Chapter 10

74 15 1
                                    


ZAY'S POV

Pagkamulat ko ng mga mata ko ay sumalubong sa akin ang matatalim na kilay ni basilah. Nakita ko rin sa likod niya si aiko.

"Anong nangyari sa 'yo?" Dali-dali nilang tanong.

"Wala, nadapa."

"Tsk, nadapa? Sino niloko mo? Bata? Halos hindi kana magising tapos sasabihin mo nadapa? Kapag hindi mo sinabi sa amin ang nangyari, tutuluyan nakitang hindi gigisingin." Pagtatalak niya nanaman.

"Tsk, not today."

"Padating na si mom."

"W-What? Anong gagawin niya dito?"

"Matalino kaba talaga? Malamang pupuntahan ka!"
Kaagad naman siyang binawalan ng nurse dahil sa sobrang ingay niya. "Sabi mo sa'min ni aiko, susunod ka sa room, bakit biglang dito kanamin naabutan? Ha? Tell us zay." Mahinang ani niya.

Nagbuntong hininga naman ako at sinubukang tumayo, pero ramdam ko parin ang kirot ng mga sugat ko. "I really don't know them, They just suddenly attacked me."
Hindi na ako nagbalak pang umupo.

Nakarinig naman ako ng boses galing sa kabilang kurtina. "Oh gising kana pala?" Sabi ng doktor ng lapitan ako nito.
"Hindi ba't sinabi ko sainyo na tawagin ako kapag nagising siya?" Nakatinging ani ng doctor kila silah.

"Hehe, Sorry, Sir Hwang."

"It's okay."

Kaagad naman itong lumingon sa akin. "How are you feeling?" He asked.

"I'm fine, doc. Thank you."

"That's good then, naglagay narin kami ng treatment sa mga sugat mo. Kailangan mo  nalang magpahinga." Paalala nito. Tumango naman ako. "Ipapatawag kayo ni Mr. Millan bukas sa dean's office." Pagkasabi niya non at bumalik na siya sa mesa niya.

Millan? Wait ...

"Ano nga ba talagang nangyari sa'yo zay?" Mahinhin na tanong ni aiko. "Nag-aalala kami sa'yo kanina, at hindi alam ni basilah kung anong gagawin niya."

Tinignan ko naman si basilah na ngayon ay nasa tabi ng pintuan habang may kausap sa cellphone niya. Hanggang ngayon ay namamaga ang mga mata niya na animo'y umiyak ng umiyak. Nakita ko  namang tumingin siya sa kinaroroonan ko at ngumiti.

"May nagpabugbog sa'kin."
Kalmado kong wika kay aiko. Kita ko naman ang paglaki ng mga singkitin niyang mata.

"W-Why? W-Wala kanamang ka-away sa school h-hindi ba?" Utal utal nitong tugon.
Hinawakan ko naman ang kamay niya na ngayo'y hindi mapakali. "K-Kasalanan ko 'to, baka nagalit si keres sainyo dahil pinag tanggol niyo ako."

"Don't say that, don't blame yourself." Nginitian ko siya. "Hindi naman ikaw ang nagbugbog sa akin, kaya wala kang kasalanan."

"P-pero per-" I cut her sentence.

"Just don't blame yourself, wala kang kasalanan, okay?" Then she nodded.

"Tama si zay, Wala kang kasalanan aiko. Sadiyang mukhang punching bag lang talaga 'tong si zay." Pang-aasar ni basilah ng makalapit siya.

An Immortal in DisguiseWhere stories live. Discover now