19

34 1 0
                                    

Isabel's POV

Hindi na rin kami nagklase after ng orientation ang resume na ng class ay after lunch kaya mahaba-haba pa yung time para sa kwentuhan. Dumiretso kami sa canteen para sa early lunch.

"Ano balak mong kunin na course sa college?" Tanong sakin ni arvi.

"A--ahh b--baka magnursing ako o kaya mass communication?"

"Ganun ba?, magkaiba pala tayo Architecture kasi yung kukunin kong course sayang di tayo magiging magkaklase"

Parang may panghihinayang na sabi nya.

"A-ayos l-lang yun noh, kesa naman kumuha ka ng course na hindi mo gusto"

"Teka nga bakit nauutal ka? Naiilang ka ba sa'kin?"

"H-ha ahh eh"

Ewan ko kung bakit nagsstutter ako. Siguro ay dahil sa ang lapit nya sakin at di ako sanay.

"Hahaha naiilang ka sakin no?" Yumuko naman ako kaasar tong taong to. "Paano na yan pag tayo na?"

"Anong paano na?"

"Na maiilang ka pa rin"

"Tsk di lang ako sanay na masyado kang malapit"

"S-sorry"

"Ayos lang"

Maya-maya pa ay dumating na sila Jhelo na nakaorder na ng food.

"Oh ano yung bulaklak ang balak gawing lunch?" Natatawang tanong ni Jhelo

"Parang binantayan lang namin yung gamit nyo e"

Tumayo naman si Arvi at inaya na ko.

"Let's go?"

Sumunod na ako sa kanya.

"Anong gusto mo? Treat ko"

"Ano ka ba ako na baka sabihin nila kaya ako pumayag na ligawan mo dahil sa libre" natatawa kong sabi

"I insist" umiling ako at sinabing "next time promise"

"Haaaay stubborn"

"Hoyy anong stubborn ha? Hindi kaya hahaha"

"Ano ba!!maraming nakapila baka gusto nyong umorder na?"

0_0 biglang singit ng cashier

Umorder na kami at tatawa-tawang bumalik sa upuan namin.

"Guys, nakapagdecide na kayo ng course?"

biglang singit ni angel habang kumakain

"Ou noh magmamasscomm ako teh sayang naman tong pagputak ko rine oh"

Sabi ni jhelo

"Bro, diba archi kukunin mo?" Baling ni harry kay Arvi.

"Oo bakit? Wag mo sabihi---" at tinanguan naman sya ni Harry"nice nice"

"Ikaw dre tagal na nating magkaibigan di mo pa naikukwento kung anong balak mo ahh"

"H--ha ano yon?"

Lutang?

"Ayos ka lang ba? Ano kako kukunin mong course sa college?"

"Ahh BS Bio"

O_O

"Ohh?"

"Oh eh bakit parang nagulat ka? Wala ba sa mukha ko ang magdodoktor"

It Started with a JokeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon