Chapter 31

43 4 0
                                    


GYU'S POV.

"Anong mukha 'yan? Hahaha." Tanong ni hiro. Tumawa naman ang mga kaibigan ko.

Nasa kalagitnaan kami ngayon ng lunch at walang humpay ang tawanan nila.

"First time ni BG ang mag kamay!" Banat naman ni axel.

"Talaga?" Sabat naman ni aiko.

"Rich kid kase ang lolo niyo!" Si daldalita.

"A-Anong! Nakapag kamay na a-ako n-noon!" Hindi siguradong sagot ko.

"Talaga ba? Bakit hindi kaparin kumakain?" Pambabara ni daldalita.

"D-Dahil dahil ... " nag iisip naman ako ng idadahilan.

"Dahil baka hinihintay niyang subuan siya ni zay! Hahahaha." Pag tutuloy ni axel.

"A-Anong!" Ungot ko.

"Hahaha, nako! Imposible iyon!" Si aiko.

"Bakit?" Tanong ni dan.

"Basta!" Sabay sabay na sabi ng mga babae pwera kay lauren. "Hahahaha." Saka sila natawa.

"Oh zay? Tapos kana?" Tanong ni thin radish kay nerd. Tumango naman siya. Tinignan ko naman ang plato niya at nagulat ako na wala ng laman iyon.

"Balik na ako sa dorm." Tumalikod siya "Eat well Mr. Mushroom head." Ngumisi siya sa akin at tuluyan ng pumasok sa section nila.

Akala niya ba nakakatuwa siya!? Nakakainis ang pag mumukha niya!

"Tsk!" Singhal ko.

"Turuan kita bry." Lumapit sa akin si lauren at ipinakita ang tamang pag kamay ng kanin.

Ginaya ko naman siya pero hindi ko parin makuha, nasasayang lang ang ilang butil ng kanin.

"Tch! Ayoko na!!" Hinugasan ko ang kamay ko at kumuha ng kutsara. Natawa nalang sila sa akin at nag patuloy na sa pag kain.

Nang matapos kaming kumain at nag kaniya kaniya muna kami, ang mga babae ay bumalik sa dorm nila para makapag shower at makapag palit, ganoon din sina axel. Naiwan nalang sa pool area ay ako at si terry dahil kaming dalawa lang ang hindi nabasa pwera kay nerd.

Lumipas ang isang oras ng nag silabasan sila, nakapang summer outfit lahat sila.

"Girls! Tulungan niyo kaming mag lagay ng disco lights!" Yaya ni daniel kina lauren.

"Sige!" Tugon nila.

"Ako na mag seset ng mga pagkain mamayang dinner!" Volunteer ni axel. "Kaming dalawa ni alee." Saka niya hinila si thin radish sa food area.

"I'll set the music." Si kang terry habang nasa harap niya ang laptop niya.

"Kami na sa mga cocktails!" Suhestiyon ni aiko at isinama si daldalita.

Pinaikot ko ang paningin ko at ang lahat ay may ginagawa, napansin kong wala si nerd dito.  Teka! Bakit ko naman siya hahanapin! Noong una ay hindi lahat kami mag kasundo, pero lumipas lang ang dalawang linggo at nawala ang alitan.

Naisip ko na wala naman siguro g masama kung maging malapit kami sakanila.

"Bakit palagi nalang malalim iniisip mo?" Rinig kong tinig ni lauren mula sa likuran ko. Nasa side pool kase ako at naka babad ang dalawang paa ko.

Umupo siya sa tabi ko at binabad rin ang mga paa niya. "Naisip ko lang si mom." Pag sisinungaling ko.

"Ahhh, how is she?" Tanong niya.

An Immortal in DisguiseWhere stories live. Discover now