⚘ thirty-four

241 12 4
                                    

AYESHA

"Hoy" Tawag ko sa kanya pagkabukas na pagkabukas ko pa lang ng pinto. Nakasuot pa siya ng hoodie na color black. Pfft, para siyang magnanakaw.

"Grim Reaper ka ba? Bakit itim na itim ka?" Natatawang tanong ko sa kanya. Nakita ko siyang ngumuso. Mukha siyang bibe HAHAHAHA.

Saka wait, ngayon ko lang nakitang ngumuso yan. Ang cute niya tignan, para siyang inagawan ng candy.

Charot! Anong cute?! Ang panget panget niyan, Ayesha tumigil ka nga!

"Pasok ka na, baka mahamugan ka. Magalit ka pa sakin" Biro ko sa kanya saka binuksan ng mas malaki yung pinto para makapasok siya.

Infairness din dito, tanong ko nga kung anong pabango niya. Manly kase yung amoy pero sakto lang hindi yung masakit sa ilong.

"Baka masinghot mo ko ah" Napatingin ako sa kanya at shuta, nakatapat yung ilong ko sa may bandang balikat niya.

"S-sorry" Nahihiyang sambit ko saka isinara ang pinto.

"Oo nga pala, bakit hindi ko nakikita si Tita?" Tanong niya.

"Ahh, namatay kase yung kamag-anak namin. Dapat nga isasama pa kami ni Kuya kaso may pasok kase eh" Nilinis kong bahagya yung dining table para doon kami magsimulang mag-sulat.

"Akin na 'yang notebook mo. May ballpen ka bang dala?" Tanong ko sa kanya. Nakita kong napakamot siya ng batok niya saka nahihiyang ngumiti.

"Sorry, nagmamadali kase ako eh. Sabi mo inaantok ka na eh" Napatawa na lamang ako saka kinuha yung pencil case ko sa tapat niya.

Inayos ko muna yung dalawang notebook saka nagsimula sa pagsusulat.

"Ayesha.."

"Hmm?" Tanong ko habang busy ako sa pag-susulat.

"Hindi ka ba nahihirapan?"

"Ha? Saan?" Tanong ko.

"Kapag inuutusan kita ganyan" Napatigil ako sa pagsusulat at napatingin sa kanya. Muntik pa akong magulat dahil nakatingin rin siya sa akin ng seryoso. Ewan ko, it's just feels weird.

"Nahihirapan. Pero sikreto ko naman yung nakasalalay so wala na rin akong choice" Hindi ko na ulit siya narinig na magsalita kaya naman nagpatuloy ulit ako sa pagsusulat.

Binalot ng katahimikan ang paligid at sa totoo lang hindi talaga ako sanay ng ganito ka-tahimik. Dagdag mo pa yung feeling ng may nakatingin. Mas lalo ko na lang niyuko ang ulo ko para mabawasan yung awkwardness.

Takte naman, bakit ba kase ganyan makatingin 'tong hapon na 'to. Nakakailang kaya!

"Hoy Watanabe"

━━━━━━━━━━━━━━━

"Hoy Watanabe" Tawag ni Ayesha sa binata.

"Dalawa na lang naman 'to eh. Gusto mo turuan kita mag-solve?" Tanong nito habang hindi parin siya pinapasadahan ng tingin.

Kanina pa kase naka-titig sa kanya si Haruto and she was starting to get shy. Ayaw na ayaw niya ng tinititigan siya habang may ginagawa.

"Sige" Maikling sagot nito saka mas lalong umurong papalapit kay Ayesha. At that point, nakaramdam ng kung anong kakaibang pakiramdam si Ayesha inside her chest. Something like kaba or more than that.

Napalunok na lamang si Ayesha para mas gumaan ang pakiramdam niya saka inilagay sa gitna nilang dalawa yung notebook.

"So first step is combine mo lang yung like terms" As time goes by, nawala na rin yung awkwardness dahil mas naging focus si Ayesha sa pagtuturo niya kay Haruto.

"Next is kapag may number sa labas ng parenthesis, idi-distribute mo lang siya" Haruto nodded his head habang nakikisabay sa pagtuturo ni Ayesha.

"Yan, since parehas silang positive, addition lang yung operation na gagamitin mo"

"Wait, paano kapag hindi sila parehas ng sign? Ia-add parin ba?" Tanong ni Haruto and looked up to her.

Ayesha also looked to him but it was a wrong move for her dahil ilang metro na lang ang pagitan ng mukha nilang dalawa. Once again, nag-wala na naman ang buong katawan niya dahil sa nangyare. She was nervous again lalo pa't isang maling galaw niya lang ay magdidikit na ang labi nilang dalawa.

Haruto was just looking straight into her eyes as he could also feel the weird feeling onto his stomach even to his heart.

What could that be?

"Hoy! Anong ginagawa niyong dalawa?!" Nag-panic naman agad si Ayesha at dali-daling lumayo kay Haruto the point na nahulog na siya sa kinauupuan niya para lang makalayo.

"Potek tanga mo naman kapatids" Natatawang kantyaw ni Hyunsuk kay Ayesha.

"Kanina ka pa ba dyan?!" tanong niya saka dali-daling tumayo mula sa pagkakahulog niya kay Haruto— charot! Sa upuan HAHAHAHA.

"Medyo?"

"Anong medyo?"

"Pagkarating ko magkalapit na kayo ng mukha eh. Magki-kiss kayo 'no? Yieeee!" Nanlaki ang mga mata ni Ayesha saka dali-daling tinakpan ang bibig ni Hyunsuk.

"Haruto, tapos ka na diba? Gabi na rin eh. Hehehehe. Ingat ka sa daan" Alanganing sambit ni Ayesha sa kanya.

Tinawanan lang siya ni Haruto saka inayos ang mga gamit niya.

"Hyung, Ayesha, salamat. Una na ako" Bago ito maglakad papalayo ay tumingin muna ito kay Ayesha saka ngumiti ng pagkatamis-tamis.

"Goodnight" Sambit nito bago magsimulang maglakad.

"Ayoooown! Akala ko ba si Dobby bet mo ha?" Tanong ni Hyunsuk sa kapatid.

"Si Dobby nga!" Tugon niya

"Eh bakit iba tama mo kay hapon?" Hindi makasagot sa kanya si Ayesha. Even her doesn't know what happened.

"A-anong tama p-pinagsasabi mo? Ikaw tatamaan sa akin tamo tss. Dyan ka na nga" Sabi nito saka nag-martsa na papaakyat ng kwarto niya.

Nang maisara niya ang pinto ng kwarto ay agad itong napasandal sa pinto habang hawak hawak ang dibdib niya.

"Kim Doyoung, Kim Doyoung. Si Dobby lang bet mo, Ayesha! Umayos ka nga!" Saway niya sa sarili saka tumakbo papahiga sa kama niya.

"There's no way na magustuhan mo yung hapon na yun!"

TO BE CONTINUED..

❛Hit❜┇TREASURE's Haruto✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon