Courting

12 1 0
                                    

Isabel's POV

Nagpaalam ako na magc-cr muna ako. Abala rin naman sila sa pagkukwentuhan. Si jhelo nga ay kinukulit si Arvi na ipakilala sya sa mga pinsan nya.

Haaay bakit kaya ang daming gwapong bakla. Kung tutuusin kung magpapakalalaki sya ay mapapabilang sya sa mga tinitilian sa school. Pero baliktad eh. Sya ang tumitili sa mga lalaki. Haaaaay.

Maya-maya lang ay nakasalubong ko si tito Andie na ang daming bitbit na pagkain.

"Tito tulungan ko na po kayo"

pag-aalok ko ng tulong.

"Salamat hija, dadalin ko 'to duon sa mga kumpadre ko"

"Sige po tulungan ko na kayo"

Kinuha ko yung hawak nyang baso at ice bucket. Masyado naman atang maaga para sa inuman ahh. Sabagay wala naman atang oras ang pag-lalasing.

"Salamat hija, sige na baka hinihintay ka na nila Arvi"

"Sige po tito"

Pagbalik ko sa garden kung nasaan ang mga kaibigan ko ay nakita kong walang katao-tao.

'asan yung mga yun?'

Ano ba 'yan di man lang nagpaalam. Kinuha ko yung cellphone at kinontak sila. Walang ibig sumagot.

'siomai naman oh asan yung mga yun?'

Tiningnan ko rin yung mga gamit nila kung andun pa. Wala na rin. Buti pa eh umuwi na lang ako. Nakakatampo sila di man lang nagpaalam tsk.

Nung nasa may gate nako ay nakasalubong ko si tita liezel.

"Tita, uuwi na po ako. Hindi ko po kasi alam kung nasaan yung mga kaibigan ko" malungkot kong sabi sa kanya.

"Ganon ba hija, ang mommy at kapatid mo tumuloy na sa mall sabi ay sabihin ko na lang daw sayo"

"Salamat po tita. Sige po alis na po ako"

"Ganon ba?, ayy maalala ko lang sabi nga pala ni Arvi ay dumiretso ka sa clubhouse. Muntik ko nang makalimutan"

"Alin po? Yung sa malapit po? O yung sa phase 5"

"Siguro ay dyan lang sa malapit, sige na hija siguro ay hinihintay ka na nila doon"

Nila? Ibig sabihin ay lahat sila andon?

Saglitan ko lang nalakad yung clubhouse dahil malapit lang samin. Pero...... pinaglololoko ba nila ko? Eh wala naman tao dito sa clubhouse eh. Ang nakita ko lang ay isang round table na may takip na white table cloth.

Lumapit ako sa place at dinaial ang no. ni bhessy pero walang sumasagot ring lang ng ring.

Hi!
girl you just caught my eyes. Thought I should give it a try to get your name and your number

O_O bigla na lang lumabas si Arvi at kumanta. Sya lang mag-isa

Go grab some lunch and eat some cucumber,so why? Did I say that I dont know why? But shes smiling and its something alike on your face

yeah it suits you.. Girl we connect like we have bluetooth

palapit na sya ng palapit sakin habang ako naman ay natuod na sa kinatatayuan ko.

I dont know why I'm drawn to you
baby your the one so we'd equal two
and this all based on the lucky chance that you would rather add than subtract

It Started with a JokeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon