CHAPTER 11

19 3 0
                                    

CHLOE

Saktong pagkatapos ng pinapanuod namin, malapit na rin naming maubos ang pizza. Actually, halos ako lang naman kumakain sa pizza. Yung isa kasi dyan ang hina-hina kumain akala mo naman babaeng nagda-diet, psh.

Seryoso lang siyang nanunuod sa tv pero napapansin ko ang mayat-maya niyang pag-tingin sa sakin kaya palihim ko naman siyang ini-irapan. Tusokin ko kaya yung mata niya?

"Hindi mo man lang ba ako aalukin ng juice jan?" Biglang tanong ko sakanya. Kahit kasi yata mabila-okan sa harap niya wala parin siyang balak na alukin ako ng juice. Bwesit talaga ang lalaking, toh!

"Tingnan mo sa reef kung meron bang juice doon, magtimpla ka kung gusto mong uminom. Wag mo isipin na ikukuha pa talaga kita ng juice, psh. Pagkatapos mo akong kupitan" nakaka-bwesit sabi niya. Walang hiya talaga tong lalaking, toh.

"Tss, grabe ka talaga, noh? Hindi ka man lang marunong mag-alok ng juice. Psh, jan ka na nga!" singhal ko sakanya. Sa sobrang inis ko sakaniya padabong kung tinapon yung unan na nasa tabi ko sa mukha niya kaya sapol. Buti nga.

Natatawang napa-iling nalang siya kaya padabong na nagpunta nalang ako sa kusina pa mag-timpla ng juice ko. Pero pagbukas ko palang ng reef niya tumambad sakin ang napakaraming beer in can. May plano yata siyang patayin yung sarili niya!

Inis na kumuha ako ng isang beer in can pagkatapos ay bumalik sa sala. Pagdating ko doon, binato ko ang dala kung beer sa tabi niya. Natamaan naman ang paa niya kaya napa-aray siya, inis na tiningnan naman niya ako kaya tinaasan ko siya ng kilay.

Wala kang laban sakin kaya wag mo akong tingnan ng ganyan.

"May balak ka bang mag-pakamatay, huh?! Punong-puno yung reef mo ng beer, ah! Gusto mo bang mamatay ng maaga!?" inis na singhal ko sakaniya. Napabuntong hininga nalang siya at nag-iwas ng tingin.

"My parents is always busy abroad kaya hindi na halos silang na umu-uwi. Palagi nalang yung business nila yung inaatupag nila, they didn't even bother to call me sometimes. Yung mga kaibigan ko naman nahihiya akong mag-open sa kanila kaya palagi ko nalang sinasarili kung nalulungkot ako o may problema ako. Beer is always my stress reliever, it takes my pain away. Panandalian kung nakakamutan ang lahat" mahabang sabi niya. Ramdam ko naman ang lungkot sa boses niya kaya wala sa sariling lumapit ako sakaniya at umupo sa tabi niya. Inakbayan ko naman siya kaya gulat na napatingin siya sakin.

"Ngayong magkaibigan na tayo, pwede naman sakin mo nalang sabihin yung problema mo o kahit pagnalu-lungkot ka. Kung hindi komportable na sabihin sa iba pa nating kaibigan ang nararamdaman mo, you can always come and talk to me. As your friend, you can always tell me everything. At simula rin ngayon hindi ka na pweding uminom nalang basta-basta, naiintindihan mo? Kung nalulungkot ka o may problema ka tawagan mo lang ako at pupuntahan kita agad, okay?" mahabang sabi ko. Parang batang tumango-tango naman siya bago natatawang napa-iling.

"Now, i have more reasons to start courting you. Hindi ka lang maganda at mabait, you also have a kind heart. And that's make me like you more." nakangiting sabi niya. Naiilang naman ako sa tingin niya kaya naman inalis ko ang pagkaka-akbay ko sakaniya bago ng iwas ng tingin.

Sandaling namayani ang katahimikan sa pagitan namin. Ilang sandali pa narinig ko siyang palihim na nagmura, kaya naman inis na napatingin ako sakaniya. Minu-mura yata ako ng isa toh, ah?

"Ano bang problema mo, huh? Bakit ka ba nagmu-mura?" inis na sabi ko sakaniya.

"Hindi ko namalayan ang oras malapit na palang mag-gabi. Magluluto pa ako ng dinner. Ahm, gusto mo bang dito na mag-dinner? Magluluto ako, ano bang gusto mong kainin?" nakangiting tanong naman niya. Napatingin naman ako sa oras, tatawagan ko muna siguro si manang para hindi na siya mag-alala sakin.

The Worst Section Princess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon