CHAPTER 3

76 15 25
                                    

Hindi pa lamang tuloyang nakakababa ng eroplano ay nakaplaster na ang isang matamis na ngiti sa aking mga labi. Alas tres pa lang ay parang napakalakas na ng enerhiya ko nang makababa sa runway.



Agad kong inilibot ang tingin sa buong waiting area at hinanap ang imahe ng kaibigan, tumigil ang aking mga mata sa matipunong likod ng isang lalaki na nakatayo sa isang tabi at animoy may kausap sa telepono. Kilalang-kila ko na agad ito kahit nakatalikod pa ito sa akin.



Nakasuot siya ngayon ng isang pulang t-shirt kaya bakat na bakat roon ang kaniyang mga braso. Minsan ko lang siyang makitang magsuot ng mga ganyang damit dahil palagi siyang naka-duty sa ospital at kinakailangang magsuot ng pormal na polo shirts.



Kahit kailan, may oras ka pa talagang mag gym, huh?



Napailing ako sa naisip.



Parang hindi na mapuknat ang ngiti sa mga labi ko. Hindi ko itatanggi na namiss ko rin ang lalaking ito. Hila-hila ang dalang bagahe ay tumigil ako sa gitna ng daan, ilang metro ang layo ng pagitan namin ni Grey. Hinihintay ko siyang matapos sa kaniyang kausap.



Kahit pala rito abala pa rin siya?



Nang makita kong ibinulsa niya ang cellphone ay agad akong tumakbo para yakapin isiya.



"Lewayne!" Malakas na sigaw ko sa first name niya at bahagyang tumawa. Ayaw na ayaw niyang tinatawag siya sa pangalang iyon, masakit daw sa tinga.



Mahigpit ko siyang niyakap sa likuran. Gawain ko na iyon noon pa, hindi ko alam kung bakit mas komportable akong yakapin siya sa likuran, ganon din ako sa iba. Kay mommy...



Amoy na amoy ko ang ginamit nitong pabango dahil isinandal ko ang mukha sa balikat nito. Then, it dawn on me.



Nagpalit na siya ng pabango?



Nagtaka ako nang mapansin ang paninigas ni Grey. Wala pa rin itong imik. Ano bang problema ng lalaking ito at ayaw niya akong pansinin? Galit ba siya?



"Miss Monte?"



Bigla akong napipilan nang marinig ang malalim na boses ng naturang lalaki. Napakurap-kurap ako at mabilis na bumitaw. Anong katangahan ba ang pumasok sa isip ko para akalaing si Grey ang lalaking ito?



Napakapula na yata ng mukha ko dahil sa hiyang nararamdaman.



"I'm s...sorry, Mister. I mistaken you for someone," parang hindi ko masambit ang salitang sorry. Mahigpit kong ipinikit ang aking mga mata at tinalikuran na lamang ito nang manatili itong walang imik. Handa ng makaalis ngunit hindi pa ako nakakagawa ng isang hakbang nang maramdaman ko ang kamay na pumigil sa braso ko.



"You are Miss Grace Monte, right?" ulit nito sa ginagamit kong pangalan na ikinabaling ko sa direksyon niya.



Umawang ang mga labi ko hindi dahil sa adonis na nakatayo sa harapan ko, kundi sa mukhang hinding hindi ko mawaksi sa aking isipan. Nanginig ang aking kamay na hawak pa rin nito kaya mabilis ko itong binawi.



Bahagya akong naglayo ng tingin, hindi ako makatingin sa mga mata nito. Hindi ko maintindihan kung ano ang nararamdaman ko. Napakabilis ng tibok ng puso ko na parang ilang segundo lang ay sasabog na iyon, ngunit hindi ko naman mabatid kung dahil ba iyon sa kaba o sa hiyang nadadama.



Nakita ko ang dumaang pagtataka sa mukha ng lalaki bago iyon mapalitan ng blankong ekspresyon. Hindi ko dapat ipinapahalata sa kaniyang kilala ko na siya at baka isipin niyang nagkita na kami noon pa.



"Yes, it's me. You are?" Kaswal na sabi ko at pilit na ngumiti.



"Grey's twin," tipid na sabi nito at bigla akong nilagpasan.

His Deceitful Delinquent (Art of Love #1) On goingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon