- 2 -

62 8 7
                                    

Weeks have passed at naging maayos naman ang school life ko dahil kay Zaza. Three weeks din akong halos walang pasa.

Suot ko na rin 'tong Ability-Supressing na relong imbento ni Seven pero di ko pa nasusubukan dahil wala pa namang nambubully sakin. Kaya raw nitong hadlangan ang ability ng mga middle level Whims pag pinindot ko ito. Pero siyempre, lahat ng bagay, may limitasyon. According to Seven, hanggang tatlong abilities lang daw ang masu-suppress nito sa loob ng 24 hours depende pa sa lakas.

Ngayon medyo kinakabahan ako. Today is Monday at wala si Zaza buong week. Kailangan niyang umuwi sa parents niya sa far far way.

Tinext niya ako last night. Urgent daw kaya kailangan niyang puntahan ang magulang niya. Now, I had to deal with haughty Whims all by my self. This is what I fear, totally being dependent to her.

As expected, isang paa ko pa lang ang nakakatapak sa vicinity ng Academy, tumama na agad ako sa napakatigas na pader ng school.

Ooouuuucchhhh! Yung likod ko!

"Good Morning lady!" sarkastikong bati sa akin ng isang Whim na hindi ko naman kilala. She's glowing. Ibig sabihin, naka-activate ang kapangyarihan niya.

Tumatawa-tawa sa likod niya ang siguro kaibigan niya?

Tumingin siya sa mata ko so nageye-to-eye contact kami. This means, I'll be able to know her. Not her name or family or history, but her level, ability, and activation period.

This is my ability which I refer a stupid and useless one. All I can do is know other Whims' level, ability, and activation period through looking at their eyes. It was like a hologram popping in my eyes. Ano namang naitulong sakin nito diba? Hindi rin naman ako nakakalaban. Useless.

Isang segundo pa lang na nagtama ang mata namin, alam ko na agad kung ano siya.

A Middle Level Whim, her ability is levitation. Kaya pala pinalipad niya ako.
Activation Period is 30 secs. Ah. Medyo matagal.

Sakto! Middle Level Whim siya. Tinignan ko ang kasama niya. Ganun din, middle level din.

Okay, medyo may silbi naman pala yung kapangyarihan ko.

Ngayon natin patunayan kung gumagana nga itong gadget ni Seven.

Pasimple kong pinindot ang watch.

I really hope it works.

"Akala mo siguro dahil pinoprotektahan ka ni Zalora, ayos na ka na lagi. Well, sorry ka dahil wala si Zalora ngayon dito sa Academy which means, you're nothing!"

Sinimulan niyang i-power up muli ang kamay niya, kinabahan naman ako ng todo.

However, after a few seconds, wala pa rin naman akong nararamdaman.

I opened my eyes. My eyes almost glowed ng makitang hindi gumana ang ability niya.

"What is happening?!" she's now frowning and giving me a deadly glare.

I can't stop myself from smiling. Pero konti lang, baka mas lalong mainis tong babaeng to.

"What did you do?!" I can sense the panic in her voice. Akala niya siguro hindi na gumagana ang kapangyarihan niya.

At dahil sutil ako, may naisip akong kalokohan.

"Wala ka ng kapangyarihan. Kahit pa paulit-ulit mong itama sa akin yan, hindi ako matatablan." Dahan-dahan akong tumayo. Shocks, ang sakit talaga sa likod. Ikaw ba naman tumama sa makapal at matigas na pader. Her eyes expresses how dreadful she is right now. Tumingin ako sa kasama niya na ngayon ay nag-a-activate na rin ng ability niya dahil unti-unti ng lumalabas ang glow ng katawan niya. "Wag mo ng subukan pang gamitin din ang kapangyarihan mo dahil sa oras na tumama yan sa akin, mawawala na rin yan."

"Imposible! Hindi pwedeng mawala ang kapangyarihan ko ng ganun-ganun nalang. Wala kang kapangyarihan kaya hindi to totoo!" Lumingon muli ako sa hanggang ngayo'y kinakabahan na Whim.

"You don't believe me? Go on, try it with your friend. Sigurado akong hindi siya matatablan."

Dahan-dahan niyang inilipat ang tingin sa kaibigan niya. Nagulat ako ng totohanin nga niya ang sinabi ko at ginamit ang ability sa kaibigan niya na hayun, tumalsik tatlong daang metro na yata ang layo sa amin.

I didn't know. Hindi ko alam na ganoon siya kauto-uto para gawin ang sinabi ko. Now I'm doomed.

Kahit paika-ika, dali dali akong tumakbo paalis sa kanila dahil sure ako na hindi na ako bubuhayin ng dalawang yon dahil nagsinungaling ako.

Wait... hindi ko naman kasi kasalanan na uto-uto pala sila!

"Heidi!" malakas na sigaw ng umatake sa akin kanina. Mabilis siyang tumakbo palapit sa kaibigan.

Whooh!

I gotta go to the clinic - surely my haven for a week.

xxx

I spent the whole day here in the clinic. Nagpadala si Doc. Sanchez ng excuse letter ko para hindi ako mamarkahan ng pula sa mga klase ko. Nagdahilan ako na masakit pa talaga ang katawan ko kaya hindi ako makakapasok kahit ang totoo eh napagaling naman na ako ni Doc. Sanchez kaninang umaga palang. Ayoko lang talagang lumabas muna, kinakabahan pa ako.

"Salamat Doc."

4 pm na kasi. Last period ko to kaya puwede na akong umuwi. Kaso, ito nanaman ang problema ko... kung paano ako makakauwi ng safe & sound.

I heaved a heavy sigh.

"Ms. Pablo..." tinawag ako ni Doc. bago pa ako makalabas ng clinic.

"Yes po?"

He looked at me intently. His gray eyes shooting a dagger in my eyes. Hinimas niya ang baba niya na may tatatlong balbas lang naman, na parang nag-iisip.

"I thought you finally graduated here in the clinic. Ilang weeks rin na wala ka rito pero ngayon, nandito ka nanaman." Napayuko ako. "Stay away from fights. Please."

I don't know what to respond. My soul is crying.

Umiiwas naman talaga ako sa gulo. Sino bang nasa katinuan ang gustong laging bugbog sarado? Laging may pasa sa mukha? Dugo sa ilong at bibig? May benda ang katawan? Hindi na halos makalakad? Pumapasok sa paaralan para lang matulog sa clinic maghapon?

I... I too just want to live normally and peacefully. Hindi ako ang nagsisimula ng away.

I want to shout all of that. Sana rin maisip niyo... Hindi ko ito ginusto.

I haven't said a word before leaving the clinic. If I did, I'll probably end up crying in front of him.

VISION:UnravelingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon