Chapter 18

52 4 0
                                    


GYU'S POV

Hindi ko inasahan ang sumunod na nangyari, pinatid niya ako ng akmang lilisan na ako. Malakas at napaka sakit ng bagsak ko. Pakiramdam ko ay nagkaroon ako ng gasgas sa maganda kong balat na iniingatan ko. Buti nalang talaga at class-hour kaya naman walang nakakita ng pagkapahiya ko.

Pakiramdam ko kahit anong oras mag susuper sayan ako sa sobrang gigil.

Tumayo ako kaagad at hinarap ko siya na ngayo'y nakangisi siya katulad ng pag-ngisi ko sakaniya kanina. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng galit, tumayo ako at hinarap ko siya.

Alam mo? Tatantanan na sana kita eh, kaso mukhang ayaw mo talaga mag patalo? Tch.

Dali-daling kong hinawakan ang kwelyong parte ng PE uniform namin. Kahit walang kwelyo.
Nang-gigigil ako sakaniya ng hindi ko alam. Hindi ko alam kung anong lakas ng loob meron siya para gantihan ako.

Tinignan ko ang walang emosyon nitong mga mata ...

"What's your problem!?" Nang-gigigil kong ani.

"Ikaw." Walang kurapang aniya.

"What!? Hindi ba sa'ting dalawa nauna ka?" Hindi ko parin siya binibitawam.

Hanggang sa dumami ang mga nakakakita sa amin, at walang sino man ang nag-balak na maki-alam. Tulad ng iba takot din sila sa akin.

Kabalidtaran naman ng babaeng 'to. Tsk walang kwenta.

"Pero hindi ko sinasadiya 'yon." Cold niyang tugon.

"Hindi sinasadya?" Hindi makapaniwalang tanong ko. "Kalokohan." Singhal ko.

"Tinapunan mo naman na ako ng juice, kaya wala na dapat ikainit iyang butchi mo." Maangas niyang sabi.

"Sinasadya mo 'yon!"

"No."

"Sinasadiya!"

"I said no."

"Sinasadiya mo iy-"

"You really are stupid, tch" singhal niya. "And you're not even aware of that." Nag uumpisa na siyang mainis.

"What!?" Asik ko.

"See? Stupid. Why don't you think first?" Wala paring emosyon nitong ani."Bakit hindi mo sabihin sa maliit mong utak, that i don't have a reasons to do that, even a single reason." Seryosong aniya.

Natulala naman ako ng bahagya pero hindi ako nag pahalata na tama siya. Tsk. Ako nanaman lugi. Lagi niya nalang akong napapahiya. 'Wag kang papatalo this time gyu, nakakalalaki na siya. Wala ka paring puntos.

"Iyong mga pagsalo-salo mo at mga pagpadyak-padyak mo, paano mo nagagawa iyon?" Pag-iiba ko ng usapan. Kating kati na ako malaman kung ganon kaba talaga kagaling para magawa mo ang mga 'yon. Lumipas ang ilang segundo ng hindi niya ako sagutin.

"Sasagutin mo ako o hindi!?" Nag-titimping sigaw ko sakaniya ng wala man lang siyang balak na magsalita.

Tsk, mapahiya man lang kita ngayon.

"Masiyado kanamang nag mamadali." Nag salubong ang kilay ko animong naguguluhan. Ang seryoso niyang mukha ay napalitan ng ngisi, pero hindi umabot sa mata. "Hindi ka panga nan-liligaw eh?" Inosenteng aniya. Mabilis niyang napalitan ang reaction ng mukha niya. Ganon nalang ang gulat ko sa sinabi ng nerd na 'to. Kaya nabitawan ko siya.

"Omg did you hear that!?"

"Huhuhu, this is not true!"

"My heart gyu."

An Immortal in DisguiseWhere stories live. Discover now