⚘ fifty-two

218 11 3
                                    

Haruto Watanabe
•Active now

Ayesha:
Woy

Ayesha:
Halaaa. Kakauwi ko lang

Ayesha:
Asan ka?

Ayesha:
Haruto!

Ayesha:
Hoy hapon na mukhang halimaw

Ayesha:
Nakauwi ka na ba?

Haruto:
I'm here

Ayesha:
Ha?

Ayesha:
Saan?

Ayesha:
Gagi, kanina ka pa ba dyan?

Ayesha:
Baba lang ako saglit. Dyan ka lang

━━━━━━━━━━━━━━━

AYESHA

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Haruto sa harap ng bahay. Malamig pa naman sa labas tapos hindi pa naka-doble yung damit niya. Ni jacket wala siyang suot. Baka magkasakit siya sa ginagawa niya eh.

Palabas na sana ako ng kwarto ng maisip kong kunin yung itim na sweater na niregalo sakin ni Kuya nung 14th birthday ko since hindi naman girly ang design nun. Baka kase mag-inarte siya na girly hoodie ang ibibigay ko sa kanya.

"Hoy saan ka pupunta?" Tanong ni Kuya sa akin nang makababa ako at makita ko siya sa sala.

"Dyan lang ako kuya. Babalik ako agad" Nagmamadaling sambit ko saka lumabas para puntahan yung hapon na mukhang halimaw.

Nang makalabas ako ay nakita ko siyang diretso na nakatayo ni hindi man lang siya nakaramdam ng lamig. May problema kaya siya?

Nilapitan ko na rin siya pero dahan-dahan lang. Nakayuko lang siya at mukhang malalim ang iniisip niya sa buhay.

"Haruto?" Tawag ko sa kanya. Mas lalo kong ikinagulat nang makita ko ang luha sa mata niya na nakapondo at amba ng babagsak.

Hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam ng kirot sa dibdib ko nung makita ko ang sitwasyon niya.

"A-ayos ka lang ba?" Shunga ka ba, Ayesha? Nakita mong umiiyak na yung tao, sa tingin mo okay lang yan?

Hindi siya sumagot but all I could hear is him sobbing. Malungkot ata siya, ano kayang nangyare? Naaawa na talaga ako sa kanya, his eyes were really wanted to say something pero hindi ko talaga maintindihan.

Umiyak kaya siya kase hinintay niya ako ng matagal sa park kanina? Pero that's impossible. Bakit naman siya iiyak dahil sakin 'no.

Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa kanya and opened my arms wide for him to understand that he can hug me for comfort. Muntik pa nga akong matumba nang tumakbo siya papalapit sa akin saka dinamba ako ng yakap.

Ang bango niya infairness, he smells like strawberries pfft. Hindi ko inaasahan na ang ganitong manly na lalaking hapon, gagamit ng strawberry perfume.

❛Hit❜┇TREASURE's Haruto✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon