21

12 0 0
                                    

Eugene's POV

Kausap ko ngayon si Angel. Hindi ko alam kung bakit naging panatag akong magkwento sa kanya. Ang tangi ko lang alam ay sya lang ang nakakaintindi sa'kin ngayon.

"Sinabi ko sa kanya kanina" naramdaman kong lumingon sya sa'kin "pero..... Binawi ko rin"

"Duwag ka kung ganon"

"Anong magagawa ko hindi ko rin naman alam kung paano nya ako paniniwalaan"

"Tss. Sinimulan mo muna kasi mangbuska"

"Ewan ko. Pagdating sa kanya ay naduduwag ako" tumawa ako bahagya. "Maglalaho rin naman siguro tong nararamdaman ko para sa kanya. Isa pa, parang nagkakamabutihan na rin sila ni Arvi. Parang sila na nga eh"

"Ikaw ang bahala. Nasasayo naman 'yan eh. Ikaw naman ang nasasaktan ng palihim diba?"

Tama sya. Dahil yung taong gusto ko may gusto namang iba.

Isabel's POV

"Bhest, kelan mo sasagutin si Arvi? Sana naman bago ako umalis eh maging kayo na"

Nginitian ko sya. "Malapit na"

"Omg!!! talaga? Kelan? Kelan?"

"Sooner"

"Pabitin ka talaga. Omg!!! Excited na ako sa endearment nyo. Honey, bhe, sweetiepie, baby, love mamili ka na dun bhest" natatawa naman ako sa kanya at mukhang sya pa excited.

Hindi ko talaga inakala na magkakagusto sa akin si Arvi. Hindi ko alam pero may gut-feeling ako na hindi ko masusuklian yung effort na pinapakita nya. Isa pa mas kaibigan nya si Eugene kaysa sa akin. Baka nadala lang sya ng awa dahil sa pambubully sakin ni Eugene though asaran lang naman yung nangyayari sa pagitan namin. Pero dahil sa effort at determination nya ay mas gumaan yung loob ko sa kanya. Ayaw kong piliting magkaroon ng feelings for him. Gusto kong magkusa. And sa tingin ko this is the right time.

Naging busy ako dahil sa nalalapit na performance namin. Naging mas matagal ang practice namin tuwing weekdays dahil dinederetso namin after ng class. Pag Saturday naman ay hindi nakakapunta yung iba dahil may lakad daw sila ng family nila.

Second week na ng practice namin. Second time na rin na makapunta ako kila Eugene.

Naka-upo ako sa may sala nila ng may lumapit sa akin na isang babae. Ang ganda nya pero chubby ng kaunti na mas lalong nagpaganda sa kanya.

"Isabel?" ha? kilala nya ko?

"K-kilala nyo po ako?"

"Oo naman nakita na kita sa facebook ni Eu----- ATE!!!"

"Ano ba Eugene, makasigaw ka naman" tsaka sya binatukan. Hahaha

"Kapatid ka ni Ateng maganda?" tanong ko sa kanya.

"May maganda bang chubby?" loko to maski ate nya binubully

"Hey" binatukan na naman sya. Wala silang balak mag-away sa gitna ko. As in wala talaga.

"Ano ba!!! Kanina ka pa ha" tsaka sya inambaan...

"Hoy Eugene, hindi ko pa rin nakakalimutan yung secret mo three years ago" tas bumaling sya sa'kin "do you wanna know a secret sweetie?" ako naman ay taka paring nakatingin sa kanya. "My brother has a crush on yo--"

"Isabel I would like you to meet my sister Eunice" pakilala nya sa Ate nya. Bumeso beso naman sa akin si Ate ganda. "Ate she's Isabel"

"I already know her" ha? Kelan.

"Ahm excuse me po" bilang pasok ni Rach "guys start na tayo"

"Ate please wag kana sumunod sa music room please" yon lang ang sinabi nya at tumuloy na kami sa music room at nagpractice.

"Guys, I want you to master the first song na napili natin. You know what I mean"

"Isabel, know the note kung saan ka papasok"

"Danica, aralin mo pa yung keys"

"Eugene konti na lang kaya yan"

"And the other two. You guys did great just continue what your doing" si Rachel na yung tumayong coach namin dahil sa simula pa lang ay sya na talaga yung nag-buo ng band. Ang sabi nya ay yun lang daw ang maitutulong nya since wala syang talent sa pagkanta. Pero alam nya yung mga kailangan pa naming iimprove. And that's how great she is.

"Okay start na... Guys make the student impress on your performance okay? Isipin nyo palagi na this is it! ito na to so give your best... Okay on cue. One.. Two... One... Two... Three..."

Nagstart nang mag-strum ng guitar si Eugene habang ako naman ay nakatingin sa kanya para malaman kung kelan ako papasok. Naging maganda yung flow ng practice. Kahit na minsan kaming nagkakamali. Naiayos naman agad yung mga flaws namin.

"That's it for today.. Yung second song naman next week na guys. Have a nice weekend"

Paalam ni Rachel tsaka sya umalis kasama yung dalawa pa sa bandmates namin.

"Isabel, sabay ka na sa'min palabas" aya sa'kin ni Justine

"Ahh si--"

"Ako na lang maghahatid sayo, baka sabihin ni Arvi pinabayaan kitang maka-uwi mag-isa."

Pumayag na ako sya yung maghatid sa'kin pauwi.

"Sino yung crush mo na sinasabi ng Ate mo?"

"Bakit ka interasado?" nanunuksong sabi nya

"Wala lang, baka kasi maturn-off lang sya pag nalaman nyang may gusto ka sa kanya"

"Sinabi ko na"

"And?"

"I told her na joke lang yung pag-amin ko"

"Ang torpe mo. Dinaan mo sa joke? Hahahaha grabe ka alam mo imbes na kiligin yun dahil may nagconfess sa kanya maiinis pa yun"

"Exactly! That is what she did.." sumeryosong sabi nya.

"Eh bakit kasi hindi mo diniretso.... Talagang maiinsulto yun ano ba!!" hinampas ko nga. "Pinag-assume mo yung babae tapos hindi naman pala totoo" nagulat sya sa sunod-sunod na dada ko.

"Bakit ba apektado ka eh hindi naman ikaw yung sinabihan ko" inis na sabi nya.

"Kasi alam ko yung mararamdaman nya grabe ka talaga. Ang bully mo" kahit kelan talaga yung lalaki na yun oo.

"Hoy!!! Hintayin mo ako ano ba"

"Che... Umuwi ka na at iuntog mo yung ulo mo sa pader nakakainis ka"

"Hahaha... Tara na"hinawakan nya yung kamay ko at hinila iyon palabas ng village nila. Agad kaming nakapara ng jeep at nakarating sa village namin nila Arvi. Hindi na kami nagkibuan ng makarating sa bahay. Nagpaalamanan lang kami sya naman ay dumiretso kila Arvi at magbabasketball daw sila.

It Started with a JokeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon