Isabel's POV
"bhest may gusto ba sayo si Arvi?, tsaka pansin mo 'di ka na gaanong inaasar ni Eugene?" tanong sa'kin ni nhadine. Napansin ko rin yun ee bakit kaya bigla syang di namamansin.
"hayaan mo sya mabuti nga yon ehh"
bigla naman nanlaki yung mata ni bhest .
"alin yung hayaan bhest, yung magkagusto si Arvi sayo? ayieeee"
nasamid naman daw ako sa sinabi nya.
"timang malamang yung di pagpansin ni Eugene, nakakapanibago pero hayaan mo na."
"uyyy namimiss"
"che haha"
"mamaya nga pala daan tayo sa gift shop, bukas na yung birthday oh"
"Sige"
Eugene's POV
"happy birthday 'dre"
bati ko kay Arvi sabay abot ng regalo
"thanks bro! the plan is all set"
"were on your back man, kaming lima"
"pano nyo nga pala naka-usap yung tatlo ng hindi 'nya' alam?"
"ganito kasi 'yan"
----Flashback-------
"bro, ako bahala kay Isabel kausapin mo yung tatlo ha" sabi ni harry.Mabigat man sa kalooban ko na ako pa talaga ang magiging tulay nila ay gagawin ko. Gaya nga ng sabi ko ayokong maging hadlang sa kanilang dalawa. 'tutal wala namang posibilidad na magustuhan nya 'ko' tssss sa inis nyang sakin na 'yon. Ano ba kasing naisip ko't pinagtripan ko pa sya."Eugene, ano yung pag-uusapan natin bakit 'di kasali si bhessy?"
"Ganito kasi 'yan, siguro naman napapansin nyo na iba na yung pagtingin ni Arvi kay Isabel?"
"oh my God, sabi na nga ba eh" pagrereact naman ni Nhadine.
"bhe , patapusin mo muna si Eugene" tas tumingin sa 'kin si Angel "tuloy"
"'yun na nga, bukas kasi nya balak tanungin si I-isabel kung pwede nyang ligawan"