7

0 1 0
                                    

Reinalyn Jane Sanchez


Marami ang nangyari sa mga nagdaang araw at laging napapansin ng mga kaibigan ko na sobrang close daw naming dalawa ni Gabey at laging kami lang daw dalawa ang laging magkasama

"Oy Rein mas madalas mo pa atang kasama yang si Gabey kaysa mga kaibigan mo ah"

Pabirong tanong ng kaibigan ko na si Michelle

"Oo nga siya nalang ang lagi mong kasama at kinakausap kinalimutan mo na ata kaming kaibigan mo eh"

Nalulungkot kuno na sabi ng isa ko pang kaibigan na si Camilla at umaaktong pinunasan pa niya ang kaniyang imaginary luha gamit ang kaniyang panyo

"Eh paano naman naman tayo makakapag chismis eh ang layo ng upuan natin, kayong dalawa eh nasa row 1 at si Lauren naman nasa row 2 samantalang ako nasa row 4 at mukhang nag eenjoy pa si Lauren na kausap si Harvey kaysa makasama tayo ngayon"

Tukoy ko sa isa pa naming kaibigan na kasalukuyang tumatawa kasama ang isang kaklase namin na si Harvey

Apat kaming magkakaibigan at magkaibigan na kami simula pa nong grade seven pa kami sadyang hindi lang kami naging magkaklase nong grade 8 pero ngayong grade 9 magkaklase na. Kaming dalawa talaga ni Camilla ang unang naging magkaibigan tapos naging kaibigan din namin sila Lauren at Michelle dahil sa isang group project. Naging magka grupo kasi kaming apat at medyo may pagka takas mental din ang dalawa kaya ayun di nagtagal naging magkaibigan din kami

Nitong mga nagdaang araw hindi na namin madalas na makausap si Lauren dahil lagi silang magkasama ni Harvey at nag aalala ako sa kaibigan ko baka mahulog yung loob niya kay Harvey at masaktan lang siya

Kilala kasing Babaero si Harvey at sobrang gaganda ng mga naging ex niya. Wala namang kaso sakin kung Babaero siya ang sakin lang ayusin na muna yung issue niya sa ex niya bago niya landiin ang kaibigan ko

"Hayyyss iba talaga pag inlove yung mga kaibigan mo ano? Kasi nakakalimutan nila tayo pero pag sila nasaktan sa kaibigan parin pupunta"

Pagpaparinig ni Michelle

Binigyan ko naman siya ng nagtatakang tingin matapos marinig ang sinabi niya

In love? Sinong inlove? Baka si Lauren yung tinutukoy niya pero mga daw eh sino yung iba?

"Hoy Michelle sinong inlove ba ang tinutukoy mo?"

"Eh sino panga ba edi kayong dalawa ni Lauren dzuh"

Sarcastic na sabi ni Michelle habang umiikot pa ang mata

Tusukin ko ng ballpen yang mata mo eh

"Huh? Ako? Inlove? Nababaliw na ba kayo? Sinong me sabi na inlove ako kay Gabey aber?"

"At sino namang me sabi na si Gabrielle yung tinutukoy ni Michelle eh wala naman siyang binanggit na pangalan aber?"

Taas kilay na na sabi ni Camilla

Napahampas ako sa noo ko na napagtantong wala ngang binanggit na pangalan si Michelle

My gosh Rein you're so stupid dahil sa sinabi mo tutuksuhin kalang nila huhuhu

"Argh fine kahit di ko sabihin alam kong alam niyo na rin pero dahil kaibigan ko kayo eh sasabihin ko na"

"Ayos hahahaha"

"Success hahahaha"

Sabay na sabi nila at nag apir pa

"I don't know kung kailan ito  nagsimula kasi kahit anong gawin ko di siya mawala wala sa isip ko kahit sa pagtulog at kahit may ginagawa ako napapangiti nalang ako dahil bigla siyang sumasagi sa isip ko and because of that I think I like Gabey- no scratch that I already fallen for Gabey"

Nakangiti kong pag amin sa kanila

"YIEEEEE"

"AHHHH"

Kinikilig na sigaw nila habang naghahampasan

P.E namin ngayon pero may meeting yung teacher namin ngayon kaya malaya kaming nakipagdaldalan at nandito rin kami ngayon sa gym para sana sa gagawing activity pero dahil nga walang teacher dito nalang kami tumambay. Si Gabey naman nasa malayo, kausap yung iba pa naming kaklase kaya kampante ako na di niya maririnig yung pinagsasabi ko sa mga kaibigan ko

"So alam ba ni Gabrielle yan?"

Tanong ni Camilla matapos ayusin ang nasirang buhok

"Ang alin?"

"Dzuh alam ba ni Gabrielle na gusto mo siya?"

Masungit na sabi ni Michelle

"At bakit ko naman ipapaalam sa kaniya? Mas okay nang ganito kami yung mag kaibigan lang kaysa masira lang kung ano ang meron namin ngayon dahil lang sa gusto ko siya at isa pa baka mabaliw si May pag nalaman niya na meron pang ibang nagkakagusto kay Gabey bukod sa kanya hahahaha"

May kaunting lungkot na sabi ko sa kanila

Totoo yon na wala akong balak ipaalam kay Gabey yung feelings ko kasi natatakot ako na masira yung meron kami dahil lang diyan. Kuntento nako sa kung ano man ang meron samin ngayon at di nako naghahangad pa ng higit pa dito

"May point ka pero kasi sa napapansin ko parang may gusto din si Gabrielle sa iyo eh dahil sa mga kilos niya"

Pangungumbinsi naman sakin ni Michelle

"Paano mo naman nasabi?"

"Eh kasi diba kung wala siyang gusto sayo eh bakit dikit ng dikit siya sayo? At kung mag kausap kayo sobrang daldal niya pero kung kami ang tipid niyang magsalita"

"Oo nga"

Pag sang ayon naman ni Camilla

"Tsk diba pwedeng komportable lang yung tao sakin?"

"Eh pano mo naman ma explain yung lagi kang pinaghahandan ng upuan tuwing pupunta tayong Science lab?"

Sabi ni Michelle

"At nung siya ang nagdrawing nong poster mo kasi naiiyak kana dahil di ka marunong mag drawing"

Dagdag naman ni Camilla

Di nako nakasagot kasi tumunog na iyong bell hudyat na tapos na ang oras namin para sa subject nato at nagsibalikan na kami papuntang classroom

Nang dahil sa sinabi ng mga kaibigan ko bigla akong napaisip sa mga napansin nila kay Gabey

May gusto din ba si Gabey sakin?




\\\\\\\\\\\\\

May mga kaibigan talaga tayo eh no na ipipilit tayo sa crush natin HAHAHAHA. Kahit malabo kang i crushback basta napansin nilang tiningnan ka ng crush mo eh magwawala pa ang mga yan imbis ikaw yung kiligin mas kinikilig pa sila at yung dadaan yung crush mo sa harap mo daig pa ang may TB sa tindi ng ubo at worst yung i tutulak ka pa nila sa crush mo HAHAHAHA

✧\(>o<)ノ

Falling For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon