25

4 0 0
                                    

Hi guys here's an another pangmatagalang update😅 katatapos ko lang mag take ng final exam namin at naisipan kong mag update nadin... Since wala na kaming klase starting next week hopefully matapos ko na ang story nato by this month or sa early week ng July.. Siguro mga 2-3 chapters nalang ang natitira and pagkatapos nito ay mag po-proceed na ako sa next story so please bear with me dahil konting push nalang talaga ay matatapos na itong "Falling for You"....... Thank you for the long patience and support🥰💖

-Enjoy Reading😉😘

Reinalyn Jane Sanchez

Ilang buwan na ang nagdaan simula nong event ay di parin ako makatulog ng maayos. Kahit ilang beses nakong nagpagulong gulong sa kama aydi parin ako makatulog dahil sa sobrang kilig, kulang na nga lang maihi ako sa tindi ng kilig eh

Nagsimula na ang pasukan ngayon at Grade ten na ako. Nakakalungkot lang kasi di na kami magkatabi ni Gabey pero katabi ko lang yung row nila, at kaming magkakaibigan naman ay magkaklase parin ngayon at katabi ni Lauren si Gabey kaya kampante parin ako. Habang si Lester naman ay napunta sa kabilang section na katabi lang ng room namin pero patuloy parin iyong pag uusap namin sa chat

Marami ang nangyari nong summer gaya nalang ng bumalik kami sa dati ni Lester kung saan lagi kaming magkauap at mag kachat kung saan bibirit siya ng banat na alam niya namang walang epekto sakin at si Gabey naman na madalang ko nalang makausap kahit sa chat pa

sinabi sakin ni Lauren na nong pumunta sila ng family niya sa SM ay nakita daw niya si Gabey na may kasamang babae at pamilyar daw ito pero di rin siya sigurado kung si Gabey ba daw yung nakita niya kasi sobrang layo daw nito

Kasalukuyan akong naglalakad sa hallway nang biglang may bumunggo sakin

"Hala Rein sorry di ko sinasadya nagmamadali kasi ako eh'

si May pala yung nakabangga sakin kaya kinalma ko muna iyong sarili ko dahil ang sakit talaga ng pagkakabunggo niya sakin

"Naku okay lang basta sa susunod tumingin ka sa dinadaanan mo ha? baka mapaaway ka"

kalmado kong sabi sa kaniya habang hawak ang balikat ko na nabunggo niya

"Sorry talaga Rein di na mauulit"

sabi niya sabay takbo dahil tinatawag na siya ng teacher

paglingon ko nakita ko si Gabey na nakatingin ng may pag alala at tinanong kung okay lang ba ako sa pagkakabunggo ko kanina

"Okay lang naman ako Gabey tsaka hindi naman ganon kasakit eh hehehe"

"sa susunod kasi tumingin ka sa dinadaanan mo nakita mo namang nagmamadali iyong tao edi sana naiwasan mong magkabunggo kayo"

seryosong sabi ni Gabey habang tumitingin sa pintuan kung saan pumasok si May kanina

"huh? okay ka lang ba Gabey? ba't parang kasalanan ko pang nabunggo niya ko? atsaka malay ko bang mabubunggo niya ko eh ang lawak-lawak naman ng daan dito oh?"

medyong naiirita kong sabi sa kaniya kaya lumambot iyong expression niya na kaninang seryoso at napalitan ng may pag aalala

"H-hey sorry sa sinabi ko kanina nag aalala lang ako okay? ang lakas kasi ng pagkakabunggo niyo eh pero okay ka lang ba talaga?"

Falling For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon