3rd PERSON's POV
Malakas na tumama si Vince sa pader sa gilid ng isang classroom. Umubo siya ng dugo. Ang mga estudyanteng nakakakita ay wala lang pakialam. Hindi naman ito bago sa kanila. Talamak naman talaga ang bullying sa Sapphire.
"Ts. How dare you trick us!" sigaw ng isang babae.
Tatlo silang pinagtutulungan si Vince. Dalawang lalaki at yung babaeng kasisigaw lang.
Kinuha nung isang lalaki si Vince, itinayo ito sa pamamagitan ng paghila sa kanyang kwelyo. Nginisian siya ng lalaki saka sinuntok.
Mula sa di kalayuan, kagagaling lang ni Almiona sa restroom nang makita niyang pinagtutulugan si Vince. Sigurado siyang pag nagpunta siya doon ay siya naman ang pagtutulungan lalo pa't kilalang kilala siya ng mga "haughty whims" kung kanyang tawagin. Nakita din niya si Zaza na nakatingin sa pinagtutulungan na si Vince.
Umasa si Almiona na tutulungan niya ito pero lumakad lang siya paalis. Nalungkot si Almiona pero wala na siyang ibang magawa kundi tulungan si Vince kahit alam niyang wala lang din itong silbi dahil di rin naman siya makakatulong.
Tumakbo siya nang makita patatamaan nanaman si Vince ng energy. Humarang siya rito kaya siya ang tinamaan.
Nagpakawala ng tawa yung mga bully. "Seryoso ka ba jan Almiona?" tatawa-tawang sabi ng isa.
"Come to think of it, ngayon ka na lang ulit namin nakita ah. Di pa kami nakakabawi sayo."
Pinilit tumayo ni Almiona kahit ramdam niya ang sakit sa dibdib. Sabay-sabay nagpower-up ang tatlo at pinakawala ang kanilang kapangyarihan kay Almiona pero laking gulat nila nang huminto ang mga ito sa harap ni Almiona.
Tagong napangiti si Vince.
Nagulat naman ang tatlo dahil hindi nila makontrol ang kanilang kapangyarihan. Mula sa mga energy beams na nasa harap ni Almiona, iniangat niya ang kanyang tingin sa tatlo. Kinabahan ang tatlo dahil kahit anong pilit nilang ihawi sa ibang direksiyon ang mga energy beams na pinakawalan nila ay hindi nila maigalaw ang mga ito mula sa harap ni Almiona.
"What's this?!" kabang sigaw ng isang lalaki nang biglang bumalik sa kanila ang kanilang mga kapangyarihan. Natamaan sila ng sarili nilang kapangyarihan.
Kasabay ng pagbagsak nila ay ang pagkahimatay ni Almiona na agad namang sinalo ni Vince.
***
Nagising si Almiona dahil sa ilang mga boses na naririnig niyang nag-uusap.
"Oh. Gising ka na," nakangiting bungad ni Vince.
Inilibot ni Almiona ang kanyang paningin. Hindi pamilyar sa kanya ang lugar.
"Nasaan ako?" tanong niya ng nakahiga pa rin sa kama ni Vince.
Mula sa likod ay nagpakita si Julian at Veniz sa kanya. Kumunot ang kanyang noo. "Hi! Ako si Veniz, mama ni Vince," pagpapakilala ni Veniz. "Eto naman si Julian, bunso namin, kapatid ni Vince," pagpapakilala niya sa binatang nasa tabi.
Ngayon, napagtanto na ni Almiona na nasa bahay siya nila Vince. "Bakit ako nandito?" tinignan niya si Vince na naka-school uniform pa din.
BINABASA MO ANG
VISION:Unraveling
General FictionWhat if there's a world where humans and atypical creatures co-exist? What if in that world, you got auspicious, or is it, to be one of the peculiars? What if in your world where magics, superpowers, and extraordinary abilities exist, you were born...