21

1 0 0
                                    

Hi guys here's an update for you 😊

Hope you like it

-ENJOY😉


Reinalyn Jane Sanchez


Pagkatapos ng practice ay agad akong kumaripas ng takbo dahil alam ko na gigisahin lang ako ng mga chismosa kong kaibigan tungkol sa nangyari kanina

Nang lumingon ako ay nakita ko ang tatlo na sobrang bilis ng takbo at malapit na nila akong maabutan kaya mas binilisan ko rin ang takbo ko pero nahawakan parin nila ang buhok ko tsaka hinila kaya napatigil ako sa pagtakbo dahil parang matatanggal na ata lahat ng buhok ko sa tindi ng pagkakahila nila

"Huhuhu please wala akong alam sa ginagawa nila kaya pakawalan niyo na ako please"

Pagmamakaawa ko sa kanilang tatlo habang habol parin namin ang aming hininga

"Hoy gaga ang OA mo, para namang kakatayin ka namin"

Sabi ni Lauren habang umiikot pa ang mata

"Dzuh may gusto lang kaming malaman no"

"Ha? Ano ba iyon?"

pag maang maangan ko pa

"Maangmaangan? Pero bago yun ilibre mo muna kami ng burger"

Sabi ng may pinaka-makapal na mukha saming magkakaibigan. Si Camilla

"Hays Oo na"


•••••


"Alam kong kating kati na kayo tungkol sa nangyari kanina kaya simulan niyo nang magtanong?"

Sabi ko habang ngumunguya pa ng burger

"Gurl ikaw na talaga, ikaw na ang pinagpala"

Sabi ni Lauren at niyuyugyog ako

"Anong pinagsasabi mo? Anong pinagpala?"

"Dzuh sabi ko naman sa'yo may gusto yung dalawa sa'yo, eh di ka naman naniniwala. Sapat naman siguro iyong nangyari kanina para masabi na tama iyong hinala namin?"

"Ang hirap naman kasing paniwalaan eh, kaibigan ko yung dalawa tapos malalaman ko na lang na may gusto sila sakin? nakakabaliw kaya"

"Gurl yung kay Gabey, di ba gusto mo siya? Eh sobrang halata na talaga ng ikinikilos niya kanina na may gusto siya sayo, ayaw mo non? Crinushback kana sana all"

"Ramdam ko naman yung kay Gabey kasi kahit idinadaan niya lahat sa biro alam kong may halong totoo yung mga ipinapakita niya pero kay Lester talaga kasi ako nahihirapan eh, alam niyo namang di kami close nong tao kaya nahihirapan ako kung paano ko sasabihin sa kanya ang tungkol sa totoong nararamdaman ko"

Nahihirapang sabi ko tsaka kumagat ng burger

Sobrang gulo na ng buhay ko ngayon dahil sa dalawa at yung kay Lester ako nahihirapan ng sobra. Di ko naman kasi gaano ka kilala yung tao pero masasabi kong mabait siya kasi palagi niya akong pinapasaya at pag may problema ako siya lagi yung nakakapansin kaya para sa'kin di ko deserve yung kabutihang ibinibigay niya sa akin

Falling For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon