Chapter 24

45 4 0
                                    


GYU'S POV

"Monday na monday ang init ng ulo mo." Rinig kong tinig ni daniel ng makarating ako ng room.

"Kailan paba hindi uminit ulo niyan?" Sabat naman ni axel.

"Once in a blue moon." Sabat ni kang terry habang nasa libro ang paningin.

"Ba't ganiyan kayo kay BG? Kaibigan ba talaga kayo?" Pagtatanggol sa akin ni hiro. "Hindi kaya once in a blue moon, once in his lifetime." Biglang banat niya, tumawa naman ng malakas ang mga kupal na 'to.

"Shut up!" Sigaw ko at umupo at hindi na pinansin ang mga tao sa paligid.

Hanggang sa dumating si miss at nag discuss.

"Tulad ng sinasabi ko, pwede kayong pumili ng isa o dalawang club na papasukin, ang isa ay major ang isa ay minor club-" hindi niya na natapos ang sasabihin niya dahil may biglang kumatok.

Pumasok ang isang babaeng studyante, kung hindi ako nag kakamali ay grade 11 student ito dahil sa green ID lace niya.

"Yes?" Sagot ni miss.

"Pinapatawag po si Ms. Gryffon at Mr.Cullen sa Dean's Office. Miss."

"Ms. Gryffon and Mr. Cullen you may go." Ani miss.

Wala na akong nagawa kung hindi ang tumayo at lumabas ng room, hindi ko narin pinakinggan ang pang-aasar ng mga kaibigan ko. Nang makalabas ako ay siya namang labas din ni nerd. Nag kasabay pa kami sa pag lalakad.

Nakapamulsa lang siyang naka tingin sa dinadaanan, napansin ko rin na naka uniform narin siya tulad ng uniform ng mga girls ng EIS. Maikli at kulay itim ang palda pero hindi masagwang tignan. Depende rin sa susuot kung mag ha high-socks sila o hindi, may blazer at neck tie rin sila tulad ng sa amin.

Hindi masagwang tignan sakaniya ang uniform dahil maganda ang katawan niya, hindi mataba at hindi rin payat, ang morena niyang balat ay hindi gaanong panget, sadiyang hindi lang talaga maganda ang itsu-

"Stop staring at me." Kalmado niyang sabi ng hindi ako tinitignan.

"H-Hindi kita tinitignan!" Sigaw ko sakaniya at binilisan ang pag lalakad. Simula ng nag kasama kami ng acquaintance party ay nailang ako ng kaunti sakaniya. 

Ano siya? Sine swerte? Sa gwapo kong 'to? Titignan ko siya? Tsk.

Hindi nag laon ng makarating kaming Office ni lolo.

"G-Good morning dean." Sabay naming bati kay lolo.

"Ehem, Good Morning."
Pormal niyang tugon. "Maupo kayo." Seniyas niya sa dalawang upuan na nasa tapat ng table niya.

"Thank you, dean." Ani ng kasama ko at umupo, ganoon din ang ginawa ko.

"Mind telling me, what happened?" Kaagad niyang tanong. Bago pa kami sumagot ay pumasok si miss kath, ang secretary ni lolo.

"Pinatawag ko na rin sila, dean." Kaagad niyang sabi kay lolo.

"Good." Tugon ni lolo.

Sino? Sila!?

Walang anuma'y pumasok isa-isa ang mga kaibigan ko, kasunod naman ang mga kaibigan ni nerd.
Seryoso ang mga mukha nila, habang si daldalita naman ay mukhang sasabak sa isang digmaan. Hindi ko na sila pinansin at humarap na kay lolo.

Pagkatapos ng pag-sasabon ni lolo ay siya namang busangot naming pag lisan ng dean's office, halos riot ang nangyari sa office ni lolo kaya naman bandang huli ay kaming lahat ang naparusahan, hindi ko maisip na ipapagawa 'yon ni lolo sa amin.

An Immortal in DisguiseWhere stories live. Discover now