Reinalyn Jane Sanchez
Ilang gabi ko ring inisip yung sinabi ng mga kaibigan ko na baka may gusto rin pala si Gabey sa akin. Inisip ko rin yung lahat ng pinaggagawa ni Gabey para sakin pero sapat na ba yun para masabi kong may gusto din si Gabey sakin?Hindi naman sa pagiging assumera ano pero may napapansin rin ako kay Gabey eh pero baka ginagawa niya lang ang mga bagay na yon dahil ako lang ang naging malapit na kaibigan niya simula nong lumipat siya dito
Music ang subject ngayon kaya sobrang ingay pa ng mga kaklase ko kasi di pa dumadating si Ma'am
"Guys can I have your attention for a moment please?"
Sabi ng kapapasok palang namin na President
Bigla namang tumahimik yung mga tao sa sinabi ni Mr. President
"Thank you, so guys since meron pang seminar na pinuntahan si Ma'am Reyes ang sabi niya bibigyan niya daw tayo ng isang activity kung saan sasayaw daw tayo ng Festival Dance bago magsimula ang sembreak"
Ha? Festival Dance? Eh 3 weeks nalang bago mag sembreak ah? Papatayin mo ba kami Ma'am? Bwesit
Reklamo ko sa isip ko
"Pucha naman o ang dami pang activity at outputs na gagawin dadagdag pa to?"
"Huhuhuhu just kill me nalang please sobrang stress ko na, hindi na nga ume epekto yung mga nilalagay kong skin care eh"
Reklamo naman ng mga kaklase ko
"I know guys sobrang busy na natin ngayon kasi nga malapit nang mag sembreak pero kasi sabi ni Ma'am wala na daw tayong gagawing activity at di na rin natin kailangang mag take ng exam para sa subject nato kasi pag nag participate tayong lahat sa sayaw automatic pasado na daw tayong lahat"
"Hayyyss ano pa nga ba alangan namang tumanggi kami"
"Huhuhu my goodness di na'
to kakayanin ng powers ko""Since maliit lang na oras ang binigay sa atin ni Ma'am at Huwebes naman ngayon, magsisimula ang practice natin ngayong Sabado alas 12 ng tanghali since alam kong dadating parin kayo ng ala 1 ng hapon so ok lang ba sa inyo?"
"Yes Mr. President ok na ok"
"Hahahaha sige balik na kayo sa ginagawa niyo"
At nagsimula na ngang mag ingay ang mga kaklase ko
•••••
"Hey Rein marunong ka bang sumayaw"
Napatigil ako sa pag muni muni nang biglang magtanong si Gabey
"Aba oo magaling ata to kahit pa mga propesyonal dancer walang panama sakin yan"
Mayabang pa na sabi ko habang nakangisi
Tsk di niya ata alam na ang galing kong sumayaw. Sa sobrang galing ko iilang tao palang ang pinakitaan ko ng galing ko sa pagsayaw. Ha!
"Talaga? Ano yung mga sinasayaw mo?"
Namamangha pang tanong ni Gabey
"Baby Shark"
"Ha?"
"Tinanong mo ko kung ano yung sinasayaw ko edi Baby Shark"
"BWAHAHAHA BWESIT KA ANG SERYOSO NG TANONG KO TAPOS SASAGUTIN MO LANG AKO NG BABY SHARK HAHAHAHA"
Malakas na tawa ni Gabey kaya napalingon yung mga kaklase ko sa kanya at nag peace sign naman ang gago
"Pero seryoso marunong ka bang sumayaw?"
"Hindi eh hehehe"
Nahihiyang sagot ko at iniwas ang tingin ko sa kanya
"Pero magaling akong kumanta"
Pambawi ko sa kahihiyang ginawa ko kanina
"Baka ang banyo lang rin ang nakakaalam niyan ha?"
"Hindi no totoo na'to magaling talaga akong kumanta. Eh ikaw ba marunong ka bang sumayaw?"
"Hindi rin, sa pag da-drawing lang ata ako may talent eh hehe"
Talento mo rin kaya ang mapa ibig ako
"Aba dapat lang na ipagmalaki yang talentong taglay mo kasi di lahat ng tao marunong mag drawing, at isa pa di talaga mawala sa isip ko yung tungkol sa sayaw, sana naman ano hindi ako pagtawanan ng mga tao kung para akong bulateng binudburan ng asin pag sumayaw"
May bahid ng pag aalala na sabi ko
"Sabihin mo lang sa akin kung pinagtatawanan ka nila dahil ako mismo ang kakausap at u-upakan ko sila dahil pinagtatawanan ka nila"
Seryosong sabi ni Gabey habang nakatingin sa mga mata ko
Di ko alam kung matutuwa ako o matatakot dahil sa paraan ng pagkakasabi niya pero isang emosyon lang ang tanging nangingibabaw sa lahat
Kinikilig ako
\\\\\\\\\\\\\\\
(ノ≧∇≦)ノ ミ ┻━┻
BINABASA MO ANG
Falling For You
Teen FictionReinalyn Jane Sanchez just your typical highschool student. Masipag Matalino Mabait at kung ano pang katangiang taglay ng isang normal na highschool student. Pero pano nga ba kung ang inaakalang magiging simple lang ang highschool life niya ay bigl...