Chapter 60

62 2 0
                                    


ZAYN'S POV.

"Sigurado ka na ba talagang babalik kana?" Tanong sa akin ni Tita frey, Ang tanong niyang ito ay tungkol sa pag balik ko ng heaven realm kung saan talaga ako naroroon, bukas na ang kaarawan ni silah at hindi namin alam kung paano namin ipapaalam sakaniya ang pag lisan ko.

"Hindi ko alam." Saka ako umupo naupo sa tabing upuan, nandito kami ngayon sa bahay nila silah at nasa sala kami ni tita frey, kami lang ang natira ngayon dito dahil wala ang asawa niya dahil sa preparasyon, wala rin si silah dahil nasa dorm house siya, umuwi ako dito upang makausap si tita frey.

"Hayaan mo nakaming dalawa ni raf ang magsabi kay silah."

"Salamat. By the way, nasabi mo naba sakaniya ang totoo? kung sino ka o ano ka?" Tanong ko, naging seryoso naman ang itsura niya.

"Hindi pa, natatakot akong malaman niyang hindi ako tao." Malungkot niyang tugon.

"Tao kana Frey o mas kilala bilang Guardian Mistress ng heaven realm. Ang pinaka masungit na guardian ng heaven academy haha, matagal ka ng naging tao at tanggap namin iyon. Namimiss ko na nga makita ang mga pakpak mo eh haha." Pang aasar ko.

"Hey, hindi porke mas matanda ka sa 'kin ay -"

"Ano?" Pang aasar kong hamon. "Kahit mas matanda ako sa 'yo ay hindi parin mawawala ang pag galang ko sa 'yo, alam mo 'yan haha."

"Kaya pala madalas kang mapatawag sa penalty room dahil sa tigas ng ulo mo, at ang dami dami ming punishment records." Taas kilay niyang wika, natawa naman ako dahil tama ang sinabi niya.

"Hindi ko alam bakit, pero habang tumatagal ang buhay ko ay parang gusto kong gawin ang mga bagay na nag papasaya sa akin, dahil buong buhay ko ay ginagawa ko lamang ang mga obligasyona at misyon ko." Nakaramdam naman ako ng kaunting lungkot. "Sabi nila... dahil sa akin ay nawala ang sumpa na ibinigay ng mga panginoon sa mga magulang ko... sabi naman nila ay isa akong lunas sa malalang sakit, pero iba ang pakiramdam ko. Pakiramdam ko ay ako mismo ang sumpa, nang ipinanganak ako ay nawala ang pagiging imortal ng mga magulang ko, nag simula naring bumalik ang mga demonyo, naging miserable ang buhay niyo ng dumating-"

"Mali ka." Nahinto ako sa pag sasalita ng maramdaman ko bigla ang yakap niya. "Lahat ng iniisip mo ay mali, totoong nahinto ang sumpa ng mga magulang mo dahil dumating ka, isa kang mahiwagang perlas na dumating sa buhay namin zayn... at lagi mong tatandaan iyon, huwag mong iisiping kakaiba ka dahil katulad karin namin, isa kang mabuting nilalang zayn."

"Kakaiba ako frey at laging mananatili iyon sa isip ko kahit anong gawin ko, hinahabol ako ni lucy hanggang ngayon dahil sa kung ano at meron ako. Na namumukod tanging hybrid immortal, kalahating demonyo at kalahating anghel, iyon ako frey. Tanggap ko kung ano ako." Mapait kong ngiti.

"Hindi naman mahalaga kung ano ka at sino ka, ang mahala ay mabuti ang nasa loob mo."

"Mabuti nga ba talaga frey?" Napaiwas siya ng tingin. "Two thousand years ago ng mangyari ang trahedya sa Outlandish world, mundo ito ng mga salamangkero na kung saan ako ang naka palagi para sa misyon noon, ngunit dahil sa kataksilan ko at sa dugong namamalatay sa akin nasira ko ang mundo nila-"

"Pero nabuo rin iyon dahil sa 'yo."

"Pero maraming namatay frey at hanggang ngayon, hanggang ngayon frey, dala dala ko ang bigat sa dibdib ko." Nakayukong wika ko. "Nang matapos ang trahedyang iyon ay nakalaban ko si lucy, si lucy na pinakamakapangyarihang demonyo sa lahat na dating pinatay ng nanay ko. Hindi ko alam kung paano siyang nabuhay pero ginawa ko ang lahat lahat para mapatay ko siya... at nagtagumpay naman ako, napatay ko siya. Naging payapa ulit ang mundo at nag simulang makilala ako sa ibat iba't mundo. Pero kalaunan ay nabalitaan kong buhay siya at sa mundo ng mga tao siya nag hahasik ng lagim. Sa totoo lang ay hindi ko alam ang gagawin ko, hindi ko alam kung paano ko siyang papatayin gayong alam kong pareho kaming immortal." Tumingin ako sakaniya ng may pait. "By the way, alam mo ba kung ilang taon na ako?" Pag iiba ko ng usapan.

An Immortal in DisguiseWhere stories live. Discover now