19 (His P.O.V)

1 0 0
                                    

Dahil bukas na ang Valentines Day here's a treat for you guys 💖

Cheers sa mga walang ka date bukas 😂


ENJOY READING!😉

----------


Gabrielle Tian Alegado


Bumili ako saglit sa labas ng tubig at Juice at pagbalik ko naman ay agad kong hinanap si Rein para sabay na kaming kumain nang makita ko ito kasama ang mga maiingay niyang kaibigan at agad silang nilapitan

"Hey Rein pwede maki join?"

"Hoy Rein ba't di mo ko hinintay"

Sinamaan ko naman ng tingin ang asungot at ganon din siya sakin

di ko namalayan na kasabay ko pala siya sa paglapit kasi nakay Rein lang yung paningin ko

"Hey I asked her first"

"Hoy nauna kaya ako sayo"

Sabay na namang sabi namin

Magsasalita na sana ako nang may humampas ng lamesa kaya halos lahat ng atensyon ng tao ay nasa amin

"ENOUGH! ANO BA PARA KAYONG MGA BATA, KUNG UMUPO NALANG KAYA KAYO EH NO KAYSA MAGTALO PA KAYO SA HARAPAN NG PAGKAIN"

Natakot naman kaming dalawa sa pag sigaw ni Rein kaya agad akong umupo sa harap ni Rein at yung isa naman ay tumabi pa talaga kay Rein

Ang kapal naman ng mukha ng isang to at tumabi pa talaga ha!

Bihira lang kasing magalit si Rein kasi mas madalas itong ngumiti kaya nong sumigaw siya ay natakot talaga ako at sumunod agad sa sinabi niya

Ngumisi lang ang asungot ng makitang nakatingin ako sa kanilang dalawa kaya inirapan ko lang ito at nagsimula ng kumain

"Rein gusto mo ba nitong ulam ko na Fried chicken? Promise masarap to"

Napataas naman ang kilay ko nang makitang binigay niya yung drumstick na part ng Fried chicken kay Rein at tinanggap naman niya ito at dahil pabida ako hindi rin ako nagpahuli

"Thank you Lester"

"Oy Rein Adobong Baboy ulam ko, gusto mo?"

Alok ko kay Rein at agad namang itong tumango kaya binigyan ko ito

"Salamat Gabey ha? Paborito ko talaga to eh"

Unang kinain ni Rein ang binigay ko kaya binigyan ko ng nakakaasar na ngiti ang President at tiningnan lang niya ako ng masama

"Hey Rein kung wala kang maiinon, baka gusto mo ng Orange Juice? meron ako dito"

Aba akala mo ikaw lang meron niyan? Di ako papahuli no?

"Rein ako din merong juice-"

"Walang nagtanong"

Pambabara ni Lester sakin kaya sinipa ko ang paa niya sa ilalim ng lamesa at nong gaganti siya ay iniwas ko ang mga paa ko para yung upuan ko ang masipa niya

"Ako din Rein may Apple Juice gusto mo?"

Pag uulit ko sa dapat na sasabihin ko kanina na naudlot dahil kay Lester

"Ano ba Gabrielle ako yung nauna, Rein Orange Juice yung gusto mo diba?"

"Tumahimik ka Lester ako ang mas nakakaalam kung ano ang gusto niya kaya huwag kang makinig sa kanya Rein, alam ko namang Apple Juice ang gusto mo diba?"

"Orange Juice"

"Apple Juice"

"Kung di pa kayo tatahimik pag uumpugin ko na talaga kayong dalawa. Kanina pa kayo ha"

Kalmado pero madiin na pagkakasabi ni Rein kaya tumahimik naman kaming dalawa ni Lester tsaka yumuko

"Di ko kailangan niyang juice niyo dahil may tubig ako, isang litro pa nga eh kaya please lang pakainin niyo na ako ng tahimik. At pag may marinig na naman akong ingay sa inyong dalawa ihahampas ko talaga sa ulo niyo ang kutsarang hawak ko.  Nagkakaintindihan ba tayo?"

"Yes Maam"

"Oo Rein"

Bumalik naman kami sa pagkain at yung mga kaibigan ni Rein ay palipat lipat ng tingin saming dalawa ni Lester kaya binilisan ko nalang ang pagkain dahil di ako kumportable sa mga titig nila samantalang si Lester naman ay panay sulyap kay Rein habang kumakain

Nang matapos kami ay agad na umalis si Rein na di kami tinatapunan ng tingin at di na niya rin kami kinibo hanggang sa nagsimula na ulit kaming mag practice

May araw karin sakin President



\\\\\\\\

WOOOHHH! (~‾▿‾)~

Falling For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon