13

1 1 0
                                    

Reinalyn Jane Sanchez


Ilang araw ang nag daan at tapos na ang sembreak

 Buong sembreak ako nag intay sa message ni Gabey pero wala. Tsk scammer. Ayaw ko rin namang ako yung unang mag cha chat no, nakakahiya kaya. 

Hindi na rin nag message pa si Lester kasi sabi niya sa huling chat niya ay magbabakasyon daw sila ng pamilya niya sa probinsya so expected talaga na mahina ang signal at yung mga kaibigan ko naman di nagpaparamdam tsk

Back to school na ngayon at marami sa nga kaklase ko ang walang gana at nanghihina kasi di daw sapat yung dalawang linggong sembreak at ang ginawa lang daw nila ay tapusin yung mga projects na di pa nila natapos

Hindi pumasok si Lester ngayon at di ko alam kung bakit at tsaka kanina pa kaming walang kibuan ni Gabey dito kasi kahit na nauna siyang dumating ay di niya ako binati ng Good Afternoon gaya ng ginagawa niya dati at inisip ko nalang baka nakulangan siya ng tulog kaya bad mood siya

At dahil ayaw kong mapanis yung laway ko ay ako na ang unang nagsalita sa'ming dalawa

"Gabey? Ok ka lang ba? Kanina ka pa kasi wala sa mood eh. May problema ba?"

May bahid ng pag aalala kong tanong sa kanya

"Hm ok lang ako kulang kasi yung tulog kaya wala ako sa mood wag kang mag aalala, mamaya magiging ayos din ako"

Walang ganang sabi niya habang pilit ngumiti

Tumango naman ako at di na siya kinulit pa at itinuon nalang atensyon sa harapan na di ko namalayan na may teacher na pala



•••••


BORING.......


Yan ang made describe ko sa nangyari sa buong oras ng klase

 Si Gabey kasi di nagsasalita pero ngumingiti at tumatawa naman siya pag may nakakatawa. At yung mga kaibigan ko naman ay laging wala dahil laging tinatawag ng mga teachers sa di malamang dahilan

Nang tumunog ang bell hudyat na tapos na ang klase ay agad kong hinila si Gabey papunta sa garden ng school kung saan tahimik (dahil uwian na) at tinanong siya kung may problema ba kami (kahit walang kami)

"Gabey ok kalang ba? Galit ka ba sakin? May ginawa ba kong mali? Kasi buong araw mo kong di pinapansin eh"

Napabuntong hininga muna siya ng malakas bago sumagot

"Ok fine. Wala kang kasalanan. kasi naman alam kong di maganda itong dahilan kung bakit ako nagkakaganito pero kasi naiinis ako sayo"

Kahit mahina lang yung huling pagkakasabi niya pero naging sapat lang iyon para marinig ko

"Naiinis ka sa'kin? Pero bakit? May ginawa ba kong di mali? na di mo nagustuhan?"

"Eh kasi diba nag chat tayo nong sembreak tapos biglang di mo nako ni replyan, nag aalala ako sayo eh akala ko ano ng nangyari sayo kasi online ka pero di ka nag reply yun pala kausap mo na si President at nakalimutan mo ako agad"

Malungkot na sabi niya habang di makatingin ng diretso sakin

Nakaramdam ako ng guilt sa sinabi niya dahil di ko naman sinasadyang mangyari yun

Kaya niyakap ko nalang siya at nagulat naman siya sa ginawa ko pero gumanti rin siya ng yakap sakin

"Di ko naman sinasadya yun eh pero sorry talaga pramis di na iyon mauulit"

Paghingi ko ng sorry sa kaniya tsaka kumalas sa yakap

"Hehe kalimutan na natin yun, tara na umuwi na tayo at masiyado ng madilim baka mapano pa tayo sa daan"

May pagka awkward na sabi niya

Pumayag naman ako sa sinabi niya tsaka siya tumalikod at naglakad para kuhanin ang bag namin at ibinigay yung sakin para umuwi na

Habang papauwi tahimik lang kaming dalawa at walang nagsasalita samin. Iniisip ko kasi kung bakit ko pa kailangang yumakap sa kaniya, yan tuloy masiyadong


Awkward



\\\\\\\\\

乁 ˘ o ˘ ㄏ







Falling For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon