Ano ba yun?

38 1 0
                                    

Isabel's POV

Nasa bahay ngayon yung girls. Dumaan muna sila bago tumuloy kila Arvi.

"bhe, asan isusuot mo?,dapat magdress ka" kahit kelan si Jhelo ang Arte

"H-ha diba 'di naman daw kailangang formal?"

"basta bhe you need to wear something formal,pinanghiram kita sa mga ate kong beauty queen" tsaka nya isa-isang iniladlad yung mga dress. Magaganda naman kaya lang masyado naman atang formal.

Ay t-teka teka. Beauty Queen??? Mga ate???.

"MGA ATE????!!!!" bakit parang kami lang ni bhessy ang nagulat.

"tssss. Kaya naging bakla ang isang yan hahaha" tawa ni Angel.

"Ekskyusmeeeee bhe correction DYOSA D-Y-O-S-A"

tsaka kami nagtawanan pare-pareho.

"bhe,akyat na ligo na you pati sila girl magde-dress din" at ayun pinagtulakan na nila ko sa cr ng walang towel.

Matapos namin mag-ayos ay dumiretso na kami kila Arvi. Namangha naman sila at sa mismong harap lang talaga ng bahay namin nakatira sila Arvi.

Agad na sumalubong samin si Tito Andie, actually sya pa lang yung kilala ko sa parents nya. Di ko pa nakikita yung mom nya.

"Hi Isabel,come in come in. Sila ba yung friends nyo?" tumango naman ako.. "Sige asa loob na yung boys may dumating rin syang pinsan e"

Nanlaki naman yung mata ni Jhelo

O_O
"mga boys po ba?" atat na tanong ni Jhelo

"Ahh oo may babae rin pero karamihan boys"

nakangiting sabi ni tito.

"teh, una na ko ah, ahh tito san po yung entrance?"

"tara samahan na kita" tumingin sa 'kin si Tito "hija sumunod na kayo ha?"

"yes tito" ^__^

"tara na?" yaya ni Angel.

'yun nga at tsaka kami naglakad papasok sa bahay nila. Aictually nakapasok na ako rito dati. Pero nung hindi pa sila Arvi yung nakatira matandang dalaga yung nakatira dito dati. Tinuring na namin sya lola ni Sophie yung grandparents kasi namin sa both side nasa probinsya kaya di ko alam yung feeling ng may lolo o lola. Kaya lang, ayun biglang kinuha sya ng mga pamangkin nya nasa states na sya ngayon kaya naisipang ibenta yung bahay. Haaaaay nakakamiss si lola. Sana walang iniba sa design ng bahay. May pag-antique kasi yung design ng bahay yung tipong lahat ng kasangkapan ay luma. Tas pinalagyan din ni lola ng basketball court para daw kung may mga batang lalaki ang gustong dumalaw. Madalas rin yung mga pamangkin nyang lalaki dati kaya lalong nirenovate yung court.

It Started with a JokeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon