Chapter 16

58 7 0
                                    


DANIEL'S POV

"Hindi rin tatagal, malalaman rin 'yon ni BG."
Si axel ng maka-alis sa paningin namin si BG.

"Not a bigdeal, for me." Naka-pandekwatrong ani terry.

"Sabagay, malalaman niya rin 'yon."

Pagkatapos ng ilang taon ay nakabalik na rin sa wakas si Gyu galing rest room. Sa arte niya daig niya pa ang babae sa sobrang tagal mag CR. Nakapagpalit narin siya ng uniform niya at seryosong naka tingin sa amin ngayon. Pina-alis narin namin ang mga gwardiya na tumulong sa aming mapa-alis ang mga nag-iingayang fan-girls. Noong una ay humingi sila ng patawad dahil hindi nila namalayan ang pag pasok ng mga outsiders, pero wala na 'yon sa 'min.

"What took you so long?" Pang-bungad na tanong ni terry kay BG. Pero hindi na siya pinansin ni BG at nag tuloy tuloy ng pumunta sa room namin.

"Nabad-trip 'yon for sure, hayaan namuna natin siya." Si axel.

"Yeah, baka may nangyari pang iba bukod doon sa mga nag iingayang babae. Haha." Sabat ko.

Napansin ko kasing iba ang pagiging bad mood ni BG ngayon dahil hindi ganiyang ang pagiging bad mood niya kung dahil lang sa mga fan girls niya.

Tsk, mukhang alam ko na kung bakit.

Sa aming lahat si BG ang pinaka sikat, pinaka maraming fans at sabi nila pinaka gwapo. Kaya nga lumaki ng ganiyan ang ulo niya dahil sa libo-libong compliments na nakukuha niya mula sa mga tao araw-araw at Halos na sakaniya na ang lahat, kayamanan, kagwapuhan, talento, at katalinuhan. Pati kayabangan, pagiging bully at mainitin ang ulo nakuha niya narin. Ayaw niya sa lahat ay ang nalalagpasan o nahihigitan siya, na-aapakan daw ang ego niya lalo na kung hindi niya kakilala o kaibigan. Siya rin ang pinaka spoiled brat sa aming lima.

Tsk, masiyado siyang spoiled because of his parents.

Sa aming lima, pinaka close talaga ay si terry at BG. Sumunod lang ako at 'yong dalawa. Kilala ko si terry kaya naman nakilala ko rin si BG noon. Fifteen year old ako ng makilala ko si BG at eight year old naman ako ng maging kaibigan ko si terry.

"Oy, daniel! Nakikinig kaba?"
Rinig kong sabi ni axel malapit sa tenga ko. Napa ngiwi naman ako dahil doon.

"Pwede ba 'wag ka masiyadong lumapit sa 'kin? Bading." Tinulak ko naman siya ng bahagya.

"Yaaaaay! Ikaw ang bading, nahahawa ka na kay gyu. Hahaha."

"Ano ba kaseng sinasabi niyo?" Asik ko.

"Wala na tol, inlove na 'to." Pagpapatukoy nito sa akin. "Kanina pa kami nag uusap dito, hindi ka man lang nag reacts."

Ano nanamang reacts axel? Tsk.

"Tsk, anong reacts?" Angil ko.

"Yaaaay! Reactions lang hindi mo alam? In love nga 'to mga tol hahahaha." Turo nito sa akin. Hinampas ko naman ang kamay niya.

"Hindi lang ako naka sabay sa usapan, in love agad? Adik." Asik ko. "Tara na nga, baka matulak kita sa building." Nagtawanan lang sila at tumungo nakami sa class room.

Pag-kabalik namin ng room ay siya namang gulat namin ng walang tao sa room maliban kay BG na nag lalaro sa cellphone habang naka patong ang dalawang paa sa mesa ng guro. Napunta ang gawi niya sa amin ng maramdaman niya ang presence namin. Dali-dali kaming pumasok at tumabi sa upuan niya.

"Nasa'n ang mga tao?" Unang nagsalita si axel.

"Kaya nga eh, pati sa kabilang room wala." Sagot sakaniya ni hiro.

An Immortal in DisguiseWhere stories live. Discover now