1

6 0 0
                                    

Hey dae sorry if natagalan but this chapter is dedicated to you 

ENJOY ;-)



\\\\\\\\\\

Reinalyn Jane Sanchez


Ngayong araw ang simula ng panibagong pasukan at isa nakong grade 8 student

Sa totoo lang excited talaga ako kasi nakasali nako sa star section ng school namin at isa pa maging kaklase ko na yung krass ko hihihihi

So ayun sa first day of class di talaga mawawala yung Introduce your self chu chu nayan

Like dzuh magkakilala na kaya kami lahat dito (except sa mga transferees) simula pa nong elementary

"Good morning everyone by the way I'm Reinalyn Jane Sanchez 14, nice to meet you all"

Pagpapakilala ko sa aking sarili with matching wave at tsaka bumalik na sa aking upuan

Since tapos nako nakinig na lamang ako sa iba pang nagpakilala

Hanggang sa may isang transferee na nagpakilala ang nakakuha ng attention ko

"Uhm a-ano g-good morning everyone I'm G-gabrielle Tian Alegado 15, I came from **** High School nice to meet y'all"

Ha taray ah at nag bow pa talaga parang nasa korea lang ang peg hahahaha

Nang matapos ang lahat sa Introduce yourself portion ay nagsalita muna saglit si Maam kung ano ang kanyang criteria sa pagbigay ng grades samin tapos non umalis na siya

"Oy friendship nakita mo ba yung transferee? yung Gabrielle ba ang gwapo no?"

rinig kong tanong ng isa kong kaklase sa kanyang "friendship"

I mean alam kong masama ang mag eavesdrop pero kasi alam mo naman tayong mga pinoy may lahing pagka chismosa eh nasa dugo na ata natin ang pagka marites so ayon pinagpatuloy ko parin ang pakikinig sa kanila

"Ano bayan friendship lahat ng nakikita mong lalaki gwapo sa paningin mo kahit ata mga tambay sa kanto eh gusto mo jowain"

Nubayan muntik nakong masamid sa iniinom kong tubig
hahahaha buti nalang di ako nahuli na nakikinig sa usapan nila

Eh kasi ang realtalk naman ng friendship nya siguro kong iba yung sinabihan niya niyan eh baka marami na siyang kaaway ngayon

"Well alam mo naman friendship maharot ako hihihihi pero kasi si Gabrielle talaga yung tipong di mo maalis yung tingin mo sa kanya alam mo naman yung tipo ng mga kababaihan diba?"

Buti naman at alam mong maharot ka hahahaha

Sabi ko sa isipan ko

"at ano naman yun aber?"

Oo nga ano ba yun? bat di ko alam yun?

"yung tall dark and handsome ba well di naman siya dark kasi may pagka maputi siya at gwapo pa tapos myghad friendship sobrang taas nya at major turn on yun sa ating mga girls no?"

Exaggerated na sabi ni May

Well hindi ko naman ma dedeny na gwapo nga yung si Gabrielle pero kasi kahit saang anggulo tignan mas gwapo pa talaga yung crush ko eh

"Akala ko ba friendship may something kayo sa Louis na yon diba sabi mo pa nga nag level up na kayo"

Tanong ni Rita sa kanyang friendship na si May

"Ano ka ba naman friendship parang crush ko lang yung tao eh at tsaka akala ko rin na naglevel up na eh pero ang g*go gusto pa pala yung ex nya at tinanong ko pa siya paano naman ako tapos ang sabi niya nabobored lang daw siya at sakto naman daw na sumakay ako sa trip niya. Ha! palagi ko siyang ka late night talks at pinag puyatan kahit na dumarami na iyong tigyawat ko at bumibigat na iyong eyebags ko pero mas pinili ko parin na makausapin siya kasi nahuhulog na iyong loob ko sa kanya pero ang loko sasabihan lang akong bored siya? Aba ang galing ko atang entertainer"

gigil na saad ni May kay Rita

Hindi ko alam kung matatawa ako o maaawa kasi yung mukha niya parang pusa na handang mangalmot at awa dahil sa pinagdaanan niya sa g*gong Louis na yon

Sasagot pa sana si Rita pero isinara niya rin ito ng makitang pumasok na yung teacher namin para sa second period.



~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Author's Note: Sorry guys kung short lang talaga yung update kasi wala talagang idea na pumapasok sa utak ko. Hindi kasi ako marunong gumawa ng Introduction but I promise, habang tumatagal ang story nato mas magiging interesante ang mga chapter so I really hope that you will support me till the end........ Babush~

Lovelots~(◍•ᴗ•◍)❤

Falling For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon