CHAPTER 6

61 11 2
                                    

Tanaw ko mula sa aking kinatatayuan ang malaking cruise ship na nakadaung sa dulo ng pier. Nandito kami ngayon sa pier na pag-aari ni Klein. Hindi ito kalayuan sa beach na pag-aari ng papa niya. Isa iyong service ng resort na umaalis tuwing linggo, tumitigil iyon sa gitna ng dagat alas kuwatro ng hapon hanggang alas kuwatro ng umaga sa lunes.



Mula sa La Costa Beach ng Batangas ay iikotin ng cruise ang kabuoan ng Mindoro hanggang sa makabalik ito.



Hindi mo na iisipin ang bagay sa pagkain sa loob ng cruise na iyon dahil sa may service provider sila per cabin. Kung gusto mo naman kumain sa ibang lugar ay may roon silang restobar or club. May outdoor pool, suites, mayroon ding mga spa services. Kailangan mo lang magkaroon ng membership card, na tumataya hanggang 100,000 to 175,000 pesos ang maintenance fee per month. Nakadepende iyon sa iniimbitahan mong tao.



Mayroon din silang cruise ship para sa mga regular tourist. Mas malaki iyon kompara sa barko na sina sakyan ko ngayon. Mahigit 750 hanggang 800 ka tao ang puwedeng sumakay roon, habang dito ay halos 200 katao lamang.



"Bakit naka tayo ka lang diyan? Everyone's on board."



Nilingon ko ang nagsalita sa aking gilid. Sumilay ang matamis na ngiti sa mga labi ko.



Hinintay ko ang pagdating ni Grey. Naiwan kasi niya ang cellphone sa suite namin. "It's great to see you without those gown and stethoscope, Dr. Grey," pabirong sabi ko na ikinaikot ng mga mata niya. Everyone preferred called him Dr. Grey, masiyadong mahaba ang kaniyang apelyido para sa isang pormal na pagbati.



"It's also great to be around with you, Madam," ganti niya kaya umirap ako at pasimpleng iginala ang aking mga mata sa paligid. Tinawanan niya lang ako at hinila na patungo sa entrance ng cruise.



Napanguso ako nang akbayan ako ni Grey. Umakyat kami sa top deck or Lido deck kung tawagin nila, doon nakatambay sila Arcy habang naghihintay sa paglubog ng araw. Naroon ang malawak na outdoor pool, they also have an adjacent bars and dining options out there.



"Good afternoon, Maam. Sir," bati ng nadaanan naming crew member. Ngumiti pa ito ng makita ang braso ni Grey sa balikat ko.



Siguro ay inakala niyang magkaparis kami ni Grey. Everyone around would think the same way. Dahil sa napakalapit namin sa isn't isa ay iniisip na ng iba na mag-asawa na kami. They said we're a good pair, beautiful people are paired together and that I'm tall just like Grey who's just inches taller than me.



Iilan lang ang nadatnan namin sa lugar na iyon, dahil ang iba ay piniling manatili sa loob ng cruise. They mostly gather outside at night. The top deck is at its stake until midnight.



Nahagip ng mga mata ko ang grupo nila Arcy. Kasama niya si Kyran. They were in their swimwear while comfortably laying in the recliner. Natuon ang tingin ko sa tatlong lalaki na seryusong nag-uusap sa gilid deck habang nakaharap sa dagat. They were topless except for Klein who's still in his shirt.



May kaniya-kaniya na silang hawak na alak.



Nagtama ang mga mata namin ni Klein. Hindi niya natapos ang sinasabi sa kanilang usapan nang magtagal ang titig niya sa akin. He frowned before averting his gaze away from me.



"Grey!" tawag ni Kylar nang mapansin ang pagdating namin. Nag lahad pa siya ng alak ngunit tinanggihan iyon ni Grey. Agad na natuon ang tingin ng lahat sa aming dalawa ni Grey dahil do'n.



"I don't drink, man. Gonna go swimming, huh?" ngumisi si Grey sa kanila.



Nararamdaman ko na naman ang matamang pagtitig ng isang pares ng mga mata sa akin. Mabilis kong inalis ang braso ni Grey sa balikat ko dahil sa pagkabalisa. Tiningnan niya ako nagtataka.

His Deceitful Delinquent (Art of Love #1) On goingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon