Jhelo's POV
"alam nyo boys ang galing nyo talaga maglaro, dapat kasi nung first year pa kayo sumali tsk tsk"
"ee wala na eh 4th year na tayo di na maibabalik ang panahon bwahahahaha"
pamababara ni eugene
"masaya ka na nyan?"
"hahahahahahahaha"
"gang ngayon ba bro, badtrip ka pa rin? hahaha"
asar talaga tong lalaki na to.
"hoy Mr. hindi ka pa rin sumunod sa usapan. Tapos"
"ganun talaga"
"tama na nga yan magkainitan pa kayo"
awat samin ni harry habang may laman pa yung bibig.
"di na ko mababadtrip, kung............."
pabitin ko
talagang walang may balak tumulong sakin talaga tong mga bruha gutom?
"ano ha?"
yabang na tanong ni Eugene.
"kung hahalikan mo--"
naputol ang sasabihin ko ng bigla syang sumingit
"kiss na naman?"
"bawal ba kong patapusin ha? bawal?"
"continue"
"kung hahalikan mo si" bahagya pa muna akong tumingin kay Isabel na abala sa paghati ng chicken nya. bigla akong natuwa "kung hahalikan mo si " ayun sakto kasusubo lang "si ISABEL"
"huk" haha muntikan na nyang mailuwa yung manok.
si Eugene naman ang sama ng tingin. Hoy darating ang panahon pasasalamatan mo ako dahil dito. bwahahahahahaha.
"ANO?" galit na sigaw nung dalawa
"kol?" tanong ko habang palipat lipat ng tingin sa kanilang dalawa. Natigilan naman silang lahat sa pagkain.
"jhelo naman" sabi ni Isabel
"jhelo naman jhelo naman, kasalanan mo to te"
"AYOKO" sigaw ni Eugene
"sige" tsaka ako tumayo at nakanguso "ako na lang" nang malapit na sa mukha nya yung labi ko bigla syang tumayo.
"okay okay" tsaka sya bumaling kay Isabel "wag ka mag-assume na gusto kitang halikan ha dahil masasapak ko na talaga tong bakla na to kapag nangulit pa tsk."
"as if namang papayag ako"masungit na sabat ni Isabel
"hoy bakla wag na maarte" nag-iinarte pa? palibhasa kaiisa-isang apo na nanatiling buhay ni Maria Clara
"siomai ka jhe-- *tsup*"
BENG hahaha. hahalik din pala dami pang satsat. Tsaka sya hinalikan ni Eugene. Halatang gulat si Isabel na parang di alam ang gagawin.
"b-bakit mo ginawa yun?" utal na tanong ni Isabel
"nangyari na ehh"
sa pisngi lang humalik si Eugene pero parang nabatrip talaga si Isabel.
"sa tingin ko ay kailangan ko nang umuwi. Harry salamat sa treat"
pilit na ngiti na sabi nya.
akmang lalakad na si Isabel ng hinawakan sya sa braso ni Eugene.
"Sorry" walang emosyon syang tiningnan ni Isabel
"mauna na ako mag-ingat kayo"
tsaka nya hinila ang kamay nya na hawak pa rin ni Eugene.
Hinabol naman sya ni Arvi.
Arvi's POV
Nahabol ko si Isabel hangang sa paglabas nya ng restaurant.
"hatid na kita" bigla naman syang napahinto
"hindi na malalayo ka lang okay lang ako"
"no I insist" tumango lang sya
"ayos ka lang ba?"
"pasensya ka na sa inasal ko kanina hindi ko kasi alam kung ano ang magiging reaksyon ko. Sorry"
"ano ba kami pa nga dapat mag-sorry sayo dahil sa ginawa ni Eugene".
pagkatapos kong sabihin yon ay di na sya muling nagsalita.
Sabay kaming sumakay sa jeep at maya-maya lang ay pumara na sya.
"ohh bakit bumaba ka pa? hindi ba hindi naman ito yung village nyo?"
"dyan na rin kami nakatira last week lang"
"ah ganun ba? sa kabilang kanto lang yung bahay namin mauna na ako"
"ihahatid na kita hanggang sa inyo"
"hindi na ayos na ako dito, salamat"
"mag-ingat ka"
haha di nya ba alam na kami yung bagong lipat sa tapat ng bahay nila? di ba sya lumalabas ng bahay? haha.
Nhadine's POV
Matapos halikan ni Eugene ay nag-paalam nang umalis si Isabel. Hala nakalimutan nyang naiwan ako na bestfriend nya dito tsss.
"lagot ka Eugene nabadtrip sayo" pang-aasar ko kay Eugene. tarakya kasi ee dadamoves na lang bibiglain pa.
"yari ka talaga sakin angelito pag nabadtrip sakin yun"
"ee bakit kasi hindi na lang ako hinalikan mo? gusto mo rin no?" bigla namang namula si eugene
"h-hindi ah"
"ee bat nautal ka?"
"tama na nga yan magkaasaran pa kayong dalawa e" singit ni angel
"sa tingin ko oras na rin para umuwi na tayo gabi na oh" harry.
"sige harry tama yan salamat nga pala sa treat" tumango at ngumiti lang sya .
"let's go?" aya nya sa lahat.
"tara"
haaaaay solo flight ako ngayun :( badtrip kasing eugene to ee