"Hey, you left your stuff!" sigaw ni Grey ngunit hindi ko iyon pinansin.
Suot ang isang spaghetti strap na dress at sneakers, nagmadali akong bumaba ng cruise sa oras na dumaong iyon. Naunahan ko pa sa paglabas ang ilang crew na mag-aassist sa pagbaba ng mga pasahero.
Tumigil ako nang makatapak sa simentadong palapag ng pier. Malakas pa rin ang tahip ng dibdib. Tumayo lang ako roon at hinintay si Grey na lumalapit na sa akin.
Kunot ang kaniyang noo nang maabotan ako. "Bakit ba nagmamadali ka?"
I wore my sunglasses before shrugging my shoulders at him. "No reasons," I lied before grabbing my bag from him. Sa aking pagmamadali ay naiwan ko pa ang gamit ko. Sinulyapan ko ang cruise ship.
Sa likod ng suot kong shades ay nagtama ang mga mata namin ni Klein. Seryuso lang siyang nakatitig sa akin habang bumababa sa hagdan ng barko. Nagkaroon ako ng rason na tumitig sa kaniya, sa kadahilanang hindi niya iyon malalaman.
He's dashing on his perfectly combed black hair and black cotton shirt that was tucked in his khaki shorts. My eyes shifted to the white cloth that was covered on his left hand.
Iyon ang dahilan kung bakit ako umiiwas sa kanila. Hindi ko rin alam kung bakit ko iyon ginagawa. Well, because I did that to him? And why did they have to asked his whereabouts that night, from me? They were interrogating me like I had done a crime. Ano ba ang ugnayan ko sa lalaking iyon para malaman ko iyon dahil bigla-bigla na lang siyang nawawala.
Maliban sa bigla-bigla niyang pagpunta sa harapan ng cabin ko, sa gitna ng gabi. Wala na akong alam kung saan siya nagsususuot.
Inirapan ko ang direksyon ni Klein at sumunod kay Grey na hindi ko napansing humahakbang na patungo sa kaniyang kotse. Hindi kalayuan ang resort ngunit may roon paring mga van na maghahatid sa mga pasahero pabalik doon. And Grey being-HIM, ayaw niyang makipagsik-sikan sa mga tao kaya pinahatid niya ang kaniyang kotse sa resort at doon sumakay, nakisakay na rin ako sa kaniya.
"Mauuna na tayo sa resort. Kikitain na lang natin sila sa dalampasigan," sabi ni Grey sa akin nang marating namin ang parking lot.
Tumango lang ako at hindi na hinintay na pagbuksan ako ng pintuan ni Grey. Maaga pa nang dumaong ang barko , mag-aalas sinko pa lang ng umaga nang makarating kami. Ayon kay Grey ay magpipicnic kami para sa aming umagahan upang makita ang pagsikat ng araw. Makalipas ang ilang minuto ay narating na namin ang resort.
Inalis ko ang suot na sunglasses nang makapasok kami sa bukana ng hotel. Lumapit kami sa isang bellboy upang maihatid ang mga gamit namin sa taas.
"In the penthouse, please," sabi ni Grey at muling binawi sa mga kamay ko ang hawak na bag at ibinigay iyon sa lalaki.
Yes, the huge hotel has a penthouse on top of it, at pag-aari iyon ni Klein Valentino. Lumipat kami roon sa kadahilanang wala ng tiwala sina Rius at Kylar sa mga kapatid nila. Oh well, nahuli lang naman silang dalawa ni Arcy at Kyran ng mga kapatid na lasing na lasing habang hinahatid ng dalawang binata sa mga kuwarto nila. Tss. Naroon na ang mga gamit namin. Hindi pa ako nakakapunta roon, ang alam ko lang may marami iyong silid.
Matapos iyon ay iginiya kami ng isang crew patungo sa dalampasigan. Doon ay nakita ko sa malayo ang malapad na picnic blanket na nakalatag sa buhanginan. May roon na ring mababang mesa na puno ng mga nakahaing pagkain sa gitna nito. It's all ready. Natatakam na akong tikman ang mga iyon.
BINABASA MO ANG
His Deceitful Delinquent (Art of Love #1) On going
RomanceHave you ever had a thing that you desired most? Normal and simpler life. Ever since, Odette Graciella Costanzo knew that those two things aren't meant for her. And that she could never live the life that she wanted. Not when her whole life was a m...