❛THIRD❜
Nang makita ni Ayesha ang pagbibilang ni Haruto ay dali-dali itong nag-ayos ng gamit at naghanda sa pag-alis.
"Aye, aalis ka na?" Tanong ni Gabby sa kanya. One of her teammates.
"Oo eh. Urgent kase eh. See you tomorrow" Paalam niya saka dali-daling kumaripas ng takbo papalabas ng court para puntahan si Haruto.
"Oh shit. Asan ba yung timang na yun?" Muli niyang kinuha ang cellphone niya. She was about to type and ask where he was nang sumalubong sa kanya ang text mula sa binata.
“at the rooftop. You still have 3 minutes”
"Kung hindi lang talaga niya alam na may gusto ako kay Doyoung, kanina ko pa siya pinabayaan" Inis na usal niya sa sarili bago naghanda sa mabilis na pagtakbo niya papaakyat ng rooftop.
Halos mawalan na siya ng hininga dahil sa sobrang pagod niya sa pag-akyat ng hagdan. She really hates running dahil it makes her breathless and she hated that feeling. Para siyang mamamatay ng maaga.
"Sinusumpa talaga kita, Haruto Watanabe" usal niya muli habang patuloy ang pag-akyat para lamang makarating sa rooftop on time.
Ilang oras lang ng pagtakbo ay nakarating din siya sa rooftop. Nakita niya itong nakatingin lang sa tanawin habang may hawak hawak na soda sa kamay niya.
"Hoy bakla!" Sigaw niya kay Haruto habang hinihingal-hingal pa. Humarap sa kanya ang binata nang masama ang tingin na animo'y mangangain na kahit anong oras.
"Wag mo kong tignan ng ganyan, Watanabe. Mag-explain ka na. May klase pa ako" Sambit niya saka ibinaba ang dala-dala niyang bag bago lumapit sa kinatatayuan ni Haruto.
"You are late" Malumanay na sambit niya saka muling ibinalik ang mata niya sa tanawin. Umalma naman siya sabay pakita sa kanya ng oras.
"Anong late?! Sobra pa akong isang minuto, Watanabe. Wag mo kong inuulol dyan" Tinawanan lang siya ni Haruto saka uminom lang sa hawak hawak niyang softdrinks
"About our deal" Seryoso na siyang tinignan ni Ayesha. Of course she'll listen, reputasyon niya at relasyon nila ni Doyoung ang nakasalalay kapag nagpabaya siya.
"You'll just do everything I'll ask you. Kapag nagsabi akong gawin mo yung assignments ko, you need to do it" Ayesha frustratingly ruffled her hair.
"Bakit ba kase ayaw mo na lang tumahimik? Paano kung may practices ako tapos eepal ka. Ano? Uunahin kita at iiwan yung practice para lang sayo?" Inis na tanong ni Ayesha.
"Yes?" She was about hit him nang maalala niyang alam niya ang sikreto niya so instead, napangiti na lamang siya ng sarkastiko saka hinaplos ang buhok ni Haruto.
"Haruto, wag naman ganun please. Utusan mo na ako kahit kailan mo gusto wag lang sa tuwing may practice ako" pakiusap niya habang patuloy na hinahaplos ang buhok ni Haruto na para bang pusa hinahaplos ng amo niya.
"Fine. Tuwing anong oras ba practice niyo?" Tanong ni Haruto sa kanya.
"Madalas kaming nagpapractice after class. Minsan ine-excuse ako sa room lalo na ganitong may papalapit na tournament. Basta kapag hindi ako nag-reply sa messages mo, nagpapractice ako nun"
"Okay. Fine, that's a deal then. Kapag naka-dalawang utos ka na hindi nasunod, goodbye Dobby ka na" Napabuntong-hininga na lamang si Ayesha. This is more better kesa naman malaman ni Doyoung na may gusto siya rito. Mamaya hindi pala siya gusto ni Doyoung, she's afraid of rejections.
At this point, they could only hear the blowing wind. Bigla na lamang tumahimik ang lahat taliwas sa iniisip ni Ayesha sa kanya. Akala niya bubulyawan siya ni Haruto pagdating na pagdating niya pa lang sa rooftop but she was wrong.
"Haruto" Napatingin lang sa kanya si Haruto nang tawagin siya nito.
"How's your n-nose?" Hindi niya rin alam why she suddenly felt awkward. Maybe because hindi naman sila ganun ka-close ng binata.
Kilala niya naman si Haruto since he was a friend of his brother. However, hindi siya naging interesado sa kanila. They would see them often in their house dahil madalas sila doon na tumambay lalo kapag walang pasok.
Isa pa, si Doyoung, Jihoon, at Asahi lang naman ang kilala niya since sobrang daldal ni Asahi pati Jihoon and well, crush niya si Doyoung so he was only interested in them.
Nagtataka nga siya kay Asahi minsan, he appears quiet and cold inside the campus pero kapag sila sila lang magkakasama, halos mangibabaw ang bunganga niya kakadaldal sa mga kaibign niya.
"Medyo masakit parin pero oks na rin" Sagot ni Haruto sa kanya.
"Okay naman pala eh. Bakit kailangan mo pa akong pahirapan?" Tanong ni Ayesha. Haruto looked at her again saka dahan-dahang naglakad papalapit sa dalaga.
"H-hoy! Anong ginagawa mo?" Kabadong tanong niya sa binata. He just smirked at her saka inilagay ang dalawang braso niya sa magkabilang gilid ng katawan ni Ayesha, cornering her.
"You wanna know why?" He seducingly muttered. Napalunok na lamang si Ayesha looking at Haruto's facial features. She would really lie if she'll not admit that he was good looking.
"Hindi naman pwedeng makakatakas ka na lang ng ganun, Ayesha Choi. Isa pa.." Bumaba ang tingin nito sa ibabang parte ng mukha ni Ayesha bago muling ngumisi.
Muling napalunok si Ayesha sa kaba at dahil na rin sa lapit ng mukha nila sa isa't isa.
"I think you are interesting"
TO BE CONTINUED..
![](https://img.wattpad.com/cover/261495106-288-k32009.jpg)
BINABASA MO ANG
❛Hit❜┇TREASURE's Haruto✔️
Fanfiction[𝗖𝗼𝗺𝗽𝗹𝗲𝘁𝗲𝗱✔️] ❝Hoy, diba ikaw yung naka-tama ng bola sa mukha ko?!❞ ➳ Wherein Ayesha Choi accidentally hit their school's most popular guy's face with a volleyball and everything began to go upside down ❙ Kayamanan Series #1 ❙ ➤ Haruto Wata...