Another week has passed. And today's another week. Parang napakabilis ng oras. Napakatahimik ng mundo ko sa nakalipas na linggo. Wala ng nambubully sa akin. Hindi ko na rin nae-encounter pa ang mga ranks. Halos masanay na akong wala si Zaza.
Everything's peaceful yet lacking.
I finally got what I wanted yet I'm disturbed.
"Mio!"
Not by him.
"Mio!" Vince approached me with a flashing smile.
"You don't need to shout my name." What is he so excited about? "And... Sinabi ko na sayo, wag mo 'kong tatawaging Mio."
"Sinabi ko na rin sayo, masyadong mahaba ang Almiona." Napakatigas ng ulo!
Hindi ako sanay kapag may tumatawag sa akin gamit ang nickname ko na hindi ko naman close or hindi masyadong close. Kay Seven at Zaza ko lang naririnig yon.
"I got us VIP seat tickets for Friday's Ability Bout." Itinaas niya ang dalawang papel sa tapat ng mukha ko.
Natawa ako. "VIP seats?" Seryoso ba siya?
"Yes." Sagot niya na nakangiti pa rin.
Seryoso? May pa VIP seats sa Ability Bout?
"Sorry but I don't go to our Ability Bouts."
"You mean... Hindi ka pa nakakanood kahit minsan tuwing ginaganap ang Ability Bout natin?"
I nodded.
"Woah! You're sure a thing!"
"You're exaggerating. Besides, what would I gain by watching that stupid bout?"
"Mio, that bout determines the top 5. It determines who will lead us, students, over one whole year. Isa pa, nakakatuwa kayang manood."
I sighed then smiled at him. He smiled back. "Ikaw nalang manood" saka ko sinabi ng seryoso at naglakad na papunta sa klase.
"Mio naman!" Pahabol pa niyang sigaw.
xxx
Abot lang ang tingin ko at pakiramdam ko sa paligid. Pauwi na ako ngayon sa bahay, naglalakad. Simula pag-alis ko sa school, naramdaman ko ng may nakatingin at sumusunod sa akin.
Huminto na ako dito sa tapat bahay pero nararamdaman ko pa rin ang nakasunod.
Mabilis akong napalingon ng makarinig ng pagtunog ng parang naapakang tuyong dahon sa kabila ng kalsada.
Sinilip silip ko pa ito. Wala naman akong nakita kundi mga nagtatayugang puno. I was about to cross the road para puntahan at komprontahin kung sino man ang sumusunod sa akin, kahit kinakabahan ako, nang tawagin ako ni Seven.
"Mio."
Nasa tapat siya ng pintuan.
"San ka pupunta?" Dagdag niya pa.
Lumingon naman muli ako sa mga puno bago tumingin kay Seven at pumasok na sa gate.
BINABASA MO ANG
VISION:Unraveling
General FictionWhat if there's a world where humans and atypical creatures co-exist? What if in that world, you got auspicious, or is it, to be one of the peculiars? What if in your world where magics, superpowers, and extraordinary abilities exist, you were born...