Chapter 39

47 4 0
                                    


ZAY'S POV.

"How is it?" Tanong ko kay yo-en ng makalabas ako ng rest room ng department nila. Pinasuot niya kasi sa akin ang long sleeve shirt nila dito sa food house, color blue ito at may naka sulat na food house sa likod ng damit.

"Wow." Sagot niya lang habang nakatingin sa akin.

"Is it okay kung mag jogging pants nalang ako?"

"Nah." Iling niya. Saka siya may inabot na paper ba sa 'kin. "Try this." Panunulak niya sa akin sa rest room. Tinanggal ko na lahat ng disguises ko dahil 'yon ang usapan namin ni yo-en.

Pag ka bukas ko ng paper bag ay cargo pants na kulay itim ang laman nito, akala ko noong una ay pag susuotin niya ako ng palda katulad ng sa cashier department nila.

Hmm, may pagka conservative naman si yo-en.

Sinuot ko 'yon at lumabas ng rest room, naka pony tail na ang mahaba at kulay dilaw kong buhok, nag powder narin ako sa mukha, iyon lang ang inilagay ko sa mukha ko.

"Wow, I really miss your face, everything about you, and i mean it." Nakapamulsa niyang sabi. "Ganiyan na ganiyan din ang itsura mo noon, walang nag bago, siguro ang kulay lang ng buhok mo, dati kasi ay walang halong itim ang buhok mo, ngayon ay kalating itim na." He reminisced.

"Tch, kaya ba nag pa kulay karin ng buhok?" I asked.

"Haha yeah." Namumulang sabi niya.

"Tch, let's go." Sinuot ko ang face mask ko at ng akmang lalabas na ako ay hinila ako pabalik ni yo-en.

"Wear this." Saka niya isinuot sa 'kin ang isang puting cap. Sinuot niya rin ang puting cap niya at hinila na ako palabas.

Pinag titinginan kami ng mga delivery men pero wala na 'yon sa 'min ni yo-en at nag tuloy tuloy lang sa food department.

Nang maibigay na sa 'min ang naka food bag na stake at address ay dalidali na kaming pumunta sa parking lot.

"Anong address ng sa'yo?" He asked.

"002 Felicidad Village, near Millan Building Enterprise."

"Tch, mag kaibang way tayo, kaya magkita nalang tayo dito sa parking lot." Tumango ako ay ini-start na ang engine ko.

Anong kina badtrip niya doon?

Wala akong nagawa kung hindi sundan ang GPS map na inilagay nila sa motor ko, lumipas ang bente minutos ng makita ko ang
Millan Building, kaagad akong nag tanong tanong hanggang sa mapadpad ako sa village, kung titignan ay malalaki ang mga bahay na 'to tanging mga mayayaman na tao lang ang mga nakatira dito, pero iba ang pakiramdam ko sa lugar na 'to, hindi pangkaraniwan, napangisi ako sa isipin na may ideyang namumuo sa utak ko.

Nagtuloy tuloy ako at hinanap ang 002, hindi naman ako nahirapan dahil nakita ko kaagad, isa ito sa pinaka malaking bahay sa village na 'to.

Nakasuot parin ang mask at cap ko, hindi ko rin inalis ang contact lenses ko dahil hindi pangkaraniwan ang mga mata ko.

Nag doorbell ako, at may lumabas na isang guard.

"Delivery po, for Ms. Yna Millan." Sabi ko.

"Pasok ho sila." Ngiti ng guard.
Pinagbuksan niya ako ng gate at idinala sa tapat ng malaking pintuan ng mansyon.

An Immortal in DisguiseWhere stories live. Discover now