9

0 0 0
                                    

Reinalyn Jane Sanchez



"GUYS ILANG BESES NA TAYONG PA ULIT ULIT SA STEP NA TO PERO DI NIYO PARIN NAKUKUHA. AT KAYONG MGA NA SA LIKOD WAG TATANGA TANGA.WALANG UUWI KUNG HINDI MAKUHA ANG STEP NA'TO NGAYON. FROM THE TOP!"

Galit na sigaw samin ng choreographer na siyang kaklase rin namin


Palibhasa kasi magaling sumayaw kaya kung makapang lait wagas pero boplaks naman pagdating sa klase tsk


Kanina pa kaming ala 1 sumasayaw at alas 4 na ngayon kaya marami samin ang pagod na at wala nang energy na sumayaw


"Ok guys last na'to at pagkatapos nito magkakaron tayo ng 10 minutes break para mabawi naman ang lakas niyo at para narin makainom kayo ng tubig  para maka practice tayo ulit"


Bigla namang nabuhayan ang kaklse ko dahil sa sinabi ni Mr. President


"Hayy salamat akala ko mamamatay na ko sa uhaw"


"Huhuhu Mr. President you're our savior i labyu na talaga"


Napangiti naman si Mr. President sa mga reaksyon ng mga kaklase ko dahil sa sinabi niya


Dahil sa sinabi ni Mr. President naging ganado na ang mga kaklase kong sumayaw




•••••




"Okay guys break muna tayo at kung sinong gustong uminom ng tubig ay uminom na dahil magsisimula tayo agad pagkatapos ng break"


Sabi ni Mr. President

Agad kong kinuha ang maliit na bag na dala ko at kukuha na sana ng tubig ng maalalang hindi pala ako nakapagdala

Lalapitan ko sana ang mga kaibigan ko para humingi tubig kasi nakalimutan kong magdala dahil nagmamadali ako kasi tinanghali nako ng gising nang biglang may malamig na bagay akong naramdaman na naramdaman sa pisngi ko at napa talon ako sa gulat kaya nilingon ko kung sino ito

Si Mr. President pala ano naman kaya ang kailangan nito sakin?


"Hi Pres anong atin?"


"Hey Rein just call me Lester please and napansin ko kasi na hindi ka pa umiinon ng tubig kaya binilhan kita"


Nakangiting sabi ni Lester sabay abot ng isang bottle ng Mineral water

Nagulat ako sa ginawa niya kasi ngayon lang kami nagkausap na hindi about sa klase ang pinag uusapan namin. Kahit gulat parin tinanggap ko agad ang tubig dahil narin sa matinding uhaw

"Thank you Mr. Pres- I mean Lester, lalapitan ko sana yung mga kaibigan ko para manghingi ng tubig dahil nakalimutan kong magdala eh, wala naman sigurong gayuma to ano?"


Pabiro ko pang sabi sa kanya

"Hahahaha sira di ko na kailangan ng gayuma para mapa ibig ka dahil ikaw mismo ang magiging saksi sa mga bagay na gusto kong iparamdam at gawin para sa'yo"


"H-ha? A-ano yun?"


"Wala sabi ko uminom kana ng tubig dahil maya maya lang magsisimula na ulit ang practice"


Nakangiting saad niya tsaka tinalikuran na ako

Tama ba yung narinig ko o baka guni guni ko lang yun? Pero kinabahan talaga ako kasi sobrang seryoso ang pagkakasabi niya ng mga salita na iyon


Naputol ang pag iisip ko kay Lester nang namalayan kong kanina pa pala nakatitig sakin si Gabey


"O-oy Gabey k-kanina pa kita hinanap ah, san ka galing?"


Di ko alam kung bakit ako kinakabahan nang nalamang kanina pa pala nakatitig si Gabey sakin

"Bumili lang ako saglit ng tubig pero pagbalik ko nilapitan ka na ni President kaya di muna ako lumapit sa'yo"


Nakabusangot at malamig na pagkakasabi niya


"Eh nakaalis na si Lester ah ba't di ka parin lumapit sakin?"


"Mukha kasing di na ako kailangan, binigay na niya kasi yung bagay na dapat kong ibigay sa'yo"


Saka ko lang napansin ang dalawang bote ng Mineral water na hawak niya at agad naman niyang itinago ito sa likuran niya ng makitang nakatingin ako sa hawak niya


"Hahanapin na sana kita eh kaso lumapit si Lester at binigyan ako ng tubig kaya tinanggap ko nalang"


Mariin at seryoso parin siyang nakatingin sa akin at iniwas ko nalang ang tingin ko sa kanya ng di makayan ang tensyon na binigay dulot ng pagkatitig niya sakin

"Tsk forget it, inumin mo na yan dahil malapit na ulit magsisimula ang practice"


Walang ganang sabi niya at agad akong tinalikuran

Anyare don?


\\\\\\\\

ಠಗಠ

My bby Lester is finally here AACCCKKKKK

Falling For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon