⚘ sixty-two

239 11 5
                                    

AYESHA

Nakatingin lang ako kay Haruto dahil hindi ko talaga mabasa ang mukha niya kaya hindi ko rin alam kung anong balak niyang gawin matapos niya akong hilain palabas ng canteen kanina.

Napatingin kaming dalawa nang tawagin ni Ms. Han yung guard. Teacher namin sa english yan. Well, she's kinda strict lalo sa mga written works namin.

"Pag bilang ko ng 3, tatakbo tayo palabas" Tinignan ko naman siya agad. Siraulo ba 'to

Tatanggi pa sana ako pero nagsimula na siyang mag-bilang. Kinakabahan ako shuta, hindi naman kase nagka-cutting eh. Mababatukan ako ni Kuya ng wala sa oras.

"1.."

"2.."

"3.."

Napilitan akong tumakbo dahil nagpapanic na rin ako sa kaba. Nang makalabas kami ay napahawak na lang ako sa tuhod ko

"Hoy halimaw, siraulo ka talaga! Muntik pa tayong mahuli ng guard dun baliw ka talaga" Hingal na sambit ko habang nakahawak parin sa tuhod ko. Napaka-mautak talaga ng baliw na 'to.

Grabe yung kaba ko nun, pag talaga ako napahamak hindi ko papatahimikin kaluluwa ng halimaw na nagkatawang hapon na 'to.

"At least hindi tayo nahuli. So ano? Tara na?" Napatawa na lamang ako. Sabagay, sabi nga nila kailangan din nating lumabag sa rules para maging masaya.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko kay Haruto habang naglalakad-lakad lang kami papalayo sa school.

"Kahit saan? Hindi ko alam eh" Sinamaan ko naman siya ng tingin. Takte, hinila niya ako para sa wala? Hindi pa siya planado, eh kung nag-stay na lang kami sa school. Talaga 'tong lalaking 'to.

"Nakalabas na tayo eh. Saka isa pa, mukha ka kasing stressed eh. Nakakairita 'yang mukha mo" Kaagad ko siyang hinampas sa braso dahilan para mapasigaw siya. Apaka-kapal talaga ng mukha nito. Siya na nga lang makikitingin sa mukha ko andami pang reklamo.

"May bakal ba yang kamay mo? Ang sakit ah" Reklamo niya. Inirapan ko lang siya saka tumingin na lang sa daan. Okay na rin siguro 'tong lumabas kami para makapag-relax ako.

Sa paglalakad namin ay dinala kaming dalawa nitong hapon sa isang mini market. Hindi siya ganun kalaki pero marami yung tao na nagsisilabas-pasok dun kaya agad kong hinila si Haruto papasok. Wala, gusto ko lang siyang pag-tripan ngayon pfft.

Mabuti na lang talaga at wala akong narinig na reklamo sa kanya. Mga madalas naming nakikitang tinda is yung mga beauty products or mga headbands and sapat na ang mga yun para makaganti sa pagpapahirap niya sakin.

"Hoy! Anong balak mong gawin?" Tanong niya sa akin. Hindi ko siya pinansin at hinila lang siya sa tindahan ng mga make-ups pfft.

"Hi Ma'am and Sir, ano pong hanap nila?" Tanong samin nung tindera. Naiisip ko pa lang yung gagawin ko, hindi ko na maiwasang matawa pfft. Mapapabili pa ako ng make ups ng wala sa oras HAHAHAHA.

"Hi ate! Naghahanap po sana ako ng Blush Powder. Ano po kayang babagay sakin?" Natatawang tanong ko bago mapatingin sa gawi ni Haruto na nakabusangot na sa kinatatayuan niya.

"At ngayon ka pa talaga bibili ng ganyan. Magme-make up ka ba sa volleyball game mo?" He annoyingly mumbled habang naka-ekis ang dalawa niyang braso.

"Nope. Nag-aya kase si Doyoung mag-movie date eh" Napa-ayos siya ng tayo saka hindi makapaniwalang tumingin sa akin. Hindi ko alam kung bakit trip kong gamitin si Doyoung pang-asar pfft.

"Movie.. D-date?" nakangiwing sambit niya. Gusto ko ng tawanan yung reaction niyo. Sorry Dobby huhu.

"Oo bakit? May problema ka ba dun?" Nakataas ang kaliwang kilay na tanong ko sa kanya. Umiwas naman siya ng tingin saka umiling.

"Ma'am, eto po. Sure po ako ng babagay sa inyo 'to. We also have some lipsticks and lip tints. Baka gusto niyo pong i-try" Ngumiti naman ako kay Ate saka sumunod kay Ate sa pagpili ng lip tints since I don't like lipsticks dahil ang bigat nila sa labi.

Kumuha ako ng medyo pinkish na shade. Ewan ko ba tawag dyan basta kumuha lang ako saka lumapit kay Haruto.

"Psst hapon, try natin sayo daliii!" Sambit ko habang tumatawa. Sinamaan niya naman ako ng tingin. HAHAHAHAHAHA imbis na matakot ako sa kanya, bakit mas natatawa lang ako lalo.

"Ayesha, ilayo mo sakin yan" Seryosong sambit saka pilit na umiiwas na idampi yung foam ng blusher sa pisngi niya.

"Dali naaa. Magkasing-skin tone lang naman tayo eh. Please Ruto" I even used my pa-cute voice para gumana sa kanya.

"Ayesha Choi, no" But that doesn't stop me from putting some blush on his cheeks pfft. Mukha siyang tanga seryoso HAHAHAHAHA

━━━━━━━━━━━━━━━

"Ano? Masaya ka na? Napag-tripan mo na ako?" Bakas ang inis sa boses niya pfft. At least nakabawi ako sa pang-aasar at pagapahirap niya sakin diba.

Well, bukod sa nilagyan ko ng make ups ang mukha niya. I even made him try some headbands and even bought him one. Wala lang pang-asar lang sa kanya hahahaha

Papalabas na kami ng mini market nang makakita ako ng batang umiiyak sa hindi kalayuan. She looks lost, hinawakan ko lang sa braso si Haruto to make him stop walking saka dali-daling tumakbo papalapit sa bata.

"Hey, why are you crying?" Tanong ko habang nakaupo reaching her level. I was about to carry her nang buhatin siya ni Haruto that actually made me startled. Bigla bigla na lang sumusulpot eh.

"P-please help me. Mama" Nakaramdam ako ng awa sa bata. Takot na takot siguro ang batang 'to

"Where's your mama?" Napatingin ako kay Haruto nang bigla siyang magsalita, he even changed his voice into a baby one. Wala, ang cute lang.

"H-hindi alam" Hindi ko mapigilang matawa nang ngumuso siya sa bata at sinasabayan pa itong umiyak. Siraulo. Hinampas ko lang ang braso niya para patigilin siya sa ginagawa niya.

"What's your name baby?" Tanong niya

"S-star" He smiled sweetly bago kurutin ng bahagya ang ilong ni Star.

"What a cute name. Wag ka na umiyak ha? Let's find your mama na ha?" Oo na, ang cute cute niya. Eh sino ba naman kasing mag-aakala na bata lang pala ang makakapagpa-tiklop sa hapon na halimaw na 'to. It was just so unexpected.

Sinusundan ko lang silang dalawa while he was asking her kung saan niya huling nakita ang mama niya.

If you would ask me, I would say hindi naman pala ganun kasama si Haruto eh. We just started with a chaos pero for the past months, nakilala ko rin naman siya. Although sobrang mapang-asar at gago niya, he loves his sister so much and he was actually nice.

Kung siguro mas nauna ko siyang nakilala kay Dobby, baka sa kanya pa ako nagkagusto. Dobby.. Hindi ko alam. I admire Doyoung so much pero hindi ko alam sa sarili ko kung bakit nakakaramdam ako ng ganito kay Haruto.

Nalilito ako, I even promised myself na hindi ako magkakagusto sa lalaking 'to pero pucha totoo nga siguro sila..

That promises are made to be broken

But I still don't know, kinikilig parin naman ako pag nakikita ko si Doyoung but I somehow feel more happy kapag nakikita ko ang hapon na 'to.

Aaaaaahhhh! Ewan! Ayoko na ngang isipin. Baka kase naku-cute-an lang ako kay Haruto na kasama niya si Star kaya ako nag-iisip ng ganito.

Tandaan mo, Ayesha. You like Kim Doyoung. And there's no way that this japanese monster will ruin everything for you.

TO BE CONTINUED..

❛Hit❜┇TREASURE's Haruto✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon