Hi guys here's an another pangmatagalang update 😅 Pasensiya na talaga kayo if sobrang tagal kong mag update, sa sobrang tagal nagiging once a month nalang ang pag update ko. Sobrang busy ko talaga ngayon these past few months since gradwaiting na ako ng SHS eh marami talaga kaming mga activities na gagawin at isa pa nag aantay rin ako ng update sa state university na pinag-aplayan ko if nakapasa ba ako. SORRY TALAGA GUYS 😭🙏 ITO UPDATE GUYS BILANG PAMBAWI KO SA INYO🥰
-ENJOY READING😘😊
Reinalyn Jane Sanchez
Pagkapasok namin ni Gabey sa school ay agad kaming dumeretso sa Gym kung saan gaganapin ang event. Nakahanda na lahat ang mga lamesa, mga pagkain na naka buffet style, malalaking sound system at mga iba't-ibang ilaw para sa sayawan mamayaAng mga teacher naman ay naka suot ng formal attire habang inaasikaso kung nasa ayos na ba lahat bago simulan ang event
Umupo kami ni Gabey sa pinakalikod habang naghihintay na mag simula ang event
"Hi pwede ba kaming umupo dito?"
Napatingin kaming dalawa ni Gabey sa taong nagsalita at nagulat ako na si Shaina pala yun at kasama niya si Lester. Tiningnan ko muna ang ibang table at ng makitang wala na ngang bakante ay pumayag kami
Bilog kasi itong table at pang apatan kaya pumayag nalang din kami kasi kami rin lang naman dalawa ni Gabey sa table
"Good evening students so today, we will now start the event. But first I'm just going to say that there's no going to be a Prom Queen or Prom King because we like you to feel that each one of you are the King and Queen of this night . And also to the sections that were going to present tonight please kindly prepare. Enjoy your night students"
Natuwa naman ang lahat sa sinabi ng Principal dahil sisimulan na ang event kaya tumayo na kami ng kaklase ko para maghanda dahil kami ang unang mag pe-present
Pagkarating namin sa gitna ay pumwesto na kami tsaka tumugtog ang music
Now Playing: Perfect by Ed Sheeran
I found a love for me
Darling just dive right in and follow my lead~
Tumingin ako sa mga mata ni Gabey habang sumasayaw dahil yun ang sabi samin nong choreo pag nagsasayaw
Well I found a girl
beautiful and sweet
I never knew you were that someone waiting for me~
Sobrang lakas ng tibok ng puso ko ngayon dahil sa paraan ng pagkatitig sakin ni Gabey
NAKAKATUNAW. Di ko nga alam kong tama paba tong ginagawa ko kasi nadi distract ako sa mga titig niya
Cause we were just kids when we fell in love
BINABASA MO ANG
Falling For You
Teen FictionReinalyn Jane Sanchez just your typical highschool student. Masipag Matalino Mabait at kung ano pang katangiang taglay ng isang normal na highschool student. Pero pano nga ba kung ang inaakalang magiging simple lang ang highschool life niya ay bigl...