5

0 1 0
                                    

Reinalyn Jane Sanchez

Ilang buwan narin ang lumipas simula nang magkatabi kami ni Gabey(cute ng nickname na binigay ko diba? parang yung may ari din ng pangalan cute hehehe) hindi parin ako makapaniwala na sobrang daldal pala niya pag magkasama kami halos kada oras siyang nagsasalita at di nauubosan ng topic pero naaaliw rin ako sa mga kwento niya kaya okay lng rin sakin


Marami ring bagay ang nalaman ko sa kanya gaya na lang ng galing niya sa pag drawing. Naalala ko kasi last last week pinagawa kami ng poster at mangiyak ngiyak na ako non kasi di talaga ako marunong mag drawing at name and section pa lang ang nasulat ko kaya naman napagpasyahan ko na di nalang ako gagawa pero nagulat ako sa ginawa ni Gabey kasi bigla nalang niyang kinuha ang illustration board ko at sinabi niyang siya nalang daw ang mag dadrawing ng akin kaya linibre ko nalang siya ng snack kapalit ng pagtulong niya sakin


Kasalukuyan kong hinahanda ang mga gamit ko para sa next subject na science kasi pupunta kami ng Science Lab at mag e-experiment kami ngayon


"Oy Rein una nako sa Science Lab ha? baka maubusan pa ko ng upuan don"


Paalam ni Gabey sakin


"Sige una ka nalang hinahanap ko pa kasi yung notebook ko eh"


Tanging tango nalang ang isinagot niya at umalis kasama ang classmate namin na naging kaibigan niya nong grade eight pa kami


Nang makita ko na yung notebook ko dali dali akong pumunta sa Science Lab at kinabahan ako ng makitang wala ng bakanteng upuan


huhuhu san na ako uupo neto? Bwesit kasi yang notebook na yan eh


Naisip ko nalang na tumayo at makisali sa isang table ng biglang may tumawag sakin


"Rein dito ka ni reserve kita ng upuan"

Ngiting sabi ni Gabey habang kumakaway at sabay kindat

Di ko alam kung anong nangyari sakin at pakiramdam ko parang may humaplos sa puso ko dahil sa ginawa niya

"Ahhh thank you Gabey savior talaga kita"


Sabi ko sa kanya na tinawanan niya lang

Nakapwesto ang upuan namin sa may likuran at umupo na ako sa tabi ni Gabey at agad na nakinig  kay Maam para sa gagawin naming experiment

•••••


Gabi na at uwian na kaya nagpaalam nako kay Gabey na uuwi na


Habang nag lalakad pauwi inilabas ko ang cellphone ko at nag facebook

Habang naglalakad di ko namalayan na nandito na pala ako sa madilim na daan papunta sa bahay at kahit madilim marami paring tao ang dumadaan ng biglang may nagsalita sa likuran ko na nagdulot ng matinding kaba sa aking puso kaya tumigil ako sa paglalakad dahil sa matinding takot at naramdaman ko na lamang ang isang bagay na nakatutok sa may tagiliran ko


"Miss Hold up to"


Mahinang bulong ng isang lalaki sa may likuran ko na naging sanhi ng pagtaas ng mga balahibo ko habang idinidiin niya parin sakin ang bagay na nasa may tagiliran ko


Nanatili lang akong nakatayo at nakatingin sa aking cellphone habang mangingiyak nako sa takot at napag isipan ko na lingunin ang holdapper at papatirin ko siya sa isa pa niyang deadly weapon sa baba at tatakbo ng mabilis


Dahan dahan kong nilingon ang holdaper at naghanda na akong patirin siya ng napagtanto ko na sino ang holdapper



Lord tulong huhuhu


\\\\\\\\\\\\\

ಥ_ಥ


Don't forget to VOTE AND COMMENT

Falling For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon