Chapter 51

43 4 5
                                    


BASILAH'S POV.

"Silah! Paabot naman nong gunting!" Pasuyo sa akin ni lauren habang ginugupit ang mga dekorasyon.

Nandito kami ngayon sa house dorm at nag hahanda ng magiging celebration namin, napag desisyunan kasi namin na mag pu-pool party nalang kaming mag kakaibigan kasama ang volleyball team,yo-en at ang grupo ni weive at gyu.

"Wala pa ba sina weive at ang grupo niya?" Salubong na kilay na wika ni yo-en. "Tayo tayo lang ang mag de dekor? tch."

"'Wag ka ng mag salita rascal! Hintayin mo nalang." Inis namang tugon ni gyu.

Kanina pa hindi mag kasundo ang dalawang 'to simula ng makita namin sina zay at gyu sa cafeteria. Nag taka ako kung bakit sila mag kasama pero nasabi lang ni gyu na nakita niya lang si zay sa cafeteria at sinamahan.

Ba't may naaamoy akong pag-ibig ha? gyu?                                                                                                  

Speaking of pag-ibig, nasaan naba si daniel? What!?

Hinanap ng paningin ko si daniel, Hanggang sa matagpuan ko siya sa pool na may inilalagay na lights and decor.

"'Wag titigan baka matunaw." Rinig kong boses ni zay kung saan. Dali dali ko siyang hinarapan at ayon siya nag aayos ng mga kakainin.

Siya mismo nagsabi na sa pag kain siya i toka. 

"Zay." Mahinang tawag ko."Bakit ang takaw mo?" Pang aasar ko, tinignan niya ako ng walang buhay at para bang sinasabing walang sense ang tinatanong ko. "Hehe. suot mo 'yong see through dress at swimsuit na ibinili namin ha?"

"No." Walang ganang wika niya.

"Dali na, birthday ko naman na bukas."

"Uyyy, Nag paparinig!" Sabat ni aiko kung saan.

"Shut up haponesa!" Masamang tingin ko sakaniya.

"Zay, para match tayong lahat, color white nga lang sa 'yo ang akin naman yellow, kay aiko, blue, kay alee, pink, kay lauren, red."

"No." Tugon niya habang nasa pag kain parin ang paningin.

"Huhuhuhu, You're so mean!" Kunwaring iyak ko na may kasamang pag papa cute. Natigil ako sa pag aakting ng marinig kong nagsalita si yo-en.

"Bakit may shiwawa dito, zay?" Pang aasar niya at binawasan pa ang ubas na naka lagay sa lamesa. Tinapik naman kaagad ni zay ang kamay ni yo-en.

Isa rin 'to sa mga katanungan ko. Sino ka yo-en? at bakit ganoon nalang ang proteksyon at pag mamahal mo kay zay? Bakit bigla ka nalang sumulpot kung saan at tinawag na george si zay? Marami akong katanungan sa kanilang dalawa na sinawalang bahala ko at nag panggap na walang namumutawing katanungan sa isip ko. Pero ang totoo, gusto ko na talagang tanungin si zay. Sino kaba zay? hindi ako tanga para hindi malamang nag sisinungaling si mommy na pinsan kita. Gusto ko na talagang malaman ...

Nagising ako sa reyalidad ng may isang kupal na nagpasok ng kung anong bagay sa bunganga ko. Nakita ko naman ang tawang tawa na si yo-en at gyu.

"Mga kupal kayooooo!" Inis kong tugon. Tinignan ko naman si zay na ngayon ay nag pipigil tawa na rin.

"Alam kong gwapo ako, silah, pero si zay talaga ang laman ng puso't isipan ko." Pang aasar ni yo-en habang nag aakting na para bang binabasted niya ako.

"Hey, that's my line!" Ungot sakaniya ni gyu, na kalaunan ay napatigil ng maisip niyang mali pala ang pag kakasabi niya.

Hmmm, Nadudulas kana gyu.

An Immortal in DisguiseWhere stories live. Discover now