Chapter 47

35 5 1
                                    


ZAY'S POV

"Pero tatang, hindi po ba mapanganib doon?" Tanong ni silah.

"Sa totoo lang ay walang nagbalak na pumunta roon, ipinagbabawal rin ang makapunta sa lugar na 'yon dahil, bali balita ay wala ng nakaka balik sa mga sumubok." Pag ke kwento ni tatang.

"Ganoon ho ba?" Wika ni silah.

"Kaya kung magbabalak kayong pumunta roon, para lamang sa gintong kwintas na 'yon ay 'wag niyo ng ituloy dahil mapanganib." Nag aalalang wika niya.

Hmmm.

"Paano niyo nalamang iyon ang pakay namin?" Seryosong tanong ni terry. mukhang hindi lang ako ang nakapansin non. "Sa pag kaka-alam ko ay wala kaming nabanggit sa inyo."

"Ay nabanggit sa 'kin ng isa sa mga kasama niyo." Dali dali kaming napagawi sa direksyon ni silah, dahil siya lamang ang alam naming mag sasabi non.

"Hehe, sorry guys, tinanong kasi ni tatang eh." Wika niya habang naka peace sign sa amin.

"Kung ganoon ay mauuna nakami, salamat sa binigay niyong daan pabalik." Nakangiting wika ni lauren.

"Wala iyon ineng basta ba'y mag iingat kayo sainyong pag lalakbay." Nakangiting ganti ni tatang.

Inayos nanamin ang mga gamit namin at nagsimula ng umalis ng maliit na compund na 'yon. Habang nag lalakad ay walang sinuman ang nag balak mag salita. Naka pamulsang tahimik na sumunod lamang sakanila.

Sa totoo lang ay hinihiling ko na sana ay mali ang kutob ko mula sa mga taong nasa maliit na compund na 'yon, Pakiramdam ko ay dapat kaming mag-ingat lalo.

"Guys!" Tawag sa amin ni blake at ni hiro, pumunta sila sa pinaka harapan at tumingin sa aming lahat. "Bago tayo pumunta sa kweba na tinutukoy ni tatang ay mag si ligo muna tayo." Mariing wika ni hiro.

"Tama si hiro, sa tingin ko ay mas mamamatay ako sa amoy ko kaysa sa gubat na 'to." Pang gagatong naman ni blake.

"That's a good idea." Wala sa mood na wika ni mushroom head.

kailan paba naging madumi 'to?

Hindi naman kalayuan ang tinutukoy nilang, ilog na may falls dahil after thirty minutes ay nakarating kami doon kaagad. Sumalubong sa amin ang may kalakihang ilog, may fall rin ito na hindi naman ganoon kataas.

Dali daling nag hubad ng pang itaas na damit ang mga lalaki. "Pwede bang mag bigay naman kayo ng sign kung mag huhubad kayo bigla bigla?" Ungot ni silah.

"Sorry na, ligong ligo na kami." Tugon ni blake.

Hindi ko na sila pinansin at pumunta sa may malaking bato na katabi ng falls, sinigurado ko rin na hindi ako mababasa.

"Oh zay? hindi kaba maliligo?" Rinig kong sigaw ni silah. Umiling lang ako tinignan na ulit ang ambiance.

Rinig ko naman ang mga tawanan at sigawan nila, ang ilan sakanila ay nag tutulakan pa. Paniguradong ma mi miss ko ang ganitong pakiramdam.

Hindi ako tao, naiiba ako, iyon palagi ang sumasagi sa isip ko kapag nasa kalagitnaan ako ng pag sasaya. Nakakalungkot lang isipin na may mga bagay at taong hindi permanente sa buhay natin, Na darating iyong araw na babalik ka sa reyalidad na mag isa kanalang ulit.

"A penny for your thoughts?" Rinig kong tinig mula sa likuran ko. Nakita ko siyang tumabi sa akin ng hindi man lang ako tinitignan.

tch, mushroom head

An Immortal in DisguiseWhere stories live. Discover now