin kanina. Walanghiya talaga ang lalaking to!

"Hoy! Manyak na lalaki anong karapatan mong maghila ng maganda?!" malakas na singhal sa manyak na lalaking to. Ngumiwi naman sya dahil sa pagsigaw ko pero ang mata nya ay wala akong nakikitang emosyon.

"Will you shut up? You are too loud" kalmadong sabi nya.

"May pa will you shut up ka pang nalalaman baka nakakalimutan mo na may atraso ka pa saking manyak ka" pasinghal na sabi sakanya. Aba baka akala nya nakakalimutan ko na yon ? Asa sya.

"Miss, hindi ko pa naman nakakalimutan kung paano mo ako pagbintangan na manyak" salubong na kilay na sabi nya sakin. At sya pa talaga ang may gana na mangbintang sakin ? Matindi talaga tong lalaking to.

"Mr, hindi ako nangbibitang dahil nagsasabi lang naman ako ng totoo at bakit mo ba ako hinila dito? May sapak ka bang manyak ka!" pasinghal na sabi ko. Aba, kung wala syang magawa sa buhay nya dapat hindi nya ako sinasali. Bwesit talaga!

"I just want to tell you something." mahinahong sabi nya.

"At ano naman kasinungalingan ang sasabihin sakin?" mataray na sabi ko sakanya. Tsh, Mga walang kwenta na naman siguro ang sasabihin nito.

Umayos naman sya ng tayo at nilagay sa bulsa ang mga kamay nya. At akala naman siguro nya cool na sya sa tingin na yan.

"Let's make a deal. I want you to leave our section at lumipat ka nalang sa ibang section basta wag lang sa section namin kapalit non ay hindi na kita gagantihan sa ginawa mong pagsagot-sagot sakin." mahinahong paliwanag nya sakin. At ano daw leave our section? Asa sya!

"Hoy lalaki! Wala akong pakialam kung gantihan mo ako basta hindi ako aalis dahil lang tinatakot mo ako na gagantihan mo ako. Ano naman ngayong kung gantihan mo ako? Akala mo ba natatakot ako sayo. Asa ka!" malakas na singhal ko sakanya at nagmamadaling umalis.

Bwesit na lalaking yon, anong akala nya natatakot ako sakanya? of course not. Over my hot and sexy body.

 JAZRAEL

That girl! how dare she refuse my offer? I just want her to leave our section because she does'nt fit in our section, she is a girl for christsake. That girl is really getting into my nerve!

Padabog akong nalakad papunta sa sasakyan ko. I need to go home before mawala ako sa katinuan at baka makalimutan ko pang babae sya.

Get ready bitch, because you will see what Jazrael Bautista can do.

CHLOE

Pagdating ko sa bahay nakasalubong ko si Manang sally ang matagal na naming katulong. Baby pa lang ako ay katulong na ni mommy at daddy si manang sally sa pag-aalaga sakin. Kapag nasa business trip sila mommy at daddy ay si manang sally ang nag-aalaga sakin kaya malapit talaga sya sakin.

Lumapit ako kay manang at naglalambing na niyakap ko sya, nginitian nya naman ako at niyakap pabalik.

"Aba, bakit na naman naglalambing ang maganda kong alaga?" nakangiting sabi sakin ni manang. Hay sobrang honest talaga ni manang.

"Kasi manang alam mo bang may umaway sa magandang alaga mo" nakangusong sabi ko. Ngumiti naman si manang dahil sa sinabi ko.

"Hindi na ako magugulat dahil alam ko namang takaw gulo ka" nakangiting sabi ko. Nakangusong napahiwalay naman ako kay manang.

"Manang hindi naman ako takaw gulo eh, may mga tao lang talaga na masama ang ugali" nakasimangot na sabi ko.

"O sya hindi ka na takaw gulo, pumunta ka na doon sa kwarto mo at tatawagin nalang kita pag kakain na tayo" nakangiting sabi ni manang.

"O sige manang magbibihis lang ako at tutulongan na kitang magloto" nakangiting sabi ko kay manang. Nakangiting tumango lang si manang kaya umakyat na ako sa hagdan para pumunta sa kwarto ko. Wala dito si mommy at daddy dahil may business trip sila doon sa korea, one week pa sila doon kaya kami lang muna ni manang ang magkasama dito sa bahay.

Pagpasok ko sa kwarto ko pabagsak akong himiga sa kama at inisip ang first day of school ko pero pumasok din sa isip ko ang manyak na yon, inis na pa upo ako. Makakaganti din ako sayong manyak ka!

                      | IRISH AYESH |

😊

For More Important Updates, Please Visit My Social Media Accounts:

FACEBOOK: IRISH AYESH
INSTAGRAM: @irish.ayesh
EMAIL: irishayeshdelara@gmail.com

The Worst Section Princess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon