Arvi's POV
Saturday ngayon, asa garahe ako dahil gusto ni Dad na linisin namin yung kotse nya. Pabor naman sakin kasi minsan lang namin gawin to.
Inilabas nya sa daan yung kotse para maging mas maluwag.
"Dad kunin ko lang yung mga gamit"
sabi ko saka bumalik sa garahe.
Paglabas ko ay hila-hila ko na yung host.
"nakalock na po ba lahat ng pinto at bintana?"paninigurado ko bago ko buhusan mg tubig yung buong kotse. Habang si daddy naman ay abala sa paglalagay ng sabon.
Matapos kong mabasa ang buong parte ng sasakyan ay tumulong na ko para makuskusan ng sabon yung kotse.
Nung nalingon ako ay nakita ko si Isabel na may dala ng aso bahagya akong natigilan sa ginagawa ko at pinanuod sya habang nakahawak sa tali ng kanyang aso.
'siguro ay ipapasyal nya yung aso nya'"anak, natulala ka dyan? type mo no?"
'masyado na ba akong halata?'
"h-ha ahh kaklase ko po sya"
"hindi ko tinatanong kung kaklase mo sya, ang tinatanong ko ay kung kung type mo ba? haha masyado kang obvious anak"
"dad naman e"
"anong dad naman, bakit hindi mo ligawan, gusto ko sya para sayo"
wow kakakita lang gusto na agad?
"may balak na ako dad" sabi ko ng nakangiti. Tapos ay itinuloy muli ang paglilinis.
"mabuti yan ng maka-move on ka na"alam nya kasi yung nangyari samin ni Patrice yung biglaan nyang pag-alis ng walang paalam.
"Dad hindi ko sya gagawing rebound okay? wala na kami ni Patrice"
"wala akong sinabing ganyan, sya nga pala asan na yung dalawa mong kaibigan?yung dalawang makulit dati-rati ay madalas bumisita ang mga iyon sa luma nating tinitirhan, di ata nagagawi rito?"mahaba nyang tanong.
"di ko pa sinasabing lumipat tayo"
eh mangugulo na naman sakin yung dalawang yun pero balak ko naman silang imbitahan siguro ay sa birthday ko na lang tutal ay malapit na rin naman.
"loko ka talaga, e anong balak mo sa birthday mo? malapit na yun ah"
si Dad ba talaga to bakit parang ahhh nevermind.
"Si mommy na po bahala, tsaka maliit na salu-salo lang naman po yun di na kailangang paghandaan pa ng matagal"
"gusto mong idrive papasok sa garahe?"
0_0
sabay abot nya ng susi, di ko na namalayan na tapos na pala namin malinis yung sasakyan. Di na ako nag-atubili pa at kinuha agad ang susi.
Nung minaobra ko na ay tila ba may nahagip ang likurang gulong ng kotse.
"MICKEY" sigaw ng isang pamilyar na boses.
Isabel's POV
papauwi na kami ni mickey(yung aso ko) ng bigla kong nabitawan yung tali nya. Mabilis syang nagtatakbo at sa di inaasahan..........
NASAGASAAN SYA
"MICKEY"
isang pamilyar na mukha ang lumabas sa kotse. 'arvi?'
agad nyang pinuntahan si mickey at sumunod naman ako.
"I think mas maganda kung dadalhin natin sya sa vet"
umo-o na lang ako na tila ba sumusunod na lang sa sinasabi nya naging magulo na ang isip ko dahil nauukopa na ito sa nangyari kay mickey at kay arvi na nakabangga kay mickey.
"dad can you please give us a ride?, we need to send her dog to a veterinarian"
agad naman na pinatakbo ng daddy nya yung sasakyan.
"your dog has a fracture on her right leg, and based on her x-ray kailangan lagyan ng bakal yung leg na may sira para muling umayos"
sabi nung vet.
"gagaling po ba sya dog, makalakad po ba ng ayos?"
nag-aalalang tanong ko.
"oo naman iha, mauna na ako at gagamutin ko muna si----?"
"mickey po"
"mickey"
shinolder na ni arvi yung gastos ang sabi ko ay ako nlng dahil may kasalanan din naman ako dahil nabitawan ko yung tali ni mickey.
"everything will be alright, sorry nga pala ulit"
"kasalan ko rin ee kung hindi ko sya nabitawan di rin sya masasagasaan"
mangiyak-ngiyak kong sinabi
"maya-maya lang ay nilabas na ni doc si mickey"ako ang nasasaktan para sa kanya huhuhu
"after a week ay kailangan nyong bumalik for follow-up"
"thank you po doc"
"thank you ulit arvi"
"alam mo wag kana magpasalamat kasalanan ko rin naman"
bumaling naman ako kay Mr. Zamora
"thank you rin po Mr. Zamora"
"napaka-formal mo naman iha, tito Andie nalang"
"salamat po tito andie, arvi mauna na po ako"
tsaka ako bumaling sa bahay namin. Akalin mong sya pala yung bagong lipat sa harap ng bahay namin?. Palibhasa wala naman akong sa mga bagong kapitbahay. Baka nga ako na matagal nang residente dito di nila kilala haha.
"bye future girlfr----- " "dad"
'future ano daw?'
pagpasok ko sa bahay agad na bumungad si Mama.
"anak, anong nangyari kay mickey?"
nag-aalalang tanong ni mama.
"nasagasaan po ma, pero dont worry nadala na po namin sya sa veterenarian"
"namin? sinong kasama mo?"
"sila Mr. Zamora po"
"ahh nakilala mo na pala yung bago nating kapitbahay"
"classmate ko po yung anak"
"sige na ibaba mo muna si mickey magpahinga ka na rin"
pumunta na ko sa kwarto para magpahinga.
umulit na naman sa isip ko yung sinabi ng daddy ni Arvi.
'future what?'
