Warning: SPG
NILALARO KO sa aking kamay ang walang lamang shot glass habang nakamasid sa paligid. Bumalik ang aking mga mata sa kasama nang bigla na lamang ibagsak nito ang kaniyang baso. Inabot ni Sabrina ang bote ng alak ngunit napag-alamang wala na iyong laman.
"Oh? It's already empty. Could you get me one please, Lean?" she asked.
Nagtagis ang mga bagang ko dahil sa kaniyang itinawag sa akin. "No, that's enough, Sab. Iuuwi na kita sa kuwarto mo," giit ko at tumayo na.
"B-But..." she hesitated. She sighed and decided to stay quiet.
Hindi na ako umimik at hinila na siya paalis roon.
Habang dumadaan sa karamihan ng mga tao ay tumapat ang mga mata ko sa direksyon ng bar counter, kung saan nakaupo sa isang stall ang napaka pamilyar na likod ng isang babae. When did she came? Hindi ko man lang napansin ang presensya niya sa club na iyon.
Sa kabila ng dilim ay nakilala ko ang lalaking kaniyang kausap na nasa loob ng counter, it's Rius.
I felt annoyed all of a sudden. Were they flirting?
Binawi ko ang aking mga mata sa kanila nang mapansin ang tingin ni Sabrina sa akin.
"What is it?" tanong niya.
"Nothing," I told her. Sinulyapan ko si Grace nang malagpasan namin sila. Hindi nila napansin ang pagdaan namin dahil sa pinag-uusapan nila.
Tahimik lang si Sabrina habang nakasunod sa akin hanggang sa makarating kami sa hall ng 15th floor, kung saan naroon ang nightclub. Dis-oras na ng gabi at napakatahimik na ng kahabaan ng pasilyo.
"What's your room number?" nilingon ko siya.
"It's room 816, in this floor. Here's my key card," sagot niya.
Tumango ako at kinuha iyon sa kaniya. I heaved a deep breath when we reached her room. Gamit ang kaniyang ibinigay na card ay binuksan ko iyon.
Inilahad ko ang aking kamay sa nakabukas na pintuan. "Get in-" hindi ko naituloy ang aking sinasabi nang bigla na lamang akong siilin ng halik ni Sabrina.
My lips parted. I was so taken aback that I couldn't make my body move. She was kissing me aggressively that I could taste my own blood.
Doon ko lang natanto na nasa loob na kami ng kaniyang silid nang marinig ko ang pagsara ng pinto.
"You want it hard, right babe?" she whispered between our lips, breathless.
Fvck!
Parang bigla kong nakalimutang lasing siya, mabilis kong naitulak si Sab dahilan para mapaupo siya sa sahig. Pinahid ko ang aking mga labi na tila ba may nakakahawang sakit ang mga halik niya.
Binalingan ko si Sabrina. "What was that-" natigilan ako nang makitang siya ay tumayo at sinimulang hubaran ang kaniyang sarili.
"What the fvck, Sabrina?!" Gulat na gulat na sabi ko. Nag-aalab ang galit sa puso ko habang nakatingin sa kaniya. Nagulat siya sa pagsigaw ko gawa ng pagtigil niya sa ginagawa.
"I know I still have this effect on you, Lean. I always do," bulong niya. Umaasa ang kaniyang mga mata habang nakatingin sa akin.
I scoffed at what she'd said. "For fvck's sake, Sab. Mag-iwan ka naman ng kaunting dignidad para dyan sa sarili mo!" hindi ko mapilan ang pagtaasan siya ng boses.
"I'm sorry... Ngayon lang kita nakasama ulit, matapos ang tatlong taon. I-I missed you, Lean. Hi...Hindi mo man lang ba ako na-miss?"
"Have you gone mad? Kailan man ay hindi," walang emosyong sinabi ko. "At oo, ngayon mo lang ulit ako nakasama at ito na ang huling pagkikita natin," paalala ko sa kaniya.
BINABASA MO ANG
His Deceitful Delinquent (Art of Love #1) On going
RomanceHave you ever had a thing that you desired most? Normal and simpler life. Ever since, Odette Graciella Costanzo knew that those two things aren't meant for her. And that she could never live the life that she wanted. Not when her whole life was a m...