Hirap na hirap kong pinihit ang doorknob pagdating ko sa bahay. Nang mabuksan ko na ang pinto, hindi ko na kinaya pang humakbang kahit isa.
Agad bumagsak ang mga tuhod ko sa malalamig na tiles ng sahig. I'm breathing heavily. Tears no longer can emerge from my eyes. Siguro pati mga mata ko pagod na rin para lumuha pa. Pakiramdam ko bumabalik ako sa dati.
I am hopeless. I am thoroughly hopeless, I thought before closing my eyes at tuluyan nang bumagsak sa sahig.
xxx
I woke up still feeling heavy. Tumingin ako sa glass wall sa left side ng kuwarto ko. The dark blue curtains ahead of it are half-closed.Madilim na sa labas. Gabi na.
Binuhat siguro ako ni Seven kaya nandito ako sa kuwarto ko after I passed out earlier.
Ugh. Ang sakit ng katawan ko.
Naiintindihan ko naman that Seven is a no healer, he is an Intellect, that's his ability kaya wala siyang magagawa para gumaling agad tong mga natamo ko. I can still feel the pain all over my face and body. Sinugod nanaman ako kaninang pauwi ng mga haughty Whims. A different group from my attackers earlier this morning.
Napahinga ako ng malalim. I guess I can never escape this fate.
"Once an Inferior, always an Inferior." This Whim-notion won't leave my mind. Well, totoo naman.
May hierarchy ang mga Whims. The Inferiors, Low Level (Lows), Middle Level (Mids), Mid-High (Mid-Highs), and the High Level (Highs) Whims.
Unfortunately, I'm born Inferior. Pinakamababa, tinatapaktapakan at pinaglalaruan lang ng mga Whims na walang magawa sa buhay.
Hindi ko nga alam kung bakit galit na galit ang mga higher-level Whims sa mga katulad kong Inferior. Wala naman kaming ginagawa sa kanila. Is it because of the fact that our abilities are almost akin to powerless? At wala kaming silbi sa society namin?
Ako... ako na yata ang pinaka miserableng Whim na kinaiinisan ng lahat pati na ng Lows. Siguro dahil malapit ako sa kataas-taasang si Zaza. It might be hurting their ego that someone High like her is close to someone lower than low like me.
Hindi ko naman alam na para sa mga haughty Whims, kasalanan pala ang pakikipagkaibigan kay Zaza.
Narinig ko ang dahan-dahang pagbukas ng aking pinto sa kanan ng kuwarto, iniluwa si Seven. He's holding a glass of water and a drug.
Oh. Yeah. My medicine.
His face is distorted with pity. He looked at me, I looked away.
"Finally awake. Ang bigat mo pala, muntik na kitang hindi mabuhat kanina. Bawas bawas din sa pagkain ka?" His expression drastically altered from melancholy to pleasant.
Alam niya kasing ayoko ng kinaaawaan. Gusto niya rin sigurong pagaanin ang loob ko kaya medyo nagjoke siya.
Kung maituturing nga na joke yon.
BINABASA MO ANG
VISION:Unraveling
General FictionWhat if there's a world where humans and atypical creatures co-exist? What if in that world, you got auspicious, or is it, to be one of the peculiars? What if in your world where magics, superpowers, and extraordinary abilities exist, you were born...