CHAPTER 9

16 3 2
                                    

CHLOE

Pagkatapos ng huling klase namin hindi ko parin pinapansin ang mga mga walang hiya. Kahit kanina ko naririnig na tinatawag nila ako, hindi ko parin sila pinapansin naiinis pa rin ako sakanila. Anong karapatan nilang pagtulongan ang magandang kagaya ko? Bwesit!

"Chloe, pansinin mo na kami" pangungulit sakin ni marco habang ina-ayos ko ang gamit ko. Rinig ko naman na tinatawag din ako ng iba pero hindi parin sila pinapansin at pinagpatuloy lang ang pagliligpit ng mga gamit ko. Pagkatapos nila akong pagtawanan kanina mangungulit sila sakin ngayon na pansinin sila? Bwesit sila!

Pagkatapos kung maglipit tuloy parin sa pangungulit sakin ang mga walanghiya. Akmang lalabas na ako ng pigilan ako ng mga walanghiya. Aba, ginagalit talaga ako ng mga walanghiya nato!

"Paghindi niyo ako binatawan ay isa-isa ko kayong ibabalibag" pasinghal na sabi ko sakanila. Nanlaki naman ang mga mata ng mga walanghiya at sabay-sabay nilang binitawan ang kamay ko. Good boys naman pala ang mga walanghiya paminsan-minsan.

Ng mapatingin ako sa gawi ni clark nakataas lang ang kilay niya habang nakatingin sakin kaya inirapan ko lang sya. Maypa-taas kilay taas kilay pa syang nalalaman akala mo hindi sya ang pasimuno ng lahat! Bwesit

Akmang ipagpapatuloy ko na ang balak kung paglabas ng may bigla nalang yumakap sakin patalikod kaya napahinto ako.

"Hindi mo na kami bati? Pati ako?" rinig kung malungkot na sabi ni marco.

"Kayo naman ang may kasalanan ah! Pinagtatawanan nyo ako!" pasinghal na sabi ko. Kumalas naman sya sa yakap niya at pumunta sa harap ko kaya nakita kung malapit na syang umiyak. Wow! Parang ako pa ang maykasalanan ah

"Hindi na kami tatawa basta pansinin mo lang ulit kami magbe-behave na kami" sabi niya. Rinig ko naman sumang-ayon ang iba sa sinabi niya. May choice pa ba ako e nakaka-awa naman ang mga mukha nila. Nagmu-mukha silang paa

"Sige na nga basta hindi niyo na ulit ako pagtatawanan ha. Okay lang na purihin niyo ang kagandahan ko basta wag niyo lang ulit akong asarin at pagtawanan dahil hindi ko talaga kayo papansinin ulit" sabi ko. Nakirinig ko naman ang mahina nilang tawanan dahil sa sinabi ko kaya sumama ang timpla ng mukha ko. Kapapatawad ko lang sakanila pinagtatawanan na naman nila ako! At anong nakakatawa sa sinabi ko, honest lang ako.

Ng makita ni marco na sumama na naman ang timpla ng mukha ko ay sinaway niya ang niya ang mga walanghiya. Akala mo naman hindi ko nakita na mahina rin syang tumawa kanina.

"Tara na" aya ko sakanila. Kaya naman kinuha na nila ang kanya-kanya nilang gamit.

Ng mapatingin ako kay clark tapos na siyang may ligpit ng mga gamit niya. Akmang tatayo siya ng makita ko ang sakit na dumaan sa mukha niya, pagtingin ko sa iba pero mukhang walang nakapansin sa kanya kaya no choice kundi ako nalang ang lumapit sa kanya. Tsk, kung hindi lang ako mabait hindi ko talaga sya tutulongan.

"Okay ka lang? Gusto mo tulongan kita?" tanong ko sakanya. Napatingin naman sya sakin at tumaas na naman ang kilay. Nakakaramin siya niyang pataas-taas ng kilay niya sakin ah? Baka gusto niyang ahitan ko yang kilay niya.

"Akala ko ba galit ka sakin? Hindi mo nga ako pinapansin diba?" mahinang tanong niya. Malamang mabait kaya ako!

"Hindi ako galit, naiinis lang ako sayo. At saka kahit naiinis ako sayo kaibigan pa rin naman kita di ba? at ang mga magkakaibigan nagtutulongan kaya tuno-tulongan kita kasi alam kung nahihirapan kang maglakad." sabi ko. Nakita kung saglit siyang natigilan sa sinabi ko, pero ngumiti rin siya kalaonan, kaya napangiti narin ako sakanya.

"Of course we are friends" nakangiting sabi niya.

"Hoy! Naglalandian na naman kayo dyan ah" malakas na sigaw ni joaeph lou samin. Pagtingin ko sa iba na tapos na pala silang magligpit ng mga gamit nila pero mukha lang tanga na nanood samin. Ano to teleserye?

"Tapos na ba kayo, chloe? Bilisan niyo na at para makauwi na tayo" pang-aaya sakin ni marco.

"Tara na nga" nakangiting sabi ko. Akmang tutulongan ko na si clark para makapaglakad na kami ng magprisenta si randy at erwin na tulongan ako. Kaya agad akong hinila ni marco at joseph lou para sabay daw kami. Mga isip bata talaga

Pagdating namin sa parking lot, nagpaalam na ang iba saamin. Kaya ako, si marco, joseph lou, randy, erwin at clark nalang ang naiwan.

"Makakapag-drive ka pa ba ng motor mo sa lagay mong yan, clark?" tanong ni randy.

"Magta-taxi nalang siguro ako" sagot ni clark. Ihatid ko nalang kaya siya?

"Ahm, ihatid nalang kaya kita may dala naman akong kotse" prisenta ko. Why not naman diba?

"May dala kang kotse, chloe?" tanong sakin ni marco. Paulit-ulit

"Kakasabi ko lang diba. Saka anong sasakyan niyo pauwi?" tanong ko sakanila.

"Magmo-motor kami" sagot naman ni erwin.

"Pati si marco?" nagugulat na tanong ko. Sinong mag-aakala na marunong palang magmotor tong makulit na to?

"Grabe ka naman sakin, chloe! Syempre marunong akong magmotor no" pagyayabang pa ni marco.

"Wala naman akong sinabing hindi ka marunong ah! Tsk, tara na nga nandoon ang kotse ko" turo ko sakanila kung saan nadoon ang kotse ko. Medyo malapit lang naman kami sa pwesto ng kotse ko kaya mabilis kaming nakarating.

Pagdating naman inutusan ko sila na tulongan si clark na makapasok sa frontseat. Pagkatapos ay nagpa-alam na sila.

"Una na kami sainyo,chloe, clark" pagpapa-alam ni erwin.

"Sige" nakangiting sabi ko.

"Chloe, favor pwede bang magbaon ka na naman bukas at damihan mo" walanghiyang sabi ni randy. Kaya napataas naman ang kilay ko, kapal ng mukha natin, bro

"Oo nga chloe para sa rooftop na naman tayo kakain" sabat naman ni marco.

"Tsk, sige na nga" napipilitan kunwaring sabi ko. Ng tuluyan ng makaalis ang apat ay pumasok na ako sa kotse. Kaylangan ko pang-ihatid ang gwapong toh

                     | IRISH AYESH |

🐝🐝

For More Important Updates, Please Visit My Social Media Accounts:

FACEBOOK: IRISH AYESH
INSTAGRAM: @irish.ayesh
EMAIL: irishayeshdelara@gmail.com

The Worst Section Princess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon