CHAPTER 2

89 15 1
                                    

Warning: SPG

Matiim akong nakatitig sa labas ng bintana ng aking kotse habang nakatanaw sa nagkukumpolang mga tao sa malayong bahagi ng sementeryo. Nagbalik sa aking alaala ang mga huling salita na sinambit niya bago siya mawalan ng buhay.

"I was never this good parent to you."

My jaw was tightening as I maneuver the car to leave that place. My uncle's words were flooding my system.

"One should never be seen with cops, remember that."

"You belonged to a family where power ran in our veins, and respect was earned, not given..."

"Do not be too soft hearted, like your mother. Everyone has their way of cunning, Odette."

"Never let your ego determine your next move, it will lead you straight to your grave."

Mapait akong natawa. He's pathetic. How could he face and accepted their bullets wholeheartedly? "You're not a man of your words," mahinang bulong ko. Humigpit ang pagkakahawak ko sa manubela.

IDINAYAL ko ang isang numero at tinawagan iyon. Saglit ko itong hinintay bago niya iyon masagot.

"Miss Romano," bungad nito.

"Reagan, I need you to clear all my records in the Philippines, as soon as possible." Seryusong sabi ko sa kaniya. Siya ang isa sa mga pinag kakatiwalaan kong tauhan na matagal ng naglilingkod kay Don. At simula sa araw na ito ay ako na ang mamamahala sa kanila, at bilang boss ng pamilyang kinabibilangan nila.

"I will, Maam," sagot niya.

Ibinaba ko ang hawak na telepono nang marinig ang mga katok na nagmumula sa labas ng aking silid.

"Come in!" malakas na sabi ko.

"Breakfast is ready, Madam. Ako na po ang mag-iimpake ng mga gamit niyo," tumungo ang matandang mayordoma.

Tumanga ako. "Do that," sabi ko at tumayo na para bumaba.

Suot ang parehas na sandals ay tinungo ko ang daan patungo sa baba ng mansyon, tipid ang mga yapak habang nililibot ng tanaw ang malawak na lugar. Ngayon ko lang napansin na napaka laki ng tinutuloyan kong bahay para sa isang katulad ko at ng aking anak. I wonder if Don think the same way.

Huminga ako ng malalim bago tuloyang pumasok sa dining area.

After a long time of facing a bunch of transactions I now have the time to live... at least. I could do that, at apat na taon na ang nakalipas simula nang makapag pahinga ako. At naging dahilan pa ng aking pagpapahinga ang biglaang pagpanaw niya. How nonsensical.

Nagulat ako nang tuloyang makapasok sa loob ng dining area at agad na maagaw ng aking atensyon ang maliit na imahe sa isang sulok ng mesa. Naka pangalumbaba ito at tila may hinihintay. Lumambot ang tingin ko nang bumaling ang kaniyang tingin sa aking direksyon.

"Mama!" malakas na sigaw niya at mabilis na tumakbo sa kina tatayuan ko.

Sinalubong ko ng halik sa kaniyang pisngi ang aking anak at mabilis na ikinarga. Hindi ko iyon madalas na gawin dahil na rin sa lumalaki na ito, ngunit nang makita ang mangiyak-ngiyak na mga mata ng anak ay gusto ko na lang itong yakapin ng mahigpit.

His Deceitful Delinquent (Art of Love #1) On goingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon