CHAPTER 10

19 2 0
                                    

CHLOE

Nagmakalagpas na ako sa entrance ng school, tahimik lang ang gwapong katabi ko na nakatingin sa labas. Bahala syang mapanis ang laway niya

"Do you even know where my house is?" biglang tanong niya. Buti naman at nagsasalita na sya

"Malamang hindi, wala ka namang sinabi" sabi ko habang ang tinging ko ay sa kalsada parin. Mahirap na at baka mabangga kami mababawasan ng maganda at gwapo ang mundong ibabaw.

Narining ko naman ang mahinang tawa ng katabi ko. Baliw na yata to, tumatawa na lang bigla-bigla.

"Eh, asan tayo papunta kung hindi mo naman pala alam kung saan ang bahay ko." natatawa niyang sabi. Bigla ko namang tinabi ang sasakyan ko sa gilid ng kalsada at salubong ma kilay na humarap sakanya.

"Bakit nga ba hindi mo nalang sabihin sakin ang address ng bahay mo at ng maihatid na kita?" naasar na sabi ko. Ang sabihin niya, gustong-gusto niya lang talaga makasama ako ng matagal, tsh

"Kung makapag-drive ka kasi parang alam na alam mo kung saan ang bahay ko" natatawang sabi niya. Baliw ba sya, edi sana sinabi niya sakin.

"Saan ka nga kasi nakatira! Sabihin mo na ng maihatid na kita, dahil nagsisimula ng umiinit ang ulo ko sayo" naiinis na sabi ko sakanya. Nagsisimula na naman tong lalaking to sa pang-aasar sakin.

Natatawa man ay sinabi na niya sakin kung saan sya nakatira. Kaya pinaadar ko na ulit ang sasakyan ko para mahatid ko na ang mahal na prinsipe.

"I'm serious on what i said in the rooftop, chloe" biglang seryosong sabi niya habang nakatingin sa labas ng labas. Teka, ano ba yung sinabi niya sa rooftop?

"Huh?, Ano ba yong sinabi mo kanina?" tanong ko sakaniya. Tumingin ako saglit sakanya pero mabilis ko rin ibinalik ang tingin ko sa kalsada, mahirap na.

"Diba sinabi kung liligawan kita kapalit ng pagkakasapak mo sakin. Akala mo ba nagbibiro lang ako nung sinabi ko yun?" kunot-noong sabi niya sakin. Sino bang may sabi- wait, seryoso ba siya? Akala ko ba biniro niya lang tungkol sa ligaw-ligaw na yan?

"Seryoso ka ba talaga?" natatawang tanong ko sakanya. Malamang, inaasar na naman ako ng lalaking to.

Nang lumingon ako sakanya seryoso lang syang nakatingin sakin. Luh, seryoso talaga sya.

"Hindi ako nagbibiro, pagsinabi ko na liligawan kita, liligawan talaga kita and thats final" seryosong sabi niya at tumingin na sa labas.

"U-Uhm, bakit ba gusto mo akong ligawan? Alam ko naman na maganda ako at mabait pa, pero dalawang araw pa tayong magkakilala kaya parang imposible yang ligaw-ligaw na sinasabi mo" naiilang na sabi ko sakanya.

"I like you the moment you step in our classroom. Saka hindi dahil dalawang araw pa lang tayong nagkakilala ay hindi na ako pwedeng manligaw. We still have time to get-to-know each other, chloe" seryosong sabi parin sya. O-Okay?

Nanahimik nalang ako dahil sa sinabi niya. Well, may point sya.

"Ihinto mo nalang ang sasakyan dyan sa may-itim na gate" mahinang sabi niya pero narinig ko naman.

Sinunod ko naman ang sinabi niya, hininto ko ang sasakyan sa may-itim na gate. Grabe! Ang ganda pala ng bahay niya.

Nauna akong bumaba pagkatapos ay tinulongan ko syang lumabas. Tahimik lang naman sya ng ihatid ko sya sa gate nila. Noong na buksan na niya ang gate, tinulongan ko syang pumasok.

The Worst Section Princess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon