Arvi's POV
Nagising ako ng nakangiti. Ilang oras ko rin yung pinag-isipan kagabi ah. Hindi ko alam kung paano sya tatanongin. Nakakatawa lang at ilang beses pa kong humarap sa salamin para lang mag-practice ng sasabihin ko sa kanya. haha
Flashback
"Isabel, alam mo ba na nung una pa lang kitang nakita nakakita na 'ko ng spark?.... hindi ko alam pero nung nakita kong inaasar ni Eugene ay gusto na kitang iligtas" Ano ba yan masyado namang madrama. Tsaka nagmukha naman akong superhero. 'tagapagligtas' haha
Isa pa..... isa pa
"uhhhhmmm hi Isabel, we've been friends since 2nd year I hope you dont mind if I.........c-court you?"
tssss napaka-formal naman.
"Arrrrrrggggggggghhh sumasakit na ulo ko" sabi ko sabay sabunot sa ulo ko tsaka ko inihiga ang katawan ko sa kama.
Isa pang subok. Walang sukuan para sa matamis nyang oo.
Muli akong humarap sa salamin.
One more try
"Isabel, pwede bang manli----"
KNOCK!!!!!!!!! KNOCK!!!!!!!!!!
"Dad?" si dad na rin ang nagbukas ng pinto. At, ano 'to ngingiti-ngiting palapit sa akin
"alam mo bang kanina pa kita pinapakinggan?" O_O nanlaki naman ang mata ko sa sinabi ni Daddy. Tsk nakakahiya "hahaha, what happened to you son?" napayuko naman ako sa pagtawa ni Dad "hindi ganyan ang Arvi na kilala ko"
"Dad naman, ngayon na lang kasi ulit ako manliligaw" pahina ng pahinang sabi ko.
"But this is not new to you son"
"I know Dad I know ..... but she's different yung tipong lahat na lang sa kanya gusto mo?" napapangiti pa ako habang nagsasalaysay kay Dad "Her simplicity makes her stand-out"
"you're definitely in-love, sila yung nakatira jan harap diba hijo?" tumango naman ako. "you better court her, I like her for you" natuwa naman ako kay Dad.
"and her name is Isabel"
"nice name son" "why don't you invite her for your birthday?"
"she's my friend since 2nd year dad so she's really invited"
"mas maganda 'yan tsaka mo sya i-surprise haranahin mo tsaka mo tanongin"
parang kuminang yung mata ko ah
*_*
"you're amazing Dad, ang galing mo talaga hahaha" tsaka ko sya niyakap at tinapik sa balikat.