- 20 -

56 3 4
                                    

3RD PERSON's POV

Dalawang araw na ang lumipas pero hindi pa rin lumalabas ng kwarto si Almiona. Nag-aalala na ang ilan sa grupo pero nirerespeto nila ang kagustuhan nitong mapag-isa.

Bawat isang rank ay busy sa kani-kanilang interes nang dumating si Gwaen. Ang apat na Seniors naman nila ay nasa misyon. Nagtaka sila ng pumasok ito dahil nung isang araw ay kaka-meeting lang nila.

"Good Morning Ms." Bati nilang lahat.

"Be calm. I just received a report from the Base, the refugees... just this morning... they're all dead."

Napatayo si Ruru samantalang ang iba ay hindi makapagreact.

"We will---"

Hindi na naituloy ni Gwaen ang kanyang sasabihin dahil patakbong umalis si Ruru. "Ruzzel! Don't be rash."

Pero wala silang nagawa dahil tuluyan na itong lumabas at gumamit ng kotse paalis. Napabuntong hininga si Gwaen at sumunod nalang din. Isa-isa naman nagsisunuran ang mga ranks.

Pagdating ni Ruru, hindi siya makapaniwala sa nakita.

"You are actually not allowed to enter sir " Banggit ng isang security.

Sumunod na dumating si Gwaen at tinanguan ang securitt kaya umalis ito. Lumapit si Gwaen kay Ruru. "It's just earlier this morning. A total of 38 casualties. No one survived and the officers are still investigating. They suspect they were poisoned."

"How did this happen?" Malamig na tanong ni Ruru. Paulit-ulit na tumatakbo sa isipan niya ang mga sinabi ni Kevin.

"Sinabi ko na sa inyo, we don't trust Legion."

"Bilang na lang ang araw namin dito. Mamatay rin kami!"

"Mamatay rin kami!"

"Mamatay rin kami!"

"Mamatay rin kami!"

Kahit ang iba pang ranks ay hindi makapaniwala sa nangyari. "How did this happen under Legion's custody?!"

Nagulat silang lahat sa pagtaas ng boses ni Ruru. Maging si Gwaen ay hindi makapaniwalang nasigawan. Walang sumagot.

Umalis si Ruru at muling bumalik sa HT. Naiwan naman silang nakatulala nalang din dahil sa mga nakikita.

Pagpasok ni Ruru sa HT ay siya namang pagbaba ni Almiona galing sa kuwarto. Saglit silang nagkatitigan tapos ay pumasok si Ruru sa kanyang kuwarto. Nagtaka si Almiona kung bakit hindi man lang siya pinansin lalo't makalipas ng dalawang araw ngayon lang siya lumabas. Ilang saglit lang nang lumabas si Ruru sa kwarto at agad dumiretso sa sasakyan saka umalis.

Naramdaman ni Almiona na may nangyayari pero inisip din niyang wala naman siyang pakealam kung mayroon nga. Lumabas lang din siya ng bahay at nagtungo sa lugar kung saan madalas nilang puntahan ni Seven. Yung lugar na tinawag nilang paraiso dahil katabi nito ang isang malawak na dam na may kumikintab na tubig, malamig ang simoy ng hangin at higit sa lahat, tahimik. Walang ibang nagpupunta rito kundi sila.

Nakarating si Almiona at umupo sa ilalim ng isang puno para sumilong dahil matindi ang sikat ng araw. Tahimik siyang umupo dito. Tumagal siya dito hanggang sa naramdaman niyang sumikip ang dibdib niya. Sa nakalipas na dalawang araw, nararamdaman niya ito dahil hindi na siya nakakainom ng kanyang gamot. Pinilit niyang tumayo dahil alam na niya ang kasunod nito. Nangyari na nga, nahimatay siya.

VISION:UnravelingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon