AYESHA
"Haruto, sure ka ba? Baka naman awayin ako ng papa mo" Natatakot na sambit ko kay Haruto habang pilit akong nagtatago sa likod niya.
Imbis na i-comfort ako, tinawanan pa ako ng gago. May pinakita kase siyang family picture and medyo natakot ako bigla. Ang intimidating kase ng itsura ng papa niya, baka hindi ako magustuhan nun.
"Akala mo lang nakakatakot yun si Papa. Saka wag kang mag-alala, andito lang ako okay?" Medyo na-touch naman ako sa sinabi niya but still natatakot parin ako sa papa niya.
One week after dumating ng kapatid saka mama niya, sumunod sa kanila yung papa niya since naiwan dun sa Japan dahil busy sa trabaho.
Sa totoo lang nagkasundo kami ni Airi pati ng mother niya. Si Airi nga halos ayaw pa akong pauwiin kada pupunta ako sa bahay nila para bisitahin siya. Well, his mom was also sweet as him, charot! Pero mabait naman yung mama ni Haruto. Nilulutuan ako ng maraming pagkain kapag dadalaw din ako.
"Kahit pa, ruto. Baka pag hindi ako nagustuhan nun bigyan ako ng danyos kapalit ng paglayo ko sayo. Ayoko lumayo sayo" Nakangusong sambit ko sa kanya habang nakakapit din sa braso niya.
"Does that mean you love me? Kaya ayaw mo kong layuan" Hindi parin talaga ako sanay na nilalambing niya ako. Ewan ko ba! Baka kase nasanay lang ako na para kaming aso at pusa noon.
"E-eh ano naman? Basta ayoko lumayo sayo" Matapang na sabi ko saka yumuko rin matapos kong sabihin yun.
"Trust me, magugustuhan ka ni Papa" I somehow trust Haruto kaya sana nga, sana huwag akong matulad sa mga teleserye na babayaran yung girl para layuan yung anak nila.
"Haruto, kung ano mang mangyari sakin dun, walang iwanan ah?" Habilin ko sa kanya. Feeling ko talaga para akong hihimatayin sa kaba.
"Of course. Halika na, he's already waiting for you" Napalunok na lang ako saka sinundan siya sa paglalakad papasok sa bahay nila.
"Ate Ayesha!" Bati sa akin ni Airi. I genuinely smiled back at her, ang cute cute talaga ng batang 'to.
"Airi, is Papa already home?" Tanong ni Haruto.
"Yes kuya, they are waiting for the two of you at the living room" Mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko nang marinig ko ang sinabi ni Airi. They are already here? Shet na malagket, I'm doomed.
"Let's go?" Haruto offered his hand. I hesitantly smiled at him saka kinuha ang kamay niya papasok sa living room.
"Hi Ma! Hi Papa. I'm glad you're already here" They were all smiling at him not until his father turned his gaze to me. Shuta, lupa ikaw na bahala sa akin kapag may nasabi akong kahihiyan. Inaasa ko na ang buhay ko sayo.
"Hi Tita! Hello po, Tito! It's nice to finally meet you po" Nakangiting sambit ko saka agad na nag-bow.
His mother was smiley pero mga teh, yung papa ni Haruto para akong papatayin sa tingin niya huhu. Kinakabahan ako ng sobrang lala ngayon.
"Pa, this is Ayesha. Nililigawan ko po" Teka lang, alam kong kinikilig ako sa pakilala sakin ni Haruto pero yung papa niya talaga shet. Ang talas ng tingin sa akin, para akong papatayin anytime na magkamali ako ng gagawin huhu.
BINABASA MO ANG
❛Hit❜┇TREASURE's Haruto✔️
Fanfic[𝗖𝗼𝗺𝗽𝗹𝗲𝘁𝗲𝗱✔️] ❝Hoy, diba ikaw yung naka-tama ng bola sa mukha ko?!❞ ➳ Wherein Ayesha Choi accidentally hit their school's most popular guy's face with a volleyball and everything began to go upside down ❙ Kayamanan Series #1 ❙ ➤ Haruto Wata...