- 9 -

47 9 1
                                    

"We're here. You can come out now" umalingaw-ngaw ang boses ni Ruru sa buong building.

What is he saying? Kinakausap ba niya ang mga simento at bakal?

Walang ibang makikita dito sa building kundi mga simento at bakal. Napakatahimik kaya halos paghinga namin ay naririnig. Nakatayo kaming lima sa gitna nitong building. Silang apat, pirmi lang na nakatayo, samantang ako, kung saan-saan inililibot ang paningin.

Maya-maya pa nakarinig ako ng kaluskos sa likod ko kaya mabilis ako napatingin sa likod ko. Naramdaman ko naman ang apat na tumingin na rin sa tinitignan ko.

Mula sa kawalan, lumabas ang isang lalaki na halatang kabado ang mukha. Base sa kanyang itsura parang kasing edad lang namin siya. Invisibility, nasabi ko sa isip ko.

That's his ability. He can turn invisible. After we made a fleeting eye contact, I've learned that he is a Low level Whim.

Sunod-sunod naman na lumabas ang iba pang mga Whims sa bawat sulok ng gusali. They hid behind those bulk cements. Marami sila. I think they're around 30-40 at halos lahat sila parang kaedad lang namin. Siguro yung iba mga 5 years lang ang tanda sa amin.

Lahat sila naka-activate ang kapangyarihan because their auras are out - they glow, it's like they're ready to attack. But everyone of them manifests a similar expression - anxiety.

Dahil nasa gitna nga kami, nakapalibot sila sa amin. Bahagyang bumilis ang tibok ng puso ko.

I don't know a single thing about what's happening.

"Walang Legion..." banggit ng lalaki na unang nagpakita kanina. His tone is not  stating, is he asking?

Huminga muna si Rurude ng malalim bago nagsalita. "None. Tumupad kami sa usapan. Lima lang kaming nandito. Now shall we talk about your condition?" Tumango ang lalaki.



Bumaba kami sa underground nitong gusali. Nagulat ako dahil hindi tulad sa taas, malinis dito at medyo maayos.

Idinala nila kami sa parang isang conference hall dito sa underground. Silang lahat ay pumasok na sa loob kasama si Harley, Lui, at Shinwoo. Nagtaka ako ng hindi ko makita si Ruru kaya huminto ako sa tapat ng pinto at hindi muna pumasok.

Nagulat nalang ako ng maranig ko ang boses niya sa likod ko.

"Almiona..." tawag niya sa akin. Lilingon na sana ako sa likod ko ng iniabante niya ang mukha niya at itinapat sa kanang tainga ko. I didn't move, nanatili akong nakatingin sa harap. Rinig na rinig ko ang paghinga niya sa kanang tainga ko. "...signal me later if they're lying" he whispered almost inaudible dahil walang katunog-tunog niya iyong ibinulong. It was pure breath.

Pagkatapos niyang ibulong yon ay inilayo na niya ang mukha niya sa gilid ko. Saka umalis sa likod ko at naglakad papasok sa conference room ng nakapamulsa.

I was barely unable to process what he just whispered dahil sa ginawa niya. Bubulong lang naman, bakit kailangang sa ganoong paraan pa niya kailangang gawin? He's insane.

xxx

"Lahat kami dito ay naging parte ng Uno." kuwento ni Kelvin. Iyon ang pangalan ng lalaki kanina.

Ngayon ko lang nalaman na may mga grupo ng Whims palang pumapatay ng mga tao, isang grupo nga ay ang Uno, ayon kay Kelvin. Lahat ng kasama naming Whims ngayon sa kuwartong ito ay mga nakapatay na pala ng tao.

Hindi mapigilan ang pagtindig ng mga balahibo ko dahil sa mga narinig kong kuwento kanina. How they kill humans mercilessly.

But they have their reasons.

"Hindi namin akalaing ganito ang kalalabasan ng pagsama namin sa kanila" he continues, pertaining to the group Uno. "Isa lang akong Low..." napatingin sa akin si Ruru na parang may pinapahiwatig na hindi ko naman maintindihan.

"Signal me later if they're are lying."

Medyo nanlaki ang mata ko dahil sa gulat ng maalala ko ang ibinulong niya kanina. Eto ba yung tinutukoy niya?

Dahil nakatingin pa rin siya sa akin, umiling ako. Naaalala ko kanina nung unang magpakita ni Kelvin. He's a low level whim kaya hindi siya nagsisinungaling.

"Lahat kami dito ay mga Inferiors at Lows lang..." Napansin ko nga iyon kanina ng ilibot ko sa kanila ang paningin ko at nagtama sa ilan sa kanila. "...kaya naakit kaming sumama sa kanila. May ibinibigay silang drug na iniinom namin at napapahusay nito ng doble ang kapangyarihan namin. Natural lang na gustuhin namin ito dahil gusto naming mas lumakas para hindi na kami ma-api ng mga tulad ninyong Highs" tinignan nila kaming lima saka yumuko.

You're wrong. Hindi ako High, I'm just an Inferior like most of you. Kung tutuusin, mas mataas ka pa sa akin dahil Low level ka.

Hindi naman nakaimik ang apat na kasama ko. Ano? Guilty ba?

"Pasensya na, hindi ko nilalahat. Hindi ko ibig-sabihin na ganoon rin ka---" pagpapaumanhin niya pero nagsalita ako.

"Naiintindihan ka namin" naramdaman ko na slight na napatingin ang apat sakin kaya tumingin din ako sa kanila. "Diba?" kunwaring tanong ko kaya napilitan silang tumango. Ts. I should've said, "Naiintindihan KITA".

Naging komportable ng kaunti si Kelvin at itinuloy ang pagkukuwento. "Pero yun nga... may kapalit pala ang mga drogang iniinom namin, we need to kill humans... innocent humans" hirap na hirap niyang sinabi ito. It's as if their memory of killing humans will never be erased in their minds. "... Nung...nung tumanggi kaming gawin ang ipinapagawa niya, tinakot niya kaming p-papatayin niya kami. Siyempre hindi kami naniwala nung una, kaya hindi kami sumunod. Matapos ng hindi namin pagsunod, nabalitaan nalang namin na pinatay na ang ilan sa amin." Kung kanina napipigilan pa ni Kelvin na hindi umiyak, ngayon dire-diretso na ang luhang umaagos sa mga mata niya. "Y-yung iba sa amin na s-sinubukang tumakas, namatay rin. Kaya wala kaming ibang nagawa kundi sumunod sa utos. Halos tatlong buwan na rin akong pumapatay ng tao. Ang iba naman sa amin halos mag-iisang taon na itong ginagawa. Hindi lang kami rito ang pumapatay, marami kami."

Hindi ako makapagreact. Hindi lubos maiproseso ng utak ko ang naging sitwasyon nila.

Anong klaseng nilalang naman ang mag-uutos na pumatay ng mga inosenteng tao? That being is ruthless.

VISION:UnravelingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon