CHAPTER 5

67 11 1
                                    

Nakatayo pa rin ako sa harapan ng porch ng bahay ni Grey at nakatingin lang sa kawalan. Time passed, but it didn't bothered me. I could feel nothing, but emptiness.



"Grace? Why are you out here?"



I blinked when a voice came out of nowhere. Nagulat ako nang biglang lumitaw ang nag-aalalang mukha ng kaibigan sa harapan ko. Napatitig ako kay Grey nang hawakan niya ang kamay ko. Bumaba ang tingin ko room.



Ngayon ko lang napansin na nagdurugo pa rin ang sugat ko.



"Fvck!"



I flinched when Grey cursed. Minsan ko lang siyang marinig na magmura.



"What had gotten into you? Do you wanna bleed to death?" galit na sabi ni Grey ngunit nanaig ang pag-aalala sa tono ng boses niya.



Hindi ako nagsalita. Wala pa rin akong imik habang binubuksan niya ang pinto ng bahay at hanggang sa makapasok kami roon.



Binuksan niya ang ilaw bago ako pinaupo sa sofa.



"When did you arrived?" sinambit ko ang tanong na lumilitaw sa aking isipan.



Sa halip na sagotin ang aking tanong ay pinukol niya ako ng masamang tingin, bago ako iwan sa salas. Isang minuto lang ay bumalik na siya dala ang isang kahon ng aid kit.



Lumapit siya sa harapan ko bago simulang linisin ang sugat ko. "You're not capable of getting yourself in trouble. You can't even treat your own wound," banayad ang boses na sabi niya.



"I'm used to it, Grey." Mahinang bulong ko.



Saglit niya akong tinaponan ng tingin bago magpatuloy sa kaniyang ginagawa.



"Bakit ka nga ba nakauwi ngayon? I thought you were busy?" tanong ko para alisin ang tensyong namumuo sa paligid.



"I asked an off for a week."



Biglang lumiwanag ang mga mata ko dahil sa narinig. "Really? You mean, puwede mo na akong igala sa resort na pag-aari ng papa mo?" I smirked.



Tumingin siya sa akin at bahagyang tumango. Binalingan niya ang suot kong damit.



"Saan mo nakuha ang sugat na 'to, and what's with that dress?" Kunot na ang noo ni Grey habang tinatanong iyon. Tiningala niya ako nang hindi ako nakasagot.



My smile dropped.



"Uh, I went out for a simple favor," sabi ko.



"You're a bad liar," hindi pa rin siya tumitingin sa akin.



No, it's a fact that I went out because of that reason.



"I saw you walking out of Klein's house," he said, that made me looked at him.



Hindi na siya muling nagsalita. Nilagyan niya ng bandaid ang kamay ko bago tumayo.



Sinundan ko ng tingin si Grey na umalis lang ng walang pasabi. What's with him? Bakit ang sungit niya ngayon? Pinulot ko ang isang envelope nang makitang nakalapag iyon sa round table.



"Hey! You left this!" sigaw ko ngunit nakatuon pa rin ang mga mata sa hawak na bagay.



Sa kuryusidad ay binuksan ko iyon at pinakialaman ang mga laman. My brow creased when I found a profile. It's a detailed information about a certain person. He's still into this industry? My eyes turn to the ID's picture. I almost dropped it when I saw the woman's face.



Tiningnan ko ang mga impormasyong nakalakip mula roon.



Sabrina Lockhart


His Deceitful Delinquent (Art of Love #1) On goingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon