HARUTO
"Woy Ruto, di ka pa matutulog?" Tanong ni Yoshi hyung sa akin. I just shook my head. Hindi naman ako inaantok.
Naiinis ako!
"Akyat ka na lang sa kwarto if you wanted to sleep" Tumango lang ulit ako kay Yoshi hyung. Wala talaga ako sa mood magsalita ngayon. Naiinis ako.
I heard his footsteps pahina na ng pahina maybe papunta na rin siya sa kwarto nila Hyunsuk hyung.
How dare she said that? Porket pinapansin na siya ni Dobby ngayon, she'll just set me aside na para kaming walang pinagsamahan? I mean I am not jealous but still, naiinis parin ako sa tao na mukhang ibon na yun.
"Stupid channel! Wala na bang maayos?" Inis na sambit ko saka kinuha ang remote sa tabi ko. I should be enjoying this night dahil ako naman ang nag-aya kila Hyunsuk hyung nito in the first place.
Gusto ko na lang umuwi, nawalan na ako ng gana. Kasalanan yun ng ibon na yun. Magbabayad siya sa pag-sira ng mood ko.
Nakakatatlong lipat na ako ng channel and yet wala parin akong makita na maayos na channel para manood. Mas lalo lang umiinit ang ulo ko.
When I clicked the next channel, thankfully nakita ko agad si Spongebob and so I think that this was the perfect channel for me. Tumayo ako saka tumingin-tingin ng magandang kainin pang midnight snack.
Sabi naman ni Hyunsuk hyung na kumuha lang kami ng makakain kaya sasamantalahin ko na ang kagandahang loob niya at kumuha ako ng chocolate ice cream. Sinadya kong lagpasan yung Strawberry Ice Cream dahil baka bulyawan na naman ako ni Birdie for eating her precious ice cream.
Nang bumalik ako sa pwesto ko ay inenjoy ko na ang panood ng spongebob with my precious chocolate ice cream. Suddenly, nakarinig ako ng pagbukas at sara ng pinto but I didn't mind to look dahil masyadong na-convert ang attention ko sa pinapanood ko.
"Pfft, spongebob" hindi ko alam kung bakit nagwala ang kaloob-looban ko nang marinig ko ang pamilyar na boses na yun.
Akala ko ba busy siya? Eh bakit andito yan? Nangingialam pa ng pinapanood ng ibang tao hmp.
Hindi ko lang siya pinapansin when I heard footsteps again. I am curious of what she is doing pero naalala ko na hindi pala kami bati ng birdie na yan kaya mas finocus ko ang sarili ko sa panonood kay Spongebob.
The episode is when Patrick became famous nung na-cast siya isang commercial tapos unti-unti na siyang nawawalan ng oras para kay Spongebob. Hindi ko alam kung bakit ako nakarelate sa scene na yun.
Pinansin lang siya ni Dobby hindi niya naman ako pinansin tss. She is so ungrateful, minsan gusto ko na lang sabihin kay Dobby na may gusto sa kanya si Ayesha para naman malaman niya na wala siyang pag-asa kay Doyoung but then ano ba 'tong kababuyan na iniisip ko?
Sabi ko na hindi maganda epekto ng puyat sakin eh. Kung ano ano na pinag-iisip ko.
"Hoy kinain mo yung ice cream ko!" Rinig kong sambit niya bago makaramdam ng paglubog ng katabi kong spot sa upuan. Bakit siya andito? Diba busy sila ni Doyoung for their so called PROJECT.
Hindi ko na lang siya ulit pinansin and my attention were still at the television.
"Wow. Di namamansin. Feeling famous" Tss kesa naman sa feeling mapansin ni Doyoung.
"Hoy Watanabe. Are you still gonna ignore me?" Hindi makapaniwala niyang tanong but I am still giving her cold treatments. Deserved
"Haruto! Hoy! Para kang tanga" Napairap lang ako saka sumubo ng hawak kong chocolate ice cream.
"Galit ka ba?" Oo nga, galit nga ba ako? Ako kase hindi ko alam eh. Basta ayoko lang siya pansinin for a certain reason and I still don't know what is that damn reason kung bakit ako nagkakaganito.
Hindi kaya totoo ngang naging mangkukulam na si Mashiho hyung? Kailangan ko siyang kausapin para matanggal na 'tong sumpa sakin.
"Didn't you know na bigay ni Doyoung yang ice cream na kinakain mo?" I was munching my ice cream at napatingin sa kanya. I immediately spit out the ice cream saka ibinigay sa kanya.
Eww!
I heard her laugh like a crazy woman. Luh baliw. Paki-dala nga sa mental 'to. Nasisiraan na din ng bait eh.
"Galit ka ba? Ayaw mo kong kausapin" Hindi ko parin siya sinagot at iniwas ang tingin ko sa kanya.
Ano ba kasing nangyayare sayo, Haruto? You wasn't suppose to act like that. Eh ano naman kung maging close sila ni Doyoung? Kaya nga kayo naging close niyang birdie na yan dahil kay Doyoung eh. She likes that ray of sunshine boy.
"Don't tell me.." Napatingin ako sa kanya anticipating what her mouth will say to me.
"Nagseselos ka 'no? Sabi ko na ikaw talaga may gusto sakin eh" Nakangisi niyang tanong sabay sundot sa tagiliran ko. At aba ang lakas rin ng tama ng babaeng 'to.
Ako? Magseselos? Naaaah!
"Selos your face. Ang panget mo kaya tss" Naiinis na sabi ko sa kanya saka ibinato ang hawak kong cushion sa mukha niya at iniwan siyang mag-isa sa sala.
Umakyat na lang ako sa kwarto nila hyung kahit hindi pa talaga ako inaantok.
Jealous? Ha! Jealous my ass. I would never get jealous of them
“Malay mo one of these days, magselos ka na rin kay Doyoung”
Aahhhhh! Kailangan ko na talagang kausapin si Mashiho hyung as soon as possible. Hindi na nakakatuwa.
TO BE CONTINUED..
BINABASA MO ANG
❛Hit❜┇TREASURE's Haruto✔️
Fanfic[𝗖𝗼𝗺𝗽𝗹𝗲𝘁𝗲𝗱✔️] ❝Hoy, diba ikaw yung naka-tama ng bola sa mukha ko?!❞ ➳ Wherein Ayesha Choi accidentally hit their school's most popular guy's face with a volleyball and everything began to go upside down ❙ Kayamanan Series #1 ❙ ➤ Haruto Wata...