Eugene's POV
Habang mababaw pa tong nararamdaman ko kay Isabel dapat tigilan ko na to. Kung gusto sya ni Arvi dapat suportahan ko na lang yung kaibigan ko.
"pre sabi ni coach practice daw mamaya"
-harry
"sige 'pre" tsaka kami naglakad papunta sa court ng school.
"sa tingin ko 'pre in-love talaga tong si Arvi kay Isabel" sabi nya habang nagdidribble ng bola. Habang ako naman ay nakupo sa may bench ng court
"pano mo nasabi?" patanong kong sagot habang papunta sa kanya at agawin ang bola. At ng naagaw ko ayun shinoot ko 3pts.
"kasi tingnan mo ha, iba yung arvi pag kausap si Isabel sa Arvi na kausap natin parang palaging may kislap sa mga mata nya"
sabay bato ko sa kanya ng bola
"tsaka maski si Isabel, pag si Arvi ang kumakausap sa kanya hindi nya to pinagssungitan hindi katulad sa'tin hahaha lalo na sayo"
ngayon naman inaagaw ko na sa kanya yung bola, pero di ko nakuha at nashoot nya.
"ano yung pinopoint-out mo?" sabi ko habang naglalakad kami pabalik sa bench para mag water break.
"oh", sabay hagis ko ng mineral
"na posibleng pati si Isabel ay gusto rin si Arvi"
"siguro" sabay inom ko ng tubig. Nanatili lang kaming nakupo habang masinsinan na naguusap
"haha paano yan pre kapag niligawan na ni Arvi si Isabel aasarin mo pa ba sya?"
"hindi na siguro, baka magpang-abot kami Arvi kapag ginawa ko yun"
"sabagay, kasi naman bakit ba palagi mo na lang inaasar yung tao?"
"nakakatuwa kasi pikon eh"
sabi ko kay harry ng may ngiti sa labi, ewan ko ba natutuwa lang ako.
"haha, pre bakit nangingiti ka dyan, alam mo pre di ako magtataka kung pati ikaw mahulog na rin sa kanya"
(yun na nga pre nainlove na eh) sabi ko sa sarili ko. Wala naman kasi talagang nakakaalam na may feelings na ko sa kanya. Sarili ko lang ang tanging may alam, tsaka yung andun sa taas(God).
"iyon pa? 'di ako magkakagusto dun"
saliwa kong sinabi sa nararamdaman ko.
"alam mo jan bumibigay yung ibang lalaki, na akala nila hindi sila mahuhulog sa mga ginagawa nilang pang-aasar sa mga babae, pero ang hindi nila alam ay sila ang kusang gumawa ng patibong para mahulog sila"
nailing na lang ako sa haba ng sinabi nya
"wag ka sanang maging bitag sa patibong na pilit mong pinapatibay"
tsaka sya umalis dala yung gamit nya. Maliligo na siguro, may klase pa kasi kami 2hrs lang yung excuse namin.
kung alam ko lang na ganito ang kahihinatnan, kung alam ko lang na maiinlove ako sa taong gusto ng kaibigan. Pero ganon daw talaga eh, di mo mapipigilan ang bugso ng damdamin.Nagkataon lang parehas kaming nagkagusto, nagparaya nga lang ako ng di nila alam. ang bakla naman ng dating.
Parang nalilito tuloy ako ngayon lalo na't madalas na kami-kaming nagkakasama. Tinuturing ko naman silang kaibigan kahit na di nila dama lalo na sya. Dahil ngayon lang naman may naglakas ng loob na may mag-offer sa'ming tatlo ng friendship. Kaya't malaki ang pagpapahalaga ko dito.